Season Finale #22 The Knife

1.9K 151 225
                                    

IG: kimbas_ph

Warning: Extreme violence, gore, sex and blood.

Bas' POV

"Uhm sakin ka lang dahil sinasagot na kita bilang boyfriend ko."

I've never been this certain my whole life, ngayon lang.

I think ito na yung right time para lagyan ng proper label ang relationship naming dalawa ni P'Kim.

Wala ng reason para patagalin ko pa yung panliligaw nya dahil alam naman nating lahat na patay na patay ako sa kanya.

Syempre ganun din sya sakin kaya nga bagay kami 'di ba? We belong together.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko noong past life ko kung bakit ganito ako ka-blessed ngayon to have P'Kim in my life.

Work lang naman ang hiniling ko kay God pero binigyan nya din ako ng love life. God is good all the time.

Para akong umorder ng plain hotdog sandwich pero ang binigay sakin eh hotdog sandwich na may extra cheese with chili beef toppings at may extra large fries pang kasama. Lucky right?

I promise na iingatan ko si P'Kim kasi blessing sya sakin from up above. Never na ako makakahanap ng kagaya nya.

Meron bang iodine tincture, pomada, northern accent, tuktuk taxi at 7 inches yung mga boyfriend nyo? Wala no?! Baka P'Kimmon Varadom ko yan. 😍

Inakap ko ng mahigpit si P'Kim.

I also buried my face on his back. Underneath this cloth is the man I choose, my territory.

Akin ka na officially gago ka.

Alam ko, hindi magiging madali ang lahat para samin ni P'Kim.

Wala naman kasing madaling bagay sa mundo. For sure, may time na masaya kami at syempre meron din time na magaaway at magkakaproblema kami.

Hindi palaging puro rainbows and unicorns lang ang isang relationship.

Kakambal ng love ang pain at struggle, wala tayong magagawa jan. Pero may option tayo to choose who we want to love and struggle with.❤

Teka! Andami ko ng naisip pero bakit hindi sumasagot si P'Kim???

Nag-umpisa na ako kabahan.

Did I just say something wrong?

Kailangan ba mas pinatagal ko pa bago sya sagutin? Baka kasi nabibilisan sya sakin. Alam nyo namang iba yung level ng pagka-conservative nito.

"P'Kim? Wala ka bang sasabihin?"

Again, tahimik lang sya.

Hanggang sa natapos sya maghugas ng pinagkainan namin.

Hindi naman nya pinaalis yung pag yakap ko sa kanya pero hindi talaga sya sumagot or ano pa man.

Ako na yung bumitaw sa pag akap ko sa kanya dahil ramdam ko na may mali.

"P'Kim???" Tanong ko ulit.

Pumwesto ako sa gilid nya para tignan yung mukha nya at kung bakit ang tahimik nya ngayon. Sana hindi ko nalang ginawa.

Natakot ako.

Hawak nya yung knife at nakangiti sya ngayon ng kakaiba.

Napaatras at lumayo ako sa kanya.

Naglakad naman sya papalapit sakin hawak yung knife.

Tangina! Mamatay na ba ko?

Imbis na tumakbo, nanigas yung buong katawan ko at hindi na nakagalaw. Kinain na ko ng takot.

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon