HKS-EPILOGUE

3.9K 134 105
                                    

HINDI KO SINASADYA-EPILOGUE

ANGELO

After 4 years...

"Congrats, Bro!" iyan ang sabi sa akin ni Jeff nang sa wakas ay ikasal ako sa isang fashion designer na si Francheska. Francheska is everything to me now at laking pasasalamat ko dahil dumating siya sa buhay ko. I never knew na sa kanya ako mag-wawakas.

"Salamat, Bro!" iyan ang naging sukli ko sa kanya at tumingin sa pinakamagandang babae na nakilala ko sa buong buhay ko. I can't help myself not to cry dahil kusang pumapatak ito marahil ay dahil iyon  sa sobrang saya na nararamdaman ko. I am 31 now at hindi ko inaasahan na ganito pala kasarap ang end point ng isang rally.

Hindi naging madali ang lahat noong nawala si Kian sa buhay ko. I struggled a lot pero hindi ko hinayaan malunod na lang ako sa sakit at panghihinayang dahil lamang sa kanya.

There I went here sa manila para i-pursue ang pag-aaral ko ng photography. Dito ko rin nakilala si Francheska na asawa ko na ngayon. Siya ang nagpakilala sa akin ng tunay na pag-ibig. Marami kaming naging mga problema pero hindi niya ako iniwan at iyon achievement para sa aming dalwa.

Right after na manggaling kami sa reception ay nagtungo na kami sa airport para bumiyahe patungo sa Thailand dahil doon namin gustong mag-honey moon.

"I love you, Babe!" sabi ko at walang hiyahiyang hinalikan ko siya na sinuklian naman niya.

Kapag pala mahal mo ang isang tao ay wala ka na ring pakialam sa paligid mo dahil makita mo lang siyang masaya ay buo ka na rin.

"I love you too, Angelo!" aniya at hindi namin namamalayan na may batang kumapit sa aking pantalon at sa pagaanalisa ko ay nasa edad tatlo o apat na ang batang ito.

"Hey.." sabi ko at nakita kong sumulpot bigla sa harapan ko ang taong apat na taon ko na ng hindi nakikita.. Si KIAN.

"Jelo!" rinig kong tawag niya kaya't napalingo ako at ang batang nagtatakbo papunta sa kanya.

"Uy, Angelo!" sabi niya at nagkapalitan kami ng tingin at binulong ko nalang kay Misis na kasamahan ko siya sa trabaho dati.

"Long time no see!" At nagyakap kaming dalawa ng ilang segundo.

"Anak mo?" tanong ko dahil hawig na hawig nga niya ang bata.

"Jelo, say hi to your tito Angelo." Sabi niya sa anak niya na isinunod pa talaga niya sa akin ang pangalan. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil doon.

"Hello!" Nakangiting sabi ng bata at yumakap pa sa akin at kay Francheska.

"By the way, Kian my wife.. Fracheska he's Kian" sabi ko at nagkamay silang dalawa. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba na nakita ko siyang nalungkot pero baka namamalikmata lang ako.

"Nice meeting you!" sabi ni Kian at hindi ko maiwasan na magtanong.

"Nasaan ang mommy ni Jelo?" tanong ko at naging malungkot ang mukha nitong nagsalita.

"She died after she gave birth to Jelo." Aniya at nagulat kaming dalawa ng misis ko.

"We're sorry to hear that, Kian but we really had to fo na rin kasi dahil baka pini-page na ang pangalan naming dalawa ng mister ko." Sabi ni Francheska at niyakap pa niya ang bata.

"Salamat! Ingat kayo!" aniya at kumaway-kaway pa at nakigaya pa ang nakangiting si Jelo.

"Take a good care of him! Magkamukha kayo, bro!" sabi ko at nagpasalamat na lang uli siya.

At doon ako napangit dahil masasabi kong naka-move on na nga akong talaga.

"Let's go, my wife!" sabi ko at sabay kaming naglakad ng nakangiti.

Maaaring masaktan tayong ng hindi sinasadya pero tandaan din natin na kahit nasaktan tayo ay darating sa point ng buhay natin na magiging masaya din tayo at mahahanap din natin ang tunay