#3 The Meat Skewers

2.1K 153 206
                                    


Bas' POV

Ramdam kong nag-vibrate nanaman yung phone ko.

Pero hinayaan ko lang.

Sigurado ako si P'Kim nanaman yung nagtext.

Hindi ba nya nahahalata na iniiwisan ko na sya?

Yes. 1 week ko na syang iniiwasan.

Dinecline ko lahat ng offer nya na lumabas kami. Sobrang tipid at walang gana na din yung mga reply ko sa kanya.

Sorry. I know, hindi naman ako pinalaking matapobre pero kailangan kong maging practical.

Una, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kila Ma at Pa na lalake ang gusto ko.

Pangalawa, if ever naman na matanggap nila yung preference ko.. ano namang magiging reaction nila kapag nalaman nilang driver ng tuktuk ang boyfriend ko?

'Di ba? Para ko naman silang pinarusahan sa lagay na yun.

Hays.

Ang hirap ng situation ko.

Kahit iniiwasan ko sya, hindi ko din naman mai-deny na namimiss ko na yung amoy ng pomada at northern accent nya.

Bakit ba kasi naging tuktuk driver ka lang P'Kim? I mean, hindi ko hinahamak ang mga driver sa trabaho nila. Pero sa itsura ni P'Kim, hindi talaga bagay sa kanya.

Sobrang guilty na tuloy ako dahil hinayaan ko syang i-libre nya ako noong nakaraan.

Ilang araw kaya syang naghirap sa pamamasada ng tuktuk para kitain yung pinanglibre nya sakin ng frappé at food sa mamahaling restaurant?

Napaka-unfair at walang kwenta kong nilalang. Kinakain na ako ng konsyensya ko.

'Di ko namalayan inopen ko na pala yung message nya sakin kanina.

"Nong, maari ba akong magtanong? Iniiwasan mo ba ang iyong P'Kim?"

Kung umamin na kaya ako at sabihing oo?

Naawa na kasi ako kay P'Kim. Umaasa ata syang gusto ko din sya (well, gusto ko naman talaga sya) dahil sinabi kong bagay kami noong last date namin sa Siam.

Pero kahit gusto ko sya, wala na talaga akong balak palalimin pa 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

Pero ayaw ko din naman syang masaktan at the same time.

What to do?

"Hindi ahh.. bat naman kita iiwasan P'Kim? Sorry busy lang talaga ako sa work lately."

Totoo rin naman yan, pinaattend ako ni P'Oh sa mga acting workshop.

"Mabuti naman at mali ang aking hinuha, patawarin mo ako. Ako'y nalulumbay lamang sa kadahilanang halos isang linggo na kitang hindi nasisilayan.."

Enebe. Hindi ako kinikilig. Promise.

"Hehehehehe" tipid na reply ko sa kanya.

Hindi ako pwedeng maging patola sa mga sinasabi nya.

Kailangan hindi ako magbigay ng clue na gusto ko nga sya.

Andami kong alam no? Bakit kasi hindi ko na lang sya direchahin para matapos na ang lahat 'di ba?

"Nais mo bang lumabas tayo mamayang gabi Nong? Malaki ang kinita ko ngayon sa pasada dahil binigyan ako ng 'tip' ng mga turista."

P'Kim bakit ba mo ba ginagawang mahirap ang lahat?

Why so bait?

Usually, basta libre go agad ako. Pero this time, iba na.

Alam kong pinaghirapan ni P'Kim yung pera nya at ayaw ko namang lustayin nya yun sa katulad kong matapobre at walang kwentang tao.

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon