#30 The Karma

1.4K 136 332
                                    

Instagram: kimbas_ph

Bas' POV

Ang bilis talaga ng panahon. 2 weeks nanaman yung mabilis na nakalipas.

Hindi mo talaga namamalayan yung oras kapag masaya ka no?

Oo sobrang saya ko. Syempre, dahil kay P'Kim, sa pamilya at sa trabaho ko.

Tama kayo ng nabasa, kasama yung trabaho. Malapit na kasi matapos yung shooting tapos hindi na ako ginugulo ni P'Music.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya at naging behave na sya pero wala na akong pake don. Ang mahalaga tahimik na ang buhay ko sa set.

Konting kembot nalang makakatapos na ako ng isang contract.

Sana marami pang kasunod na blessings ang dumating sakin pagkatapos nito.

"Nakakainip.." Bulong ko sa sarili ko.

Nakatunganga lang ako ngayon dito sa set. As usual, naghihintay ako kung kelan yung scene na kasali ako.

Ayoko naman guluhin si P'Kim dahil siguradong busy yun sa pamamasada nya.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo nong ha?"

Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko.

Si P'Pond.

Anong ginagawa nya rito?

Inabutan nya ko ng paperbag.

Alam nyo na kung anong laman.

"Kob kun na kap, naligaw ka ata dito sa set P'?"

Ngumiti sya sakin.

"Pupuntahan ka sana ni P'Oh pero as usual, nagka emergency sya sa ibang talent kaya ako nalang yung pinapunta nya."

"Nako nag-abala ka pa P', nakatunganga lang naman ako ngayon."

"Okay lang. Wala naman akong ginagawa sa agency at meron din akong gustong panoorin ngayon dito."

Napatingin ako sa mukha nya. Mukhang excited sya. May crush kaya sya dito at gusto nyang makita?

"Sino at ano naman yung papanoorin mo rito P'?"

"Basta maghintay nalang tayo. Kainin mo na yang dala ko sayo."

Tinignan ko yung laman ng paperbag. Tao Kae Noi Seaweed, Taro at Bento ang laman. Okay anong meron sa seafood snacks?

"Wala bang free drinks P'?" Tanong ko.

Maanghang kasi yung Bento.

Natawa sya sakin.

"Nakalimutan ko nong, ano bang gusto mo? Ibibili kita."

"Joke lang P', 'di ko naman mabiro. May juice sa tent ng set."

"Okay na ba sayo yun? Baka gusto mo ng Thai milk tea? Nom yen?  Frappe?"

Nginitian ko nalang si P'Pond.

"Nako wag na P'. Tulungan mo nalang ako ubusin 'to."

Nilabas ko yung Bento. Paborito ko 'to kahit sobrang anghang.

Napalunok si P'Pond at mukhang kinabahan.

Binuksan ko na yung pack ng Bento at inabutan si P'Pond.

Hesitant syang kumuha.

"Ayaw mo ba P'?"

Kahit mukhang napipilitan kumuha na rin sya.

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon