#25 The Monster

1.6K 130 116
                                    

Ig: kimbas_ph

Bas' POV

Ang bilis talaga lumipas ng panahon.

Last day na namin  ngayon dito sa province! Yay!

Sa wakas!! Excited na ko dahil mangingitim na ulit yung lungs ko sa maduming hangin ng Bangkok!!

Syempre joke lang. Alam nyo naman yung totoong dahilan bakit atat na atat na kong bumalik ng Bangkok. Syempre dahil gusto ko ng molestyahin si P'Kim! Joke lang ulit.

Pero come to think of it, hindi ko naman masyadong na-miss si P'Kim. Palagi naman kaming magkatext / chat sa line / sapnu puas / vidjakol este videocall etc etc.

So ayun, feels like magkasama lang kami dito. Pero syempre iba pa din kung kasama mo talaga sa personal 'di ba?

Ayoko nang kausap yung monitor. Ayoko nang kayakap yung Ipad. Ayoko nang ka-holding hands o ka-kiss yung cellphone.

Pak ganun!

Dami ko nanamang naisip. Makabangon na nga lang.

Nakasanayan ko nang gumising ng maaga kahit palagi akong puyat dahil iisa lang ang CR per house na tinutuluyan namin. Kailangan ako yung mauna maligo at mag-ayos.

Ako na yung nag-adjust. Syempre hindi naman ako 'big star' dito. Tapos kasama ko pa sa bahay yung impakto sa set.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa CR.

Bago ako naghubad, nag-bathroom selfie muna ako at sinend kay P'Kim via Line.

"Good morning handsome, see you soon 😘" yung caption na nilagay ko.

Ngiting-ngiti ako pagka-send ko nyan.

Naligo na ako with matching pa hum hum pa. Sobrang good mood ako today. For sure magiging maganda 'tong last day namin sa province.

After ko maligo, lumabas ako ng CR na nakawrap lang yung towel sa waist ko.

Dahan dahan ako naglalakad pabalik sa kwarto ko dahil binasa ko yung reply ni P'Kim at nag-iisip ng reply.

"Buo na ang umaga ko baby dahil nakita ko na yang ngiti mo. Hmmm mukhang ang saya saya ng baby ko ngayon ah?" Yan yung reply nya sakin.

"Excited na kasi akong umuwe. Gusto ko ng matikman ulit yung luto mo P'Kim. Alam mo bang malapit na ko maging malnourished dito dahil hindi masarap yung luto nila." Reply ko sa kanya.

Napahinto ako sa paglalakad dahil ang bilis mag reply ni P'Kim.

"Ano ba talagang gusto mo tikman? Ako o yung luto ko?"

Kyaaaa!!

Ano ba!!

Miss ko na yung conservative na P'Kim ko ha!! Hindi pa rin ako sanay sa mga panghaharot nya sakin. Hihihi.

"Syempre ikaw.. este yung luto mo hehehehe."

Naglakad na ulit ako pabalik sa kwarto pero may napansin ako.

Parang may nakatingin sakin.

Tumingin ako sa gilid ko. Meron nga!

Ang impakto aka P'Music. Nakaupo sya sa sofa.

Nagulat pa sya nung lumingon ako. Pero I'm sure tinitignan nya yung katawan ko or yung nipples ko?

Tinakpan ko yung katawan ko gamit yung mga hinubad kong damit kanina at nagmadaling bumalik sa kwarto ko.

Natakot ako kay P'Music.

__________

As expected naging okay yung buong umaga namin sa shooting. Finally, tapos na lahat ng scene dito sa province! Mabuhey!

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon