Hindi Ko Sinasadya
PROLOGUE
"Ikaw, lalaki, tinatanggap mo ba si, Nicole bilang kabiyak ng iyong buhay sa hirap at ginhawa?" Iyan ang naging tanong ng Pari kay Kian nang sandaling um-oo ang babaeng kaniyang magiging asawa. Hindi niya nagawang makakibo agad. Tiningnan niya pa ang paligid bago siya huminga ng malalim. Ilang segundo pa ang nagdaan at hindi pa rin sumasagot si Kian sa naturang tanong ng pari. Malakas na rin ang bulungan ng mga tao.
Akmang magtatanong na muli ang Pari nang biglang nagtatakbo si Kian palabas ng naturang Simbahan. Rinig na rinig ang sigaw ng bride na tumatawag sa kaniyang pangalan.
"Kian! Kian" at hindi niya iyon nilingon sapagkat minabuti niyang sumakay sa kanyang kotse at bumiyahe malayo sa naturang lugar.
To be continued...
YOU ARE READING
Hindi Ko Sinasadya (BXB)
Short Story"Runaway groom na dinala ng tadhana sa probinsya ng Quezon kung saan nakilala niya si Angelo na magbibigay ng panibagong kulay sa kaniyang buhay at magpapakilala sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig." HINDI KO SINASADYA-BXB