#39 The Quietus

1.5K 135 118
                                    

Instagram: kimbas_ph

Bas' POV

[phone call]

"Ma, baka bukas na po ulit ako ng umaga makauwi."

Narinig ko na nag-buntong hiningi si Ma.

"Nak mas okay siguro kung mag-papahinga ka muna ngayong araw. Isang linggo ka nang walang maayos na pahinga."

"Okay lang ako Ma. Kaya ko 'to. Atsaka hindi rin ako makakapagpahinga ng maayos sa bahay kung lumilipad ang isip ko papunta sa hospital."

"Pero anak, baka ma-hospital ka na rin sa ginagawa mo."

"No Ma. Walang magbabantay kay P'Kim."

"Wala pa rin ba yung parents nya?"

"Wala pa Ma. Bukas pa raw ang uwi sabi ng kapatid ni P'Kim."

Sigh. Hindi ko alam kung paano ang magiging reaction ng parents ni P'Kim pag nakita nilang ganun si P'Kim pag-uwi nila. Nasa ibang bansa sila ngayon. Wala silang dala na phone para hindi sila maistorbo ng mga things sa work. Kaso yun na nga, hindi rin namin sila ma-contact para masabi yung lagay ni P'Kim.

"I see. Gusto mo ba samahan kita magbantay jan nak? Dadalan na rin kita ng pagkain."

"Ma, wag na. Ayoko nang maabala ka pa."

"Okay lang anak, atsaka parang anak ko na rin si Kim."

"Ma thank you pero kasi mahihirapan ka lang dito. Nasa ICU si P'Kim at walang tutuluyan ang mga bisita. Uupo lang tayo sa bench sa pathway. So mas okay if magpapahinga ka na lang jan sa bahay okay?"

"Hays, okay anak. Pero wag kang magpapalipas ng gutom ha? Nag-aalala na ko para sayo."

"Opo Ma. I will. Kung gusto nyo bumisita sa umaga na lang, okay? Bye Ma andito na ako."

"Sige anak, bye bye"

[end of phone call]

A week passed simula noong na-ospital si P'Kim.

Araw-araw akong pumupunta dito sa hospital para bantayan sya. Kapag natapos ang shooting ko sa umaga, dumidiretso na agad ako rito. Umuuwi lang ako sa bahay tuwing umaga para magligo at mag prepare na ulit sa shooting.

Naging routine ko na yan.

Sa umaga kung hindi yung kapatid ni P'Kim ang nagbabantay, tauhan nila ang naiiwan.

Unti-unti na nga akong nasasanay sa amoy ng hospital. Ito kasing si P'Kim ang tagal gumising.

"P'... P'..."

Ginising ko yung tauhan ng kapatid ni P'Kim na natutulog dito sa bench sa tapat ng ICU.

"Sige na P', umuwi ka na at magpahinga. Ako nang bahala dito."

"Sige po sir." Sagot nya kahit mukhang wala pa sya sarili dahil kakagising.

Naglakad na sya paalis.

Binaba ko na yung mga gamit ko sa bench at naglakad na para silipin si P'Kim sa glass window.

Sorry P'Kim. Namiss ko nanaman ang visiting hours. Hindi nanaman tuloy kita nalapitan.

Kamusta ka na jan? Baka magka-bed sore ka na sa tagal mong nakahiga jan.

Kanina nga pala P'Kim, napagalitan ako sa set dahil wala daw ako sa sarili ko. Ikaw kasi eh! Palagi nalang ikaw ang nasa isip ko. Miss na miss na kasi kita. Pero wag kang mag-alala sakin, bumawi naman ako sa next take.

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon