#5 The Cinema

1.9K 151 263
                                    


Bas' POV

Napag-alaman ko na 8 years pala ang age gap namin ni P'Kim, 17 ako at 25 naman sya.

Age doesn't matter naman 'di ba?

Atsaka sa itsura ni P'Kim, never mo naman mahahalata na mid 20's na sya. Parang magka-edad nga lang kami.

Yun nga lang, sa ugali... parang 1 century ang agwat namin.

Parang ang tanda-tanda na nya.

Wala namang kaso sakin yung pagiging gentleman at conservative nya. Pero na-bother lang ako ng slight.

Habang naglalakad kasi kami kanina dito sa mall, hindi sya mapakali.

Alam nyo kung bakit?

Masyado daw maikli yung shorts ko!

'Nasisilayan' daw ng iba yung kalahati ng legs ko, yung tuhod ko at ang binti ko.

Sa isip-isip ko, sino naman magkakainteres sa lower extremities ng lalakeng tulad ko 'di ba?

Yeah, given na makinis at maputi yung sakin pero TF! Lalake pa din ako.

Pakiramdam ko tuloy nag-time travel at naging babae ako sa panahon nang reign ni Rama VII at Siam pa ang pangalan ng Thailand.

Moving on...

Kahit sobrang weird ni P'Kim, I still like him. Hihihihi.

Sa panahon ngayon, 0.0005% na lang ang chance na makatagpo ng lalakeng gentleman, conservative, gumagamit ng pomada, may tuktuk, may northern accent at may iodine tincture sa bulsa in case of emergency.

So wala na talagang atrasan 'to. Buo na sa loob ko na boyfriend ang unang ipapakilala ko kay Ma at Pa in the future.

Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinapanood ko sya kumain dito sa hindi mamahalin na resto.

Yes. Hindi mamahalin. Hindi naman kasi sya papayag na gagastos ako sa date na 'to (sya daw ang lalake) kaya dito ko nalang naisipan kumain.

Ayaw ko namang lustayin yung pera na pinaghirapan ni P'Kim. Kung ako lang masusunod, okay na nga kung fried rice at papaya salad nalang ang kainin namin sa bangketa para less than 100 baht lang ang gastos nya.

Pakiramdam ko tuloy, deserving talaga ako para kay P'Kim hehehe.

Matapos ko kainin yung huling vegetable fiber dito sa plato ko (oo kinain ko talaga lahat para walang sayang sa pera ni P'Kim) nagbayad na sya at lumabas na kami ng resto.

Habang naglalakad kami, may lumapit na babae samin.

"Artista po kayo, right?"

Ako ba yung tinanong nya or kami ni P'Kim?

'Di ko naman sya masisisi kung napagkamalan nya kaming artista. Sa itsura ni P'Kim, walang bahid na tuktuk driver lang sya. Atsaka gwapo din naman ako at artista-in-the-making na.

"Hindi po...." sagot ko.

Mukhang nadisappoint yung babae at umalis na din.

"Bakit ba kasi ang gwapo mo P'Kim? Kahit ako iisipin na artista ka eh.."

Biro ko kay P'Kim na nakangiti lang.

"Marahil sa ganda mo sila nabighani.."

P'Kim ano ba?

Pano mo namamanage na lusawin ang tuhod ng 5'10 na lalakeng tulad ko?

Hindi na naawala yung ngisi ko habang naglalakad, hanggang sa andito na pala kami sa harap ng cinema.

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon