#21 The Monkey

1.7K 147 154
                                    

IG: kimbas_ph

Bas' POV

"Huwag mo ng alalahanin, okay?"

Tumango nalang ako kay P'Kim.

Andito kami ngayon sa tapat ng poste na malapit sa bahay namin. Hinatid nya ko pauwe after nila mag-usap ni P'Sprite kanina.

Hindi naging maganda yung pag-uusap nilang dalawa kaya nag-aalala ako ngayon.

"Sige P'Kim. Salamat sa paghatid."

Gusto ko sanang mag goodbye kiss kaso tanghaling tapat palang. Baka may makakita samin.

Kumaway nalang ako at nagdrive na sya paalis.

Dumiretso ako sa kwarto ko nun pag-pasok ko sa bahay. Niyaya ako ni Ma kumin pero wala akong gana.

Sigh.

Hindi ko nga pala naituloy yung plano ko na sagutin si P'Kim bilang boyfriend ko dahil hindi mawala sa isip ko si P'Sprite.

Naawa ako sa kanya.

Hindi nya deserve ang iwan nalang basta-basta. Lalo na't ako ang puno't dulo ng lahat. Sobrang guilty ko. Ang bait pa naman nya sakin.

I'll admit, masaya ako dahil ako yung pinili ni P'Kim pero ayoko din naman na may taong nasasaktan para sa happiness ko.

Pero maybe tama rin si P'Kim.

Ito yung right thing to do in order to save P'Sprite from greater pain.

Tama tama. Wala na din namang magagawa dahil the damage has been done.

Lessons learned for P'Kim. 'Wag na 'wag tayo gagamit ng ibang tao in order to move on. No one deserves to be a rebound.

'Wag tayo mandamay ng ibang tao sa pain ng past relationship natin. 'Wag tayo papasok sa isang commitment kung hindi ka tayo nakakamove on sa shadow ng past.

Syempre I also learned my lesson din sa mga drama na nangyari ngayong araw.

Kelangan i-eliminate ko na sa sistema ko yung pagiging immature at impulsive.

Hindi palaging sa akin lang iikot ang mundo ni P'Kim.

Ayokong dumating yung araw na magsasawa sya sa pag-intindi sa mga katangahan ko.

I need to change para naman maging deserving ako sa kanya.

Sabi nila 'wag tayong magbabago para lang mahalin tayo ng isang tao. Ang sabi ko naman, walang masama sa pag-babago if you'll metamorphose for the better.

Matuto tayo mag-adjust sa mga bagay na nakapaligid sa atin para hindi sila mawala.

'Wag tayo maging parasite na puro take lang. Give give din pag may time.

Humanda ka na P'Kim dahil paparating na si Bas version two point 'oh'.

'Di ko namalayan nakatulog na pala ako.

_________

"Ahhh!"

Napasigaw ako dahil sa kaba at takot. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

Hinayaan ko munang mag loading yung utak ko dahil parang wala ako sa sarili.

Nasa kwarto ko pa din ako? Mukhang kakagising ko lang din.

Phew! Nakahinga ako ng maluwag.

Panaginip lang. Thanks God panaginip lang pala.

Ang sama ng panaginip na yun ha.

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon