#9 The Lunch Box

1.9K 150 158
                                    

Bas' POV

Hesitant pa ko kung aabutin ko yung hotdog na ino-offer ni P'Pond.

Kukunin ko ba o hindi?

Pagkain yan Bas. Sayang naman kung tatanggihan mo.

Hindi ko na hinintay na mangawit sya sa pag-abot sakin. Kinuha ko na yung hotdog sandwich sa kamay nya at nagpasalamat.

"Kob kun na kap P'Pond." Medyo nahihiya yung tono ng boses ko.

Hindi ko alam kung pano ang tamang approach sa lalakeng ninakawan ko ng halik.

Ngumiti sya sakin at umupo sa tabi ko.

Napaka-bango ni P'Pond. Nalunod ako sa amoy nya.

Nakaka-high yung musky scent ni P'Pond. Bagay sa kanya. It gives prominence to his masculinity.

"Walang anuman. Sa tingin ko kasi mahilig ka sa hotdog kaya dinalan kita."

Casual lang naman yung pagkasabi nya nun pero bakit feeling ko double meaning?

Masyado na ata akong guilty. Overreacting at its finest.

"Btw, nabasa mo na ba yung text ni P'Oh?" Dagdag pa nya.

Umiling ako at kinuha yung phone ko sa bulsa.

May text nga na galing kay P'Oh at P'Kim.

Kanina pa yung mga text. Bakit hindi ko napansin?

Una kong inopen yung text ni P'Oh. Trabaho muna bago landi syempre.

"Pwede bang sabay tayo kumain ng pananghalian o dalan kita ng pagkain sa audition mo?  Ilang oras palang ang lumipas ngunit nais ko ng masilayan ang iyong mukha."

Wait. What?

Hallucination ko lang pala yung pagbabalak na una kong bubuksan yung message ni P'Oh.

Priorities.

Syempre si P'Kim muna bago ang lahat. Haha!

"Sige P'Kim. Sasama ako sayo mamayang lunchbreak."

Ngiting-ngiti ako pagka-send ko nyan. Halos makalimutan ko na may katabi pala ako dito.

Pagtingin ako kay P'Pond, nakangiti sya habang nakatingin sakin.

Shiyaaaaa!!

"Ano bang text sayo ni P'Oh? Bakit parang ansaya-saya mo?"

Ngayon ko lang naalala na kelangan ko nga pala basahin yung text ni P'Oh.

"Hindi ko pa nababasa P'. Text ni Ma yung nabuksan ko na message kaya napa-ngiti ako." Palusot ko.

Dali-dali ko nang binasa yung text ni P'Oh.

"Hindi kita masasamahan sa audition mo today dahil may sakit ako."

Nawala yung ngiti ko. Napalitan ng kaba dahil mukhang mag-isa kong pupunta sa audition ngayon.

Pero biglang may umilaw na bumbilya  sa tuktok ng ulo ko.

From kaba to excited real quick. Bipolar na ba ako?

Naisip ko, pwede akong mag-pasama kay P'Kim. Hindi naman siguro kawalan kung 1 day syang hindi mamasada ng tuktuk 'di ba?

"Hindi daw ako masasamahan ni P'Oh sa audition ko dahil may sakit sya."

Kunwari worried yung tono ng boses ko.

"Kinakabahan ka ba dahil magau-audition ka ng mag-isa?"

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon