HKS-PART XI

2.8K 124 12
                                    

HINDI KO SINASADYA-Part XI

ANGELO

Mabilis na lumipas ang buong linggo at narito pa rin si Kir na walang ginawa kundi ang bumuntot sa akin. Minsan nga ay ayaw niya pa akong lubayan pati sa pagtulog ko.

“Kir, ang aga-aga pa!” bulalas ko dahil alas kwatro palang ng madaling araw ay ginigising na niya ako  dahil gusto raw niyang mag-jogging.

“Dali na, Jelo. Bangon na!” aniya at wala akong nagawa kundi ang bumangon at magg-ayos ng sarili.
Pagkalabas na pagkalabas namin ay nag-warm up muna kami at simpleng streching kaya wala na kaming inaksayang oras pagkatapos.
Ang sarap ng ihip ng hangin at hindi ko maitatangging nilalamig ako.
Gayunpaman, tumakbo lang ako ng tumakbo haggang sa tawagin ako ni Kir.

“Jelo! Hintay!” aniya kaya’t mas binilisan ko pa ang pagtako at nang mapagod ako ay hingal na hingal ako. Pawis na pawis na rin ako pero worth it naman lalo pa nang hilahin ako ni Kian kung saan at hindi ko namalayan na papunta na pala kami sa ilog.

Walang kiyemeng naghubo’t-hubad siya harapan ko at tumalon sa ilog kung saan ko siya isinama noon.

“Tatayo ka nalang ba d’yan o babasain pa kita?” sabi niya at walang arteng naghubad na rin ako at napasigaw dahil sa lamig.

“Woah! Sobrang lamig!” sabi ko. Medyo maliwanag naman dito dahil sa may ilaw mula sa isang poste ng kawayan sa hindi kalayuan at alam ko rin na malinis ito dahil hindi pa ito polluted gaya ng mga ilog mula sa mga karatig na bayan gaya ng mga ilog sa karatig na City kung saan ang mga ilog doon ay ginawa na ring basurahan kaya’t kapag umuulan ay umaapaw agad dahil sa basura.

“Ang sarap dito, ‘no?” tanong niya sa akin.

“Oo naman kahit na ang lamig-lamig.” Nangangatal kong tugon sa kanya.

“Tara na nga, Bro. Magbihis na tayo dahil lamig na lamig na rin ako.” Sino ba naman kasi ang matinong lulusong sa ilog sa ganitong oras, ‘di ba?

“Mabuti pa nga.” At nagpatuyo muna kaming dalawa at isinuot na rin namin ang aming mga damit at naupo kami sa may punong tumba.

“Angelo, alam kong hindi sang-ayon ang kalooban mo na maging katipan or should I say, maging boyfriend si Kir kaya payo ko sa’yo ay magpakatotoo ka sa kanya. Dahil kung mahal ka niyang talaga ay hahayaan ka niyang maging masaya. Hindi rason ang sasabihin niyang magpapakamatay siya para maging kayo. Tandaan mo, may sarili kang buhay, bro. Sundin mo ‘yan,” tinuro niya ang dibdib ko. “at tiyak na magiging masaya ka.” Aniya at nagdire-diretso na siya sa pagtakbo pabalik sa amin.

Habang tumatakbo ako ay naramdaman ko ‘yong lungkot sa dibdib ko kaya naman mas minabuti kong bilisan nalang ang takbo ko. Pero mali pala ako dahil sa pagbilis ko at pagbilis din ng takbo ng isipan ko ukol sa sinabi ni Kian kani-kanina lang.

“Jelo, hintay!” sigaw ni Kir mula sa likuran at hinintay ko naman siya dahil gusto ko siyang makausap.
“Hindi na kita naabutan. Saan ka ba nagsusuot?” aniya at tumawa naman ako ng konti dahil wala siyang ideya kung saan ako nagpunta.

“D’yan lang sa tabi-tabi,” sabi ko . “Ahh.” ‘yon lang sinabi niya at sinabayan ko na siya sa pagtakbo.

Mag-aalas singko na nang makarating kami sa bahay. Pinaghain ko muna siya ng pagkain at naligo naman ako matapos naming kumain dahil first day of school ngayon kaya required kaming lahat na um-attend ng flag ceremony.

