HKS-PART III

4.4K 167 2
                                    

HINDI KO SINASADYA-
Part III

ANGELO

Nakalipas ang dalawang gabi at ewan ko ba kung bakit hindi ako mapakali. Parang gusto kong lumabas at kausapin si Kian dahil nababagot ako. Buong maghapon kasi ay puro pagdo-dota lang ang inatupag ko rito sa bahay.

Talagang malikot ang aking mga paa kaya naman lumabas ako ng bahay hindi para magtungo sa kinaroroonan ni Kian kundi para bumili ng kahit ano sa kung saang bukas na tinahan. Mabilis akong nakalabas at bumili ako ng balot.

"Sir, libre na po 'yong isa." Ang sabi ni Miko na estudyante ko sa Management nitong nagdaang semestre. Hanga rin talaga ako sa mga batang kagaya ni Miko dahil sa sipag niyang mag-aral at sipag na buhayin ang sarili. Hindi kami nagkakaiba.

"Hindi pwede 'yon. Ano nalang ang kikitain mo kapag libre na 'yong isa?" Umiling s'ya.

"Hindi ba, wala? Kaya heto ang 100 pesos at 'wag mo nang ibalik ang sukli." Sambit ko na ikinatuwa niya dahil bakas na bakas sa mukha niya iyon.

"Talaga po, Sir?" tanong pa niya marahil ay sa gulat na rin.

"Oo naman. Sa'yo na nag sukli. Basta see you next sem, Miko!" Nakangiti kong sabi habang nakaakbay sa kaniyang mura pang mga braso na naging banat na banat sa trabaho dahil sa kakapusan. How I wish na bago mag-anak ng mag-anak ang mga mag-asawa r'yan at mas inuuna nilang isipin 'yong financial capabilities nila na makabuhay ng anak kaysa unahin nilang kagatin at paunahin ang kapusukan kung saan mga anak din naman ang nagsa-suffer.

"Sige po, Sir. Makakaasa po kayo. Ingat po." Abot ngiti niyang pagpapaalam sa akin na sinuklian ko ng ngiti at tinanaw ko siya habang nagpipidal ng bisikleta at unti-unti siya nawawala sa aking paningin.

Ilang lakad na lamang mula sa gate ng aking bahay ay natanaw ko ang isang lalaki na nakaitim at nang magtama ang aming mga mata ay bigla ring nagtatakbo ng mabilis na akala mo ay may iniiwasan.

Hindi ko na lamang pinansin ang taong 'yon dahil inaantok na ako.

Nag-shower muna ako bago mahiga sa aking kama at hindi ko namaamalayan na nakatulog na pala ako.

Hindi ko mawari kung anong oras na ngunit dahil bigla akong nagising dahil sa kaluskos na nagmumula sa kung saan. Parang may binubuksan at hindi muna ako gumalaw dahil pinapakiramdaman ko muna ang galaw ng taong iyon. Mahirap na.

Unti-unti akong tumayo at dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang isang lalaking nakatakip ang mukha ng itim na tela.

Hindi ako nakakilos agad dahil may hawak siyang balisong sa kanan niyang kamay pero dahil alam ko na ang mangyayari ay mabilis akong nakipag-agawan sa kanya ng kutsilyo at bigla akong naalarma nang biglang may pumasok na nakaitim sa pintuan at kasunod noon ay ang paglapit niya sa kinaroroonan namin.

"Ibigay mo na ang pera na meron ka kung ayaw ko pang mapagtulungan ka namin ng kasa----," hindi na niya naituloy ang kaniyang mga sasabihin dahil tumilapon siya dahil sinipa siya ng lalaking nakaitim. Naging alisto rin ako sa mga nangyayari at sinuntok ko agad ang lalaki at ganoon nalang ang pagkagulat ko nang magbukas ang ilaw. Si Kian ang isa pang lalaking nakaitim at tumulong sa akin.

"Dumudugo ang kamay mo," pag-aalala niya.

"Wala 'to! Unahin mo ang lalaki 'yan dahil baka makatakas!" sabi ko kahit na bulagta na talaga ang akyat bahay.

Mabilis din ang naging pagtawag namin sa pulis at nagkagulo pa sa mga karatig na apartment nang makipagbuno ang lalaking kasamahan ng nabugbog sa loob sa mga Pulis. Ang ending ay sa presinto ang bagsak ng dalawang lalaki na hinala namin ay naka-droga.

"Okay na ba 'yang kamay mo?" Nag-aalala niyang sabi habang hawak-hawak ang kaliwang kamay ko na nasugatan sa pakikipagbuno sa akyat bahay. Hindi ko maiwasang kabahan at matuwa dahil sa pag-aalala niya. Sa ilang taon kasi na lumipas sa buhay ko ay ngayon lang muli mayroong tao na nag-alala sa akin ng ganito.

"Nabalutan mo na ng benda 'yan kanina kaya okay na 'yan." Simula ko. "Nga pala, salamat sa pagtulong. Kung hindi ka dumating ay baka malamig na bangkay na ako ngayon. Utang na loob ko sa'yo ang buhay ko." Salaysay ko.

"Kagabi ko pa nakikitang umaaligid ang dalawang iyon kaya nagpakaalerto ako at tama ang hinala ko kaya't inunahan ko na sila at sorry kung natagalan ako sa labas. Kung alam ko lang na aabot sa ganito ay kagabi ko pa niyari ang dalawang ungas na 'yon! Mga adik na akyat bahay pa!" nanggagalaiti niyang kwento.

"Ganoon pala?" at naalala ko ang lalaking nagtatakbo kagabi. Isa pala sa dalawang 'yon ang nakita ko. Hindi na sila makakaulit dahil makukulong na sila.

"Salamat sa pagliligtas, bro!" at niyakap ko siya na tila ba isang kapatid.

Habang nakayakap ay tinapik-tapik niya ang likod ko at masarap iyon sa pakiramdam dahil pakiramdam ko ay safe na safe ako.

"Walang ano man, Bro. Alam ko naman na ganoon din ang gagawin mo, kung ako ang nasa kalagayan mo." Aniya at kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Ganoon na nga. Magkaibigan na tayo, 'di ba?" sabi ko at tumawa.

"'Oo naman, bro!" aniya at nakuha pa naming tumawa.

Matapos ang tagpong iyon ay mas nakikilala ko si Kian. Mabait pala talaga siya at hindi ko maiwasan na maging masaya kapag nand'yan siya dahil iba 'yong pakiramdam na kasama ko siya.

Hindi ko sinasabing gusto ko siya dahil parehas kaming lalaki. Gusto ko siya dahil natutuwa ako sa pakiramdam na parang meron akong kapatid kahit na hindi ko naman siya kadugo.

"Bro, pansin ko lang... " tumigil muna siya at ako naman ay nagtaas lang ng dalawang kilay bilang sagot.

"Parang ikaw lang mag-isa rito sa bahay mo. Nasaan na 'yong parents mo?" tanong niya.

"Sanay na naman ako rito sa bahay.. Tsaka okay lang naman kayang mag-isa (kahit hindi) dahil nagmumuka akong malakas sa ganoong paraan." Ngumiti pa ako ng mapait at ewan ko ba kung bakit tumulo na lamang bigla ang mga luha ko dahil sa mga salitang ako mismo ang nagsabi.

To be continued..

Hindi Ko Sinasadya (BXB)Where stories live. Discover now