#7 The Sunrise

1.8K 154 137
                                    


Bas' POV

"Aray." Bulong ko sa sarili ko.

Napakasakit ng ulo ko ngayon.

10 seconds akong natulala bago tuluyang bumangon at umupo sa kama ko.

100%...... system loading complete.

Una kong tinignan yung kalahating katawan ko sa ilalim ng kumot.

Hindi ako nakahubo.

Tinignan ko din yung gilid ko, wala akong katabi na kung sino man gaya ng mga napapanood ko sa cliché na kdrama.

Nasa sariling kwarto ko din ako.

Nakahinga ako ng maluwag.

Intact pa din ang virginity ng harap at likod ko.

Sorry kung pa big deal ako sa virginity. Kahit naman lalake ako, gusto ko pa din mawala yung purity ko sa taong mahal ko at hindi sa kung sino lang.

Wait. Paano pala ako nakauwe dito?

Pinilit kong alalahanin lahat ng nangyari kagabi kahit kumikirot pa yung utak ko dahil sa hangover.

Shiyaaaaaaaaa!!

Nagpanggap na boyfriend tapos naglasing tapos shiya!!!

May hinalikan ako.

May hinalikan ako!!!!

Hindi na virgin ang labi ko!!!!

Napa-facepalm nalang ako habang nakaupo dito sa kama ko.

Sa memory ko, si P'Kim yung nakikita ko na hinalikan ko. Pero sigurado ako na hindi sya yun.

Paano naman sya mapupunta sa Bar na yun 'di ba? Atsaka sa memory ko, car ang settings ng kiss at hindi tuktuk taxi.

Kahit masakit pa yung ulo ko, bumangon ako para bumaba at kausapin si Ma.

"Bas, kumain ka muna.. gumawa ako ng soup para sayo. Okay ka na ba? Wala bang masakit sayo?" Tanong sakin ni Ma pagkakita nya sakin.

So alam nya na nalasing ako kagabi?

"Ma, nakita mo ba yung naghatid sakin kagabi?"

"Oo naman. Pinagbuksan ko pa nga kayo ng pinto kagabi. Wag ka nang iinom ng sobra sa susunod ha? Binuhat ka pa ng P' mo dahil di ka makatayo sa kalasingan."

Shiya. Napangiwi nalang ako sa naimagine ko. 'Di ko maisip pano nya na-manage na buhatin yung 5'10 na tulad ko at iakyat sa kwarto ko.

"Paano nalang kung wala yung P'Pond mo? Sino nalang maghahatid at bubuhat sayo pauwe?" Dagdag pa nya.

Confirmed. Sabi ko na nga ba at hindi si P'Kim ang naghatid sakin eh.

Si P'Pond nga yung nahalikan ko. Fuck. Bakit ba kasi hindi mo pa ko hinalikan sa labi P'Kim nun may chance ka? Sa iba tuloy napunta ang 1st kiss ko!

"Opo Ma. Hindi na mauulit." Walang gana kong sagot.

Umupo nalang ako at kinain yung hinanda ni Ma para sakin.

Habang kumakain, iniisip ko kung paano ako magte-thank you at magso-sorry kay P'Pond at the same time.

Teka, pwede naman mag thank you nalang at umacting ako na walang naalala about dun sa kiss 'di ba?

Tama tama. Ganun na nga lang siguro.

___________

Kinabukasan.

3AM ako gumising para isaulo at aralin yung script ko.

Lagot ako kay P'Oh mamaya pag pumasok ako na walang alam.

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon