HKS-PART I

7.5K 195 5
                                    

HINDI KO SINASADYA- PART I

ANGELO

LAST na bote ng beer. Medyo nahihilo na rin ako dahil sa dami ng nainom ko. Halos kakaunti nalang kaming natira dito sa simpleng karaoke bar na pinagganapan ng birthday ng kasamahan ko sa Unibersidad na pinagtatrabahuhan ko bilang Instructor. Buti na lamang at huling araw na kanina ng pangalawang semestre kung kaya't nakapag-enjoy din naman ako kahit papaano.

Nang laklakin ko na ang huling bote ay minabuti ko na ring magpaalam sa mga kasama ko at sumakay agad ako ng tricycle para mabilis akong makauwi sa bahay since hindi ko naman dinala kanina ang motorsiklo ko pagpasok sa trabaho.

Pagka-abot ko pa lamang ng bayad ay nakita ko ang isang kotse sa gilid ng paupahan na pag-aari ko at doon ko nakita si Tere na may kausap na lalaking nakaputing longsleeve. Medyo may katangkaran ang lalaki pero hindi ko na pinansin dahil ang gusto ko ay matulog na dahil sobrang antok na antok na ako.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga kahit na ang totoo ay wala akong pasok sa trabaho ngayon. End of semester na nga pala kahapon kaya napakamot nalang ako sa ulo at dumiresto agad ako sa lababo para magsipilyo at maghilamos. Nasa kalagitnaan na ako ng pagpupunas ng aking mukha nang matanaw ko mula sa bintana ang kotseng pula na kagabi pa naroroon.

Dala ng curiosity ay nagsando na ako at lumabas pa mag-usisa.

"Tere, kanino ang kotseng ito?" tanong ko kaagad kay Tere na noong mga sandaling iyon ay nagsasampay ng kaniyang nilabhang damit.

"Ah, 'yan ba?" ngumiti siya saglit. "Doon 'yan sa lalaking pogi na kausap ko kagabi. At nga pala, mangungupahan din pala 'yong tao kaya ko siya kausap kagabi." Ang pagku-kwento niya sa akin.

"Ganoon ba? Sige at mayroon pa namang dalawang bakanteng kwarto na pwede pang i-occupy." Ang sagot ko at sa aking pagkagulat ay muntikan na akong atakihin sa puso nang bumukas ang pinto ng kotse sa gilid ko. Tinted kasi kaya hindi ko agad nakita na may tao sa loob.

"Pasensya na. Nagulat yata kita.." iyan ang bungad niya sa akin nang makalabas siya ng kotseng kanina lang ay tila walang laman.

"Hindi naman. Okay lang ako." Sagot ko.

"Kian!" sigaw ni Tere at nilingon naman siya nito.

"Siya 'yong sinasabi ko sa'yo kagabi. Si Angelo—may ari ng paupahan dito." Ang singit pa ni Tere.

"Ahhh.. ikaw pala ang may ari." Sabi nito at binasa ko ang buka ng kaniyang bibig. Masyado kasing mapula ang labi niya at ..

"Kian." Doon na lamang natigil ang pagkatuliro ko sa bibig at labi niya nang iabot niya sa akin ang kaniyang kamay.

"Angelo." At may kung ano sa kamay niya nang maglapat ang aming mga kamay. Mabilis pa sa tatlong segundo ko iyong hinawakan dahil hindi sa magaspang ang kamay niya, kundi dahil may kung anong dumaloy sa kamay ko.

Napag-usapan namin ang kaniyang gagawing pag-upa sa isa sa mga kwarto na hindi naman talaga kwarto lang dahil mayroong available na mini salas, kusina, banyo at isang kwato na swak na swak sa budget na apat na libo para sa isang buwan. Kasama na rin doon ang tubig at kuryente.

"So, malinaw na ba sa'yo ang house rules at pati ang upa? Kung namamahalan ka ay pwede ka namang maki-share doon sa isang apartment na puro estudyante ang kasama. Doon makaka---." Hindi na ako na katapos sa pagsasalita dahila agad siyang naglabas ng pera at nagsalita.

"One month advance and one month deposit." Aniya at gulat na gulat ako.

"So, kailan ka magsisimula?" ang tanong ko sa kanya.

"Ngayon din sana." Aniya.

"Sige.. Hintayin mo ako rito at ibibigay ko sa'yo ang resibo." Ang sabi ko at akmang lalakad na ako nang matalapid ako bigla. Buti na lamang at hindi tumama ang mukha ko sa pader dahil nahila niya ang damit ko at sabay kaming tumawa.

"Nagmamadali ka kasi, Bro." Aniya at tumawa naman ako.

"Nga pala.. pwede mo ba akong tulungang maglinis ng bahay? I mean.. kung okay lang sa'yo." Wika niya na hindi ko pwedeng tanggihan.

"Sige ba. Konti nalang naman ang lilinisin dito dahil regular akong naglilinis every weekend." Sagot ko at inihagis ko na sa kanya ang tambo para magsimula na siyang maglinis.

At nang masalo niya ang walis ay hinubad niya ang kanyang suot na damit at bumalandra ang kaniyang hubog na katawan sa aking harapan. Hindi ko na iyon pinansin dahil baka isipin niya na nagagandahan ako sa katawan niya. Lumaki pa ang ulo.

"Ayos din 'tong apartement mo, 'no? Ayos ang mga materyales na ginamit." Pagpuri niya.

"Ah, oo. Kami ng bunso kong kapatid ang nagdisenyo ng apartment na ito noong high school pa lang siya." Natatawa kong pagke-kwento.

"Ayos 'yan." Aniya at hindi na siya muling nagsalita.

"Nga pala.. taga saan ka nga bang talaga?" naitanong ko bigla.

"Quezon City." Aniya sa masayang ekspresyon ng mukha.

"Malayo rin pala. S-sige.. mauna na muna ako. Gagawa mun akong tanghalian. Tawagin mo ako kapag may kailangan ka, ha?" sabi ko at tumango naman siya.

To be continued...

Hindi Ko Sinasadya (BXB)Where stories live. Discover now