#35 The Million Reasons

1.5K 147 139
                                    

Instagram: kimbas_ph

Bas' POV

Ano ba kasing ginagawa ni P'Kim dito?

Ang linaw ng usapan namin sa text na hindi na sya tutuloy dito pero anong ginagawa nya ngayon? Pinupuno ba talaga ni P'Kim yung pasensya ko?

Inirapan ko sya nun nagtama yung mga mata namin.

"Nong Pond, dun ka na umupo sa tabi ni Bas." Utos ni Ma sa kanya.

Kelan pa naging Pond ang pangalan nya?!

Bago sya umupo, inabot nya muna yung dala nyang paperbag kay Ma.

"Happy anniversary po, pagpasensyahan nyo na po yang regalo ko."

"Salamat nong! Nag-abala ka pa talaga. Umupo ka na at sabayan mo na kaming kumain."

"Sige po." Umupo na si P'Kim sa tabi ko.

"Wag kang mahihiya ah. Specialty ko lahat yan. Hindi kasi nasabi ni Bas na darating ka kaya hindi ako masyadong nakapaghanda."

Say what?! Ano naman yang sinasabi ni Ma? Napakarami nya ngang handa!

Wait wait. Bago ko questionin yung dami ng handa ni Ma, bakit nga pala Pond ang tawag nya kay P'Kim?

Magsasalita na sana ako nun biglang nagsalita si Ma.

"Nong Pond, maraming salamat nga pala sa paghatid kay Bas noong lasing na lasing sya. Antagal ko nang sinasabi kay Bas na imbitahin ka para makapagpasalamat ako kaso parati ka raw busy eh. Pero 'di bale na, ang mahalaga andito ka na ngayon."

Natulala ako sa sinabi ni Ma. So hindi ko lang pala imagination yung mga nangyari that night. Si P'Kim nga yung nahalikan ko at sya rin yung naghatid sakin pauwe. Pero bakit kini-claim ni P'Pond na sya yung nahalikan ko? Conflicting yung mga pangyayari. Anong real score?!

"Nako tita wala po yun. Natural lang po na gawin ko yun para kay Bas."

Hinihintay ko na i-tama ni P'Kim yung maling akala ni Ma na sya si P'Pond pero hindi nya ginawa. Ano bang balak nitong si P'Kim?

"Napakaswerte ni Bas dahil meron syang kaibigan na tulad mo. Nong Pond, isumbong mo rin sakin yung mga kalokohan ni Bas ha?"

"Sige po tita. Babantayan ko po maiigi si Bas para sa inyo."

Mukhang tuwang-tuwa si Ma sa sinabi ni P'Kim. Naparoll-eyes nalang ako.

Sating dalawa, ikaw yun kailangan bantayan. Hindi ako.

Teka. Wala ba talaga syang balak itama yung identity nya?

"Hindi po Pond ang pangalan nito. Si P'Kim po yan." Sabad ko sa usapan nila. Hindi na ko nakatiis eh.

Evident yung shock sa mukha ni Ma at Pa. Si Plyfon walang pake sa usapan ng mga matatanda.

"Ikaw si Kim? Boyfriend ni Bas?" Naguguluhan yung tono ni Ma.

"Ako nga po..." Kabadong sagot ni P'Kim.

"Nako nong pasensya ha. Akala ko talaga Pond ang pangalan mo."

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon