HKS-PART VIII

3.1K 132 4
                                    

HINDI KO SINASADYA-PART VIII

ANGELO

"Bakit may suot kang balahibo ng manok sa leeg mo? Hubarin mo nga 'yan! Ang baduy, bro!" singhal ni Kir nang makita niya ang pendant kong dreamcatcher.

"Bigay 'yan ng kaibigan kaya 'wag mong binabaduy-baduy 'tong dream catcher ko." Sabi ko.

"Okay." Aniya at dumiretso na sa banyo para maligo.

Mabilis ang mga nangyari at hindi ko maiwasang matawa dahil nakalimutan ng mokong ang tuwalya niya kaya pinagtrip-an ko siya.

"Jelo! 'Yong tuwalya!!" pagmamakol niya pero hindi ko pa rin siya tinugon dahil gusto ko siyang asarin.

"Ano 'yon? Hindi kita marinig!" sigaw ko at pigil na pigil na tumawa.

"Jelo!"

"Ito na nga. Napakamakakalimutin mo kasing loko ka! Tuwalya nalang, nakakalimutan pa!" sabi ko habang inaabot sa kanya ang tuwalya na kailangan niya.

"Hindi ka na nasanay sa'kin. Ganito na ako dati pa." Pagpapaliwanag niya sa akin.

Totoo naman ang sinabi niya dahil noong college kami ay ganoon na ganoon ang style niya sa buhay. Masyadong makakalimutin.

Habang nagbibihis si Kir ay natanaw ko si Kian sa labas na nakikipag-usap sa kakarating lang na si Tere.

"Hindi ko sure kung pwede ako sa araw na'yon, ha? Pero susubukan ko para sa'yo." Kinikilig na sabi ni Tere.

"Ganoon ba? Sana talaga pwede ka.." si Kian.

"Oh, sige na nga. Payag na akong maging model mo." Nakangiting sabi ni Tere.

Ang cute nilang dalawang tingnan at sa tingin ko ay bagay na bagay silang dalawa pero hindi ko alam kung bakit ako napapadako sa kanilang dalawa. Maybe kailangan ko na rin ng taong para sa akin. Besides, mag bebente syete na ako sa susunod na buwan.

"Bro!" sabi ni Kir nang matapos siyang magbihis.

Nakayakap siya sa aking likod at ito na naman siya.

"Yong totoo, bro?" Tanong ko sa kanya dahil mas humigipit ang yakap niya. Hindi ito iisang beses na nangyari na niyakap niya ako ng ganito dahil sa tuwing uuwi siya ay sasabihin niyang gusto niya ako. Bagay na hindi ko kayang gawin dahil lalaki ako.

"Mahal pa rin kita, bro." Aniya. Humarap muna ako sa kanya bago nagsalita.

"Bro, lalaki ako, lalaki ka rin. Hindi pwede 'yon. Mahal kita pero hindi gaya ng nararamdaman mo sa'kin." Sabi ko at doon tumulo ang luha niya.

Ito ang dahilan kung bakit matagal siyang hindi pumapasyal dito. Akala ko naka-move on na siya kasi may Gf na siya sa Manila pero hindi pa pala. Mahal pa rin niya ako.

"Bro.. alam kong gusto mo rin ako. Nahihiya ka lang sa ideya na parehas tayong lalaki." Aniya.

"Hindik, bro. Ayusin mo ang sarili mo. Lalaki ka kaya dapat sa babae ka." Sabi ko at doon ay lumuhod siya sa harapan ko.

"Tumayo ka nga d'yan, Kir! Hindi na ako natutuwa!" sabi ko at hindi ko namalayan na nakahawak na siya sa hita ko.

"Bata palang tayo, paulit-ulit ko nang sinasabi sa'yong gusto kita pero bakit hanggang ngayon ang manhid mo pa rin. Mahal na mahal kita, Angelo." Aniya habang umiiyak.

"Sorry, bro pero hindi ko talaga kayang suklian ang pagmamahal mo. We're good as friends kaya 'wag mong sirain. Walang magbabago sa'tin kaya tumayo ka na d'yan." Ganoon na nga nag ginawa niya. Niyakap ko siya at itinaboy niya ako palayo.

"Bigo na naman ako sa'yo, Jelo. Ang kulit kasi ng puso ko. Pinilit ko namang kalimutan ka pero kahit pilitin ko, hindi ko magawa dahil mahal nga kasi kita." Umiiyak niyang sabi.

"Sorry, Kir. Hindi ko sinasadya na hindi ka mahalin gaya ng pagmamahal mo sa akin." Sabi ko at pumasok siya sa banyo.

"Kir!" kumakatok ako sa pintuan ng banyo pero hindi siya sumasagot.

Nakailang katok pa ako pero hindi siya natinag.

Lumipas pa ang mga oras at hindi pa rin siya lumalabas mula sa loob at sa isang iglap ay lumabas siya habang umiiyak na parang bata. Pagang-paga na ang kaniyang mata at ang kaya ko lang gawin ay ang punasan ang luha niya. Habang pinupunasan ko ang kaniyang mga luha ay kinuha niya ang susi ng kotse niya at sinabing, "kung hindi magiging tayo, magpapakamatay na lang ako!" aniya at hindi ko hahayaang mangyari 'yon.

"Ganyan ka ba kadesperado, Kir?" tanong ko.

"'O-oo!" at umiiyak pa rin siya.

"Bakit, Kir? Pwede ka namang magmahal ng ibang lalaki d'yan. H'wag nalang ako, please.." saad ko.

"Sa iba? Alam mong wala akong ibang nagustuhang lalaki bukod sa'yo kaya, please... ikaw nalang." Aniya at niyakap niya ako.

Hindi ako kumibo at hinayaan ko lang siyang nakayakap dahil iyak siya ng iyak. Hindi ko inaasahan na magiging ganito siya kadesperado para sa akin.

"W-wala ka nga talagang pakialam sa'kin, 'no?" aniya at hindi ako sumagot. Napailing nalang siya habang pinupunasan ang luha sa kaniyang mga mata.

-----

Gabi na simula noong umalis siya at kinakabahan ako dahil sa sinabi niyang magpapakamatay siya dahil sa akin.

"Bro, ayos kalang?" tanong ni Kian nang makita niya akong nakaupo sa pintuan. Umiling ako at sunod pa roon ay ang isang tawag mula kay Kira na ikanawindang ko.

"Si Kir, nasa hospital... naaksidente siya.."

"Anong lagay niya?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam, kuya Jelo. Hinahanap ka kasi niya bago siya mawalan ng malay. Ano bang nangyari, Kuya?"

Hindi ako agad nakasagot at inalam ko nalang kung saan naka-confine si Kir.

"Bro, bakit ka umiiyak?" sabi ni Kian.

"Naaksidente 'yong kaibigan ko.." saad ko. Walang ibang dapat sisihin dito kundi ako dahil sa naging selfishb ako. Hindi kon sinuklian ang pagmamahal niya.

"H'wag kang malungkot dahil nadadamay ako sa lungkot mo. Stay positive lang, bro. God is good.. Ililigtas niya ang kaibigan mo."

At ganoon na nga ginawa namin. Mabilis kaming nagtungo sa Manila at dala ang kaba sa dibdib ko, umiiyak na rin ako habang sinisisi ko ang sarili ko.

"Kir, hindi ko sinasadya.." Bulong ko sa hangin.

To be continued...

Hindi Ko Sinasadya (BXB)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz