HKS-PART IV

4.3K 152 1
                                    

HINDI KO SINASADYA-
Part IV

ANGELO

"Linggo noon, kagagaling lang namin sa bahay ampunan nang bigla kaming pasukin ng apat na armadong mga lalaki. Tandang-tanda ko pa kung paano nila gahasain si Angela, ang bunso kong kapatid na noon ay labing dalawang taon pa lamang.

Wala kaming nagawa ni Papa at Mama noon kundi ang umiyak dahil nakabusal ang aming mga bibig habang ang aming mga kamay ay nakagapos sa aming likuran. Masyado pang bata ang kapatid ko para sa ganoong gawain kaya nang kalagan nila si Mama ay nanlaban ito at binaril sa noo ng isang lalaking may tatoo sa tiyan. Ganoon din ang inabot ni Angela sa kanila at kahit patay na si Mama at Angela ay walang awa pa rin nilang b-binababoy ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay ko. M-masakit sa akin iyon at ganoon din kay Papa na noon ay nakalag na pala ang tali sa paa at kamay at nagawa niyang manlaban at napatay niya ang gumagahasa kay Mama at Angela pero kapalit noon ay ang buhay niya." Panimula pa lamang iyon ng aking kwento pero sabog na sabog na ang puso ko sa sakit at ang mga mata ko sa walang humpay na pagpatak ng mga luha.

"W-wala akong nagawa, Kian kundi ang tumakbo noon. Masyado akong mahina noon at hindi ko alam ang gagawin. Si Papa, pinatay din nila si Papa na nagligtas sa akin. Kung hindi dahil kay Papa ay patay na ako. Pero sana pala hindi nalang ako nabuhay pa dahil ang hirap ng ganito. Nagkolehiyo at naka-graduate ako na hindi ko man lang sila nakakasama. Ang hirap-hirap, bro!" at hindi ko na kaya pang ipagpatuloy ang pagku-kwento dahil nasasaktan ako ng sobra.

"Bro, sorry kung kinulit pa kita na magkwento. I never thought na ganyan kabigat ang nangyari sa pamilya mo. Marahil kung ako ang nasa posisyon mo at baka nagpakamatay na lang ako." Sabi niya at inaalo niya ako gamit ang yakap niya.

"K-kaya inggit na inggit a-ako sa mga taong buo ang pamilya." Sabi ko at hindi ko na mapigilan ang lakas ng iyak ko.

"Siguro may plano talaga sa'yo ang Diyos kaya nangyari sa'yo ang insidenteng 'yon. Sometimes, life is too rough pero kailangan natin na lumaban kasi talo tayo kapag sumuko tayo. Rule of life kumbaga." Malaman niyang pagpapayo sa akin at nang iharap niya ako kanya at pinunasan niya ang luha ko.

"Cheer up, bro! Tumatanda na rin tayo kaya we must know how to let everything happen. H'wag natin ikulong ang sarili natin sa mga bagay na hindi na maibabalik. Focus lang tayo sa goals natin sa buhay."

"S-siguro nga.." sabi ko pa.

----

Tatlong linggo na si Kian dito at sobra-sobra na 'yong closeness namin para sa isa't-isa. Sometimes we do road trip at ginagawa niya pa akong modelo dahil nalaman ko na event photgrapher pala siya pero mahusay din siya sa pagkuha sa kalikasan at iba pang subject.

Ngayon nga ay kakaluwas lang niya para mag-cover ng event sa Laguna at masaya ako para sa kanya.

"Tere! Paalis ka uli?" natatawa kong tanong dahil nakaayos siya.

"May date ako, e." At tatawa-tawa niyang sagot. May nanliligaw na pala.

"Ingat ka! Sabihin mo d'yan sa manliligaw mo, ayusin niya dahil tatamaan siya sa akin kapag sinaktan ka niyan." Pabaon ko sa kanya na animo ay kuya niya kahit halos magkaseng-edad lang naman kaming dalawa.

"Weird ka rin e, pero salamat!" aniya at sumakay na sa tricycle na pinara niya.

Mula sa malayo ay tinanaw ko siya at nakakatuwa lamang na nagkaka-love life na si Tere habang ako ay mukhang tatandang binata.Mukhang hindi na dadami ang lahi ko. Napapatawa nalang ako sa sarili kong kalokohan, e.

Dahil linggo ngayon ay nag-ayos ako ng aking sarili at sasama ako sa mga kaibigan ko na magba-bike para naman ma-relax ako kahit papaano. Masydo na rin kasi akong nabuburo sa bahay.

At nang matapos akong mag-ayos ay minadali ko ang aking sarili sa pagpunta sa tagpuan namin. Doon ay nakita ko si Loy at Jeff na nagkwekwenntuhan habang hinihintay ako.

"Bro, nand'yan ka na pala? Tara na! Ready na kami sa 3.7 kilometer at non-stop na pagpipidal!" excited na wika ni Jeff.

"Ako rin!" sabi ko at nagmungkahi muna ako ng prayer para safe kami para sa pagba-biking namin.

"Alright! Let's go!" sabay-sabay naming sabi at tuluyan na ring umarangkada ang bawat-isa.

Bawat rampa ay masaya at bawat hampas ng malalamig na hangin ay kakaiba sa pakiramdam. Iba rin pala kapag lumabas ka ng bahay. Enjoy na enjoy ka.

Unang kilometro pa lamang ay pagod na ako pero laban pa rin dahil ginusto ko rin ito. At hindi nga nagtagal ay na-reach na namin ang goal namin at hingal kami. W orht it naman dahil masaya kami at ngayon ay nagpahinga lang kami tsaka bumalik na sa rutang pinanggalingan namin. Halos isang oras ang nakonsumo namin pero halos hindi ko rin naman naramdaman dahil gusto kong aliwin ang sarili ko dahil kapag nag-iisa ako ay naiisip ko si Kian and it's not even normal because we're like brothers.

"Bro, parang occupied ata ang isip mo ngayon.." si Jeff.

"H-hindi, napagod lang ako." Palusot ko kahit ang totoo ay iniisip ko kung nakauwi na ba si Kian kahit na napakaimposible dahil gagabihin daw siya.

"S-siguro nga. Napagod din ako, e." Aniya pabalik.

"So, mga bro, next Sunday uli?" si Loyd naman ang nagtanong at um-oo lang kami ni Jeff.

-----

Parang lumulutang pa rin ang isipan ko pero nawala iyon noong sandaling gumarahe ang sasakyan ni Kian. Ibang saya 'yong nararamdaman ko dahil may makakakwentuhan ako. Though, alam kong pagod siya kaya naman minabuti ko na lamang na manood ng T.V na boring naman ang palabas.

Ilang minuto din ang lumipas at nariniig ko ang katok mula sa pintuan kaya't binuksan ko agad iyon at bumungad sa akin si Kian na may dala.

"Buko pie tsaka ube, from Laguna.." aniya.

"Nag-abala ka pa!" sabi ko.

"Bayad mo kaya 'to kaninang umaga kaya anong sinasabi mong abala?" at napagtawanan pa ako. Tama naman kasi siya e. Pinabili ko talaga 'yon sa kanya kaya napangiti nalang ako ng mapakla kasi kung hindi ako nagpadala sa kanya ng pambili ay wala talaga siyang pasalubong.

"Sabi ko nga." Sagot ko.

"Joke, ito ang pasalubong ko." Aniya at iniabot sa akin ang simpleng white at blue na dream catcher.

"Salamat!" sabi ko at 'yong ngiti ko pwede ng ipanghukay sa lalim..

To be continued...

Hindi Ko Sinasadya (BXB)Where stories live. Discover now