#26 The Confession

1.4K 122 61
                                    

Instagram: kimbas_ph

Bas' POV

"P'Kim na extend yung shooting namin dito sa province."

Pagsisinungaling ko sa text.

Kanina pa kasi sya nagtatanong kung nasaan na ako dahil gusto na daw nya akong makita.

Andito na ako sa Bangkok kanina pa. Pero sa tingin ko, hindi pa ko handang makita si P'Kim.

Don't get me wrong. Hindi ako nagiinarte. It's just natatakot ako dahil sa mga nangyari sakin kahapon.

Nagkaroon na ata ako ng trauma.

Baka pag-kaharap ko na si P'Kim, hindi ko mapigilan yung sarili ko na magsumbong o kung hindi man ako magsumbong... sya mismo ang makakahalata na may dinadamdam ako.

Pero gustong gusto ko na talaga mag-sumbong kay P'Kim dahil alam ko sya lang yung makaka-comfort sakin.

Kaso hindi ako sigurado kung paano nya i-tatake kapag sinabi kong muntikan na akong ma-rape.

Kaya hangga't maari iiwasan ko muna sya.

Malamang kasi magagalit sya at pipilitin nya kong magdemanda pero anong magiging laban namin? Walang testigo at hindi naman kami ganun kayaman.

Atsaka lalake ako. Sino namang maniniwala na gusto akong i-rape ni P'Music 'di ba?

Kahit saang anggulo ko tignan, walang pag-asa na manalo kami kila P'Music.

So better stay nalang ako sa plano. Forget everything as if nothing happened

Sigh.

Papalipas muna ako ng ilang araw bago ko siguro harapin si P'Kim.

Hindi ko pa talaga kaya now.

*buzz buzz

"Hanggang kailan pa raw kayo jan? Bigla akong nalungkot. Akala ko mayayakap na kita nong." Reply ni P'Kim.

Napabuntong hininga nalang ako ulit.

Kung alam mo lang P'Kim. Gustong gusto din kita mayakap at sobrang lungkot ko dahil kailangan pa kita tiisin ng ilang araw.

"Mga 1 week daw. Miss na miss na miss na kita P'Kim."

"I miss you too. Puntahan na kaya kita jan?"

Muntikan ko maibagsak sa mukha ko yung phone dahil sa reply nya. Agad akong nag reply.

"Nako wag na P', 1 week lang naman. Konting tiis nalang yun."

"Hmmmm. Hindi ko na kayang maghintay. Mababaliw na ako pag hindi pa kita nakita ngayong linggo."

"Kim!! Wag makulit."

"Ayaw mo ba ko makita? 😢"

Marunong pala talaga gumamit ng emoji 'tong si P'Kim. Sobrang laki na ng inim-prove nya mula noong nakilala ko sya.

"Gusto pero syempre iniisip ko lang yung layo at gasolinang sasayangin mo."

"Wala namang kaso sakin yun. Ang mahalaga ay makasama kita."

"Gustong gusto ko din makasama ka. Pero ayokong bumyahe ka ng sobrang layo. Hindi ako mapapanatag. 'Di ba nakwento ko naman na yung panaginip ko?"

"Haysss. Sorry baby. Miss na miss lang talaga kita."

"I'll see you soon 😘 I love you"

______________

*kinabukasan

Nagpatawag ng meeting yung mga staffs para i-discuss yung mga plans ng shoot na gagawin dito sa Bangkok.

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon