#34 The Unexpected Guest

1.5K 121 199
                                    


Chapter 34

Bas' POV

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Pantip at naghahanap ng gift idea para sa anniversary ni Ma at Pa. Bukas na kasi yun, pero wala pa rin akong nabibili. Gusto ko nang pumunta sa mall kaso hinihintay ko pa si P'Oh.

Andito ako ngayon nakatunganga sa labas ng office ni P'Oh. Baka nga magka- "sofa sore" na ako dahil sa tagal ko nang nakaupo dito.

Nasan na ba kasi si P'Oh? Sabi nya 1hour lang daw yung meeting ng mga staffs at managers pero 'til now hindi pa rin sya bumabalik dito sa agency. Pinaguusapan na nila yung resume ng shooting nun pending na series namin at schedule ng mga actors.

Nabalitaan ko kay P'Rahl na wala na atang pag-asa yung kaso ni P'Music kaya nagdesisyon na yung mga producers. Major plot change daw ang mangyayari sa series namin. Its either papatayin yung character ni P'Music or magu-undergo sa plastic surgery.

Sa wakas! Matatapos na rin yung shooting ng series na yun. Ang hirap kasi ng may pending. I wonder kung anong compensation saming mga actors?

Anyways. Gusto ko nalang talaga matapos yung series. Kailangan ko na rin kasi maghanda para sa upcoming na project ko. Nakakuha kasi ako ng supporting role sa isang movie kahit hindi ako nag-audition. Gusto raw talaga ako nun isang producer sabi ni P'Oh.

Magiging sobrang busy ng schedule ko this coming weeks. Ayos lang naman sakin. Gusto ko malibang. Alam nyo na kung bakit. Mas mapapadali yung pag-iwas ko sa lalaking mahilig sa madamo.

Teka-teka. Wag kayong mag-alala. Hindi ako nagpapaka-impulsive or nagdesisyon ng padalos-dalos. Hindi pa ako nakikipagbreak kay P'Kim.

Nilinaw ko kay P'Kim na hayaan nya muna ako.

Gusto ko lang talaga ng space at time para ihanda yung sarili ko. Alam ko naman na merong magandang paliwanag si P'Kim para sa mga nangyari pero hindi pa ako handang makinig sa ngayon. Nagpapalamig at nagpapahupa pa ako nang galit.

Mahal ko pa rin si P'Kim at hindi naman na ata magbabago yan. Masakit lang talaga sa puso yung nagawa nya kaya ako nagkakaganito.

Hindi ako nag-iinarte or kung ano pa man.

Parang respeto ko nalang sa sarili ko. Kilala nyo naman ako at alam nyo rin yung epekto sakin ni P'Kim. Baka isang akap lang nya, mawala na lahat ng galit ko sa kanya. Ayaw ko naman mangyari yun. Baka kasi i-take nya ko for granted kapag palagi ko nalang sya pinapatawad ng mabilis.

I know I know. I have this bad case of loving someone so deeply. Yun tipong handa kang magbulag-bulagan wag lang syang mawala sayo. Sobrang guilty ko sa kaso na yan.

Kasalanan talaga 'to ng mga napapanood kong lakorn eh. Masyado akong positive sa lahat ng bagay. Toxic din pala kapag masyado kang mabait. Baka samantalahin ka in the long run.

"Nong, nakita mo ba si Nong'Tee?"

May lalaking umistorbo sa pagmumuni-muni ko. Napatingala ako para tignan kung sino ang pangahas na sana hindi ko na pala ginawa.

Si P'Tae yung nakatayo sa harap ko.

Talent sya ni KhunMae Janean.

Sorry P'Kim pero hindi ko ide-deny na crush ko talaga si P'Tae simula pa noong una ko sya ngmakita dito sa agency. Epitome kasi sya ng ruggedness. Number 1 quality na gusto ko sa isang lalake. Forgive me P'Kim sa revelation ko. Promise ikaw pa rin yung love ko.

Napakagwapo ni P'Tae sa malapitan. Ngayon ko lang sya nakita ng ganito kalapit. Madalas kasi lumalayo ako whenever na malapit sya sakin. Nakaka-intimidate kasi yung manly aura nya.

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon