Special #1 Wedding Disaster Pt.1

2.4K 145 170
                                    

Facebook Pages: Singto PH / Joss Wayar PH / MewArt PH

(Qm's Note: Walang S3. Pero merong special chapters.)

Bas' POV

Ilang buwan na yung lumipas simula noong nalaman ko na buhay si P'Kim. Simula noon puro kasal nalang namin  ang iniisip ko.

This time, nabaliktad naman yung situation.

Ako na yung atat ikasal at si P'Kim naman ang parang ayaw magmadali.

Wag nyo ko sisihin kung bakit nagmamadali ako. Ikaw kaya magmahal ng patay tapos buhay naman pala.

Baka last chance ko na 'to.

Kaya intindihin nyo nalang ako kung bakit gusto ko nang itali si P'Kim sa bewang ko as soon as possible.

Baka mawala nanaman eh. Naninigurado lang.

Mahirap na baka anong cliché plot nanaman ang maisip ng baliw na author.

Kaya tatawagan ko na si P'Kim ngayon. As in now na. Ifofollow up ko ulit yung kasal namin.

Ilang months ng delayed eh.

Ayokong matapos ang taon na 'to na hindi Varodom ang apelyido ko.

*ring ring ring

As usual hindi nanaman nya sinagot. Hindi ko na sya makausap tuwing office hours.

Sigh.

Hindi kaya ayaw nya na kong pakasalan? Or sawa na sya sakin?

Nakakainis na kasi eh. Ang cold cold na nya sakin.

Nagsimula 'to nung nag role playing sex kami magdamag.

Pagising ko that day.

Halos sumabog ang phone ko sa notifications.

Nagtrending pala yung speech ko sa awarding + may kumuha pala ng footage ng eksena namin ni P'Kim sa stage using a night vision camera.

Ngayon naka-upload na sa mga platforms yung video with english subtitles.

#1 Trend kami sa youtube, twitter, weibo, facebook at pantip. In just one night, 56M views na yung video sa YT. Natalo namin yung video ni Taylor Swift sa fastest views in one day.

Good or bad thing? Hindi ko na alam.

Nagboom yung mga followers at fans ko.

Pero binash ako ng mga PondBas shippers. Niloko ko raw si P'Pond, ginamit ko lang raw sya para sumikat.

Nagkagulo ang PondBas fandom namin.

May mga nagalit sakin pero marami rin naman ang nagstay.

Nagkaroon din ako ng bagong fandom. #KimBas shippers at #TeamReal naman ang tagline nila.

Kasalukuyan rin na may fanwar ang PondBas at KimBas shippers. Ang gulo gulo!! Ang toxic!!

Inoff ko nalang yung mobile data ko. Ka-stress. Hindi ko na ma-digest ang laman ng social media.

Tinignan ko nalang yung mga texts. Mga text ng kakilala ako at sinasabing trending na daw ako world wide.

Scroll scroll.

May text si P'Oh.

Inofferan daw ako ng channel 3 ng mga bagong projects. Lead role sa isang primetime lakorn at isang movie.

Shiya!!!! Kalevel ko na sila Dj Push non.

Sabi nga nila when it rains, it pours.

Sunod-sunod ang swerte.

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon