HKS- Part V

3.9K 146 3
                                    

HINDI KO SINASASADYA- Part V

ANGELO

Kanina pa ako nakangiti dahil sa dalawang dream catcher na hawak ko. Ang gaganda kasi at unang bigay 'to sa akin ni Kian simula noong tumira siya rito. Ngayon lang ako nakatanggap ng dream catcher at naaaliw ako dahil dito.

Dahil sabi ni Kian ay isuot ko ito, sinubukan kong isuot at ayos naman s'ya sa aking leeg. Maputi naman ako kaya't bagay na bagay sa akin ang skyline blue na dream catcher. Buti na lamang ay necklace ito kundi ay baka nakasabit lang ito sa pader at maluma ng panahon.

Out of nowhere ay nag-reseach ako ng tungkol sa dream catcher and I found out na ang ibig sabihin nito ay ang proteksyon at ilalayo tayo nito mula sa kamalasan at gaya ng buwan at araw, papagaanin nito ang mga problema natin.

Nang maisip ko iyon ay talagang nabuhayan ako at napangiti.

---

"Uy, samahan mo naman ako bukas sa may Plaza... pwede ka ba?" ang paanyaya niya sa akin.

"S-sige lang. Teka, anong meron bukas?" ang tanong ko dahil bigla-bigla nalang kasi siyang nagyayaya patungo sa Plaza bukas.

"Wala lang. Isang buwan na kasi ako mahigit dito ay hindi ko pa rin ako nakakapasyal masyado sa mga lugar rito." Ang tugon niya sa aking tanong.

"Sige, bukas. Iyon lang pala e." Sagot ko pabalik dahil bakas ko sa mukha niya na gusto niya talaga akong isama bukas.

"Talaga, bro!?" aniya at inalog-alog pa niya ako habang hawak niya 'yong dalawa kong braso. Ang saya pala niyang makitang masaya, nakakadala. Tiningnan ko lang siya habang ginagawa niya 'yon at agad naman siyang tumiigil nang mapansin niyang sa kanya na lang ako nakatingin.

"S-sige, bro. Bukas ha?" aniya at nagtatakbo na palabas ng bahay ko. Iba rin ang isang 'yon. Pero bakit may parte ng puso ko na masaya na nakikita siyang masaya? Siguro nga ay nasabik lang ako sa kapatid kaya ganito ang nararamdaman ko.

---

Kinabukasan ay hapon kaming umalis. Nakasakay ako sa tabi ng driver's seat at nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang tinatanaw ko ang mga nagtataasang mga puno dito sa aming probinsya.

"Anong iniisip mo, bro?" tanong niya bigla habang nagda-drive.

"Sina Papa. Madalas din kasi kaming mag-road trip noong nabubuhay pa sila." Pagkukwento ko.

"Nako, bro.. I'm sorry to hear that. Pero kung nasaan man ang pamilya mo, tiyak na masaya sila para sa'yo kaya cheer up, Angelo! Life is too short para malungkot." At ganoon na nga ang ginawa ko. Ngumiti ako ng mapakla ngunit napalitan iyon ng ngiti nang sandaling hawakan niya ang aking kanang kamay.

Ibang lamig ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon dahil hindi ako nakakibo habang sa kanya naman ay wala lang iyon.

"Bro, be positive lagi." Ang paalala niya sa akin at binitawan na niya ang aking kamay at nagpatuloy na siya sa pagmamaneho.

"Noted!" sabi ko at tumawa na kami parehas.

Nang marating namin ang Plaza ay dumiretso agad kami sa simbahan dahil nais daw niyang magdasal. Ganoon din ang aking ginawa at ipinagpasalamat ko kay God lahat ng blessings na ibinibigay niya sa akin kahit mag-isa na lang ako.

"Bro, tara na!" mahina ngunit sapat lamang na sabib niya sa akin para marinig ko siya.

Tumango naman ako at sunod kaming pumunta sa mga nagtitinda ng mga street food at doon ay nagpaihaw kami ng isaw at dugo.

"Noong high school ako ay madalas kami rito ng mga kaklase kong tumambay at kumain. Ang bilis ng panahon." Sabi ko.

"Ah, memorable pala sa'y 'tong lugar na ito, ganoon ba?" sabib naman niya pabalik.

"Oo naman!" singhal ko at tumawa.

"Easy lang, wala akong sinasabing hindi." At napatahimik na lang ako nang subuan niya ako ng inihaw na dugo sa aking bibig at ganoon din ang ginawa ko pabalik sa kanya. Natawa pa 'yong tindera sa amin dahil sa mga kalokohan naming dalawa.

"Loko!" sabi ko at siniko ko siya sa tagiliran at tumawa siya ng bahagya.

"Hindi ka naman mabiro, bro. Sumakay ka nalang kasi." Aniya.

"Ikaw bro, ang lakas ng trip mo." Ako naman ang sumagot at nilantakan ko na ang huling isaw na nasa pinggan ko.

"Ganoon talaga para masaya. Tingnan mo 'yong mga tao, o, masaya sila dahil masaya sila. H'wag kang mahiya dahil ganyan talaga dapat. Ikaw nag gagawa ng sarili mong kasiyahan." Sabi pa niya. Minsan tuloy ay hindi ko maiwasang isipin na siya 'yong teacher sa amin at hindi ako dahil sa dami niyang alam.

"Sabi ko nga. Ang daming alam , e." Sabi ko at sabay kaming tumawa sa kalokohan namin.

Nang matapos kamingg kumain ay dumiretso kami sa isang bakeshop at sinabi niyang hintayin ko na lang siya sa labas. Ganoon na nga ang aking ginawa at masyado siyang mabilis na nakalabas dahil ilang minuto lamang siya roon ay bitbit na niya ang isang kahon ng cake.

"Ang bilis mo naman yata?"

"Gwapo, e." Pagyayabang niya.

"Gwapo mo mukha mo!" sabi ko at lumapit siya sa akin at tiningnan niya ako sa aking mga mata at parehas kaming tumawa nang may sumigaw.

"Mga pogi, 'wag dito! Doon kayo sa Motel!" halos mapunit ang bibig ko sa kakatawa dahil sa sigaw noong driver ng pedicab na nakaparada sa may gilid.

Sinunod naman naming pinuntahan ang parke at doon ay naglatag kami ng dala niyang blanket at hindi ko in-expect na may mga pagkain at inumin siyang dala.

Matapos iyon ay napaisip na ako.

"Bro, anong meron?" tanong ko sa kanya.

"Accept mo'ko sa facebook." Utos niya sa akin at wala akong nagawa kundi mag-open ng account ko at doon ko nakitang in-add niya ako sa pangalang "Kian Santos".

Sandali ko pa siyang in-stalk at nakita ko na birthday pala niya kaya napahawak nalang ako sa bibig ko.

"Hala, birthday mo, bro?" tanong ko na sinagot niya sa pamamagitan ng isang tango. Hindi niya man lang sinabi na birthday niya. 'Di sana ay nakabili ako ng regalo para sa kanya.

"Happy birhtday bro! Madaya kang loko ka! Hindi mo naman sinabing birthday mo pala!" at niyakap ko siya.

"Okay lang 'yon, bro. Ang mahalaga nakasama kita at sa paraang 'yon ay nakalimutan ko na mag-isa ako." Sagot niya habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata.

To be continued...

Hindi Ko Sinasadya (BXB)Where stories live. Discover now