HKS-PART XVI

2.6K 94 2
                                    

HINDI KO SINASADYA-PART XVI: ROAD TO FOREVER

KIAN

Ilang araw na ang lumipas and I realized that the most precious thing in life is happiness. Yes, and it was awesome view of life na gaya ng mga larawan na kuha ko sa kanya ay siya namang pagkabog ng dibdib ko dahil sa kilig.

He's holding my hand while he was sleeping right next to me at hindi ko maiwasang kuhanan siya ng picture habang nasa ganoon posisyon. He's topless and he's just too handsome para hindi maging perperkto ang larawan niya sa bawat shot na kinukuha ko. Ni hindi ko na kailangan pang umanggulo pa dahil and 2D picture niya ay sapat na.

"Hindi pa ba tayo babangon, Kian?" ang tanong niya sa akin.

"I'm enjoying the view." Kaswal na sagot ko.

"Enjoy lang." Aniya at humagikhik ng tawa.

Wala man kaming formal na ligawang nangyari ay alam namin sa aming mga sarili na we both love each other. Sa madaling salita ay kami na ni Angelo na dati ay pangarap ko lamang na mangyari. Kaya siguro ako dinala ng tadhana rito sa Quezon ay para ipakilala sa akin ang bagong mukha ng pag-ibig.

Iniisip ko lang ang mga bagay na iyon ay kakaibang saya na ang aking nadarama. Siya lang pala 'yong taong hinahanap ko sa loob ng 26 years ko ng nabubuhay dito sa mundo. Sana pala ay noon ko pa siya nakilala para mas nakilala at nakasama ko pa siya ng matagal.

"Timang! Ngiti-ngiti ka na naman d'yan! Tama na ang day dreaming dahil may pupuntahan tayo." Wala akong ideya kung saan kami pupunta kaya't masayang-masaya akong naligo agad at nagsuot lang ako ng puting t-shirt at denim pants. Nakasabit din sa leeg ko ang DSLR ko para naman maging memorable para sa akin ang araw na ito. Ito kasi ang unang araw na lalabas kami bilang magkarelasyon or magnobyo.

"Tara na, uy!" at mahina pa niya akong pinitik sa tenga kaya't napatawa tuloy ako ng wala sa oras.

"Coming!" sabi ko at nagtatalon na lumabas ng apartment ko. Nakita namin si Tere na may kausap na babae kaya't nag-wave nalang kami na aalis at pinabantayan ko ang bahay sa kanya.

Hindi alam ni Tere ang score sa pagitan namin ni Angelo dahil alam niya lang ay magkaibigan kami at parehas ng trabaho. Pero para sa akin ay okay na sigurong hindi pa niya muna alam dahil baka mabigla na lamang s'ya lalo't parehas nga raw kaming crush na crush niya.

"Tara na!" dumungaw siya sa bintana ng bago niyang SUV na ilang araw pa lang niya nabibili. Mayaman din ang isang 'to pero hindi halata dahil simpleng-simple lang siya kung mamuhay.

"Okay po!" at sumakay ako sa tabi niya.

"Simulan ang maghapon saya!" sabi niya at nag-drive agad siya. He's a good driver, though.. 'Yong iba kasi ay mangangapa pa sa una pero ibahin niyo si Angelo. Maybe he has a background on driving four wheels.

"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko sa kanya dahil wala talaga akong ideya kung saan kami pupunta.

"Basta." Aniya at bigla kaming tumiigil sa gilid ng dangwa.

"H'wag ka nang bumaba. Saglit lang 'to." Hindi nga siya naging matagal dahil may inilagay siya sa compartment na kung ano at tumabi sa akin at panandaliang ngumiti paharap sa akin at iniabot ang tatlong rosas na puti na nagpakilig sa akin ng todo.

I usually give flowers sa mga babaeng nililigawan ko noon and it really feels like heaven dahil mamatay ka sa kilig.

"Para sa akin ba talaga 'to?"pagkaklaro ko bagama't klarong-klaro naman na para sa akin ang tatlong bulaklak na ito.

"May iba pa bang tao rito?" tumawa pa siya at umiling naman ako. "Wala, 'di ba? Para sa'yo talaga 'yan at gaya ng kulay ng mga rosas na'yan, klaro at malinis din ang pag-ibig ko sa'yo." Napaka-korni niyang banat pero 'yong puso ko parang gustong kumuwala.

"Pinapakilig mo ba ako?" pabebe kong tanong.

"No! Gusto ko lang na mahulog ka pa lalo sa akin." Straight niyang sabi at hinalikan pa ang aking kamay na hiniling ko na sana ay sa labi na lang. Pero matapos lang ang thought kong iyon ay lumapat na ang labi niya sa aking labi. Kainis! I'm no longer a child pero he's driving my system insane.

Smack lamang iyon pero iba ang epekto nito sa akin.

"I love you, Angelo."

"I love you too."

-----

Mabilis lang ang naging byahe namin at nang sabihin niyang nandito na tayo ay piniringan niya muna ako kaya't sumunod naman ako. I was only waiting for his command and nang mabuksan niya ang pinto ay inalalayan niya ako para makababa at he guided me as well.

"Halos 50 steps ang ginawa namin bago niya ipatanggal ang piring ko sa aking mga mata.

"We're here to meet my parents.." aniya at hindi ko alam kung bakit ako biglang naluha sa tuwa.

"H'wag kang umiyak, please. Baka sabihin ni Mama at Papa pari na rin si Angelo na pinapaiyak kita." Aniya pero bakit ba? Masaya lang talaga ako. This thing never happened to me before.

"Opo, hindi na po." I said with my pa-cute na tone.

"Nga pala, Ma, Pa, si Kian po.. siya po 'yong kinukwento ko sa inyo noong isang araw. Nobyo ko po. And Angela, Kuya Kian mo na rin siya." Anito at ewan ko ba kung bakit nahihiya ako. Bilang paggalang ay lumuhod ako sa harapan nila at nagsalita.

"Tito, Tita, Angela.. you've had great son. H'wag po kayong mag-alala dahil aalagaan ko po siya dahil mahal na mahal ko po ang anak niyo. San man po kayo naroroong tatlo ay sana po ay matanggap niyo ang relasyon namin ni Angelo. Mahal na mahal ko po si Angelo at hindi ko po ikinahihiya 'yon. Salamat po sa pagbibigay ng permiso na makilala ko siya at maging nobyo. " simula ko na nagbigay ng naka-fixed na ngiti sa labi ni Angelo.

"Pangako ko po na hindi ko siya sasaktan.." sabi ko pa at at matapos din iyon ay nagdasal kami ni Angelo ng sabay.

"Thank you for coming into my life, Kian. I love you!" hindi ko sinasadya na mapangiti pero matapos niya iyong sabihin ay daig ko pa ang nanalo sa loto.

"Mahal din kita, Angelo." Sabi ko at niyakap niya akosa harap ng kaniyang mga magulang at kapatid.

To be continued...

Hindi Ko Sinasadya (BXB)Where stories live. Discover now