“Jelo, ingat ka. Text mo nalang ako kapag nakarating ka na sa school.” Bilin ni Kir na parang asawa.

“Sige, mauna na akol. May pagkain d’yan. Magluto ka nalang kapag nagugutom ka.” Sabi ko bago sumakay sa motorsiklo ko. Kataka-taka namang wala ang kotse ni Kian sa paradahan.

Bahala na nga.

Unang bukas ngayon ng semestre at gusto kong maging desente sa harap ng aking mga estudayante kaya nang magsimula ang flag ceremony ay hindi ko nilikot ang aking mata at nag-focus ako sa sinasabi ng University President at ng kung sinu-sino pang namumulitika sa school.

Nakikipalakpak lang ako kung kailangan at ang pinakamasaya ang ang dismiss.

“Good morning class! I’m Mr. Angelo Asis and I’ll be your Management teacher starting today up to the end of this semester. Be good with your acads and you’ll receive as high as flat one.” Panimula ko sa kanila nang sandaling makapasok ako sa second class ko for today.
Hindi ko alam kung anong meron sa mukha niya at para bang na-startstuck sila or kung ano man.

“Ganito pala rito sa school. Masyadong maraming poging prof.” Narinig ko mula sa isang babae sa may dulo. Hindi na bago sa akin iyon pero hindi ko maiwasang mag-worry din minsan dahil hindi nakakatulong sa estudyante para mag-focus sa mga sinasabi ko.

“Oppa.. I mean, Sir!” mala-tonong K-drama fan na tawag noong isang late na estudayante kaya naman nagtawanan ang mga nasa loob ng classroom.

“Yes, Ms?” tanong ko pabalik.

“Oppa, I mean sir.” Nagtawanan na naman ang mga estudyante.

(AN: Nangyari talaga ‘to sa real life ng author haha.)
“I’m sorry for being late.” Sabi niya na hindi nauutal this time.

“Okay. Next time do not be late again. Please sit next to the guy from the last row.” Sabi ko at nagbigay lang ako ng aking guidelines sa pagbibigay ng grade.

“That’s it for now. Thank you!” sabi ko at lumabas na ako ng classroom. Pero lalabas pa lang ako ng room nang makita ko si Kian na nakasuot din ng gaya ko. At dala ng pag-curious ko ay sinundan ko siya. Baka kasi namamalik-mata lang ako.

“Kian!” singhal ko pero hindi niya nariig kaya naman nang makapasok siya sa computer room ay sinundan ko siya.

Papalapit palang ako ay narinig ko siyang nagpakilala.
“Annyeonghaseyo, Teacher Kian Santos-Imnida! And starting today, I’ll be your teacher in computer 101”
Matapos iyon ay nagsitilian ang mga estudyante niya. Hindi ko man naintindhihan ang ilan sa sinabi niya ay determined pa rin ako na kausapin siya kaya naman matapos ng tilian ay pumasok ako matapos ang tatalong katok.
“Inuulan tayo ng mga pogi!” tili ng isang babae sa unahan.

“Sir, Kian.. bakit ka nandito?” tanong niya sa akin.

Medyo naging maingay pa ang mga kababaihan kaya naman nagsalita na ako.


“Students, kakausapin ko lang si Sir. Santos saglit, ha?” sabi ko at natuwa naman ako sa response nila—tilian.

“Kapag ganito ba naman kapopogi ang mga prof ko, baka hindi na ako um-absent kahit may sakit ako.

“Siguro mamaya mo nalang ako kausapin..” hindi ko siya pinakinggan dahil lumabas na kami.

“’Bakit hindi mo sinabing magtatrabaho ka rin dito?” natatawa ko tanong.

“Hindi ko naman kasi sinasadya na dito makapag-apply. Ikaw talaga! Sige na muna at mamaya na tayo mag-usap, Sir.” Tatawa-tawa niyang sagot kaya napatawa nalang din ako.

To be continued...

Sana may mag-comment :(

Hindi Ko Sinasadya (BXB)Where stories live. Discover now