#15 The Pool Party

1.7K 126 195
                                    

To show support for the KimBas couple follow this IG: kimbas_ph

Bas' POV

Ano nga bang nangyayari sa mga couple after sex?

Based sa mga nabasa ko sa Pantip.com dalawa lang naman daw ang pwedeng outcome. It's either maghiwalay or maging mas intimate.

1. Maghihiwalay dahil nakuha na yung gusto sayo. Sex lang ang habol. Natikman ka na kaya itatapon ka na para humanap ng bagong titikman na putahe.

2. Magiging mas intimate dahil nakuha nyo na yung tiwala sa ng bawat isa. Nag-share na kayo sa promised bliss ng highest expression of love. Mawawala yung hiya at mas magiging kumportable sa kahit anong bagay.

So anong dahilan bakit nagbabasa ako ng mga ganito ngayon?

Ganito kasi yun..

Halos 2 months na kaming magkakila ni P'Kim.

Weeks passed na din mula noong nag sex kami ni P'Kim.('Til now hindi ko pa din alam kung counted as sex nga ba yun.)

The thing is...

Hindi kami naghiwalay, nililigawan pa din nya ako. 

Good thing right?

Pero yun nga... hindi din kami naging mas intimate sa isa't isa. Kabaliktaran ang nangyari.

Downgraded ang intimacy!!

Lagi pa din naman kami magkausap at magkasama pero walang intimate moments like kiss, hug or follow up sex!

Parang nagkaroon ng phobia si P'Kim. Tawagin nalang natin yung phobia nya na 'BASeuphobia'.

Oo takot sya sakin!

Everytime nagi-initiate ako ng intimate moment, he's quick to change the topic or binabawalan nya ko.

Lagi nya sinasabi na "hindi mo pa ko sinasagot" or "gusto mo na magpakasal?"

Argh!! Hindi ko talaga masakyan yung trip nya.

Hindi ko akalain na magiging problema din pala kung sobrang conservative ng boyfriend mo!

Good thing or bad thing for me?

Ewan!

Hindi naman sa malibog ako pero normal naman para sa lalaki ang maghanap ng ganung bagay 'di ba?

Lalaki pa din naman ako kahit babae ang tingin sakin ni P'Kim.

I believe na kailangan namin ng mga ganung bagay to add spice sa relationship namin.

Gets nyo ba yung point ko? Sorry na! Tao lang din ako na may pangangailangan tulad nyo.

I need P'Kim in my ass este in my life. 😂

Sigh.

Tapos meet the parents na bukas ang drama ko.

Sabi ni P'Kim mabait naman daw parents nya. Pero natatakot pa din ako no.

I still wonder kung tanggap ba talaga nila na lalaki ang ipapakilala sa kanila ng anak nila eh.

Paano nalang kung mala-nanay pala ni DaoMingSi sa Meteor Garden at nanay ni GoJun-pyo sa Boys Over Flowers ang peg ng parents nya?

Hana Yori Dango ng Thailand ang labas ko nun!

Yung tipong ayaw ng parents nya sakin tapos sasampalin nila ko at ipapahiya. Tapos sisirain nila yung career ko na nag-umumpisa pa lang.

Tapos paghihiwalayin nila kami ni P'Kim tapos ipaglalaban ko at tatayo ako sa harap ng bahay nila P'Kim magdamag at mauulanan ako.

Tapos kinabukasan may pulmunya na ako at ayun mamatay na ko.

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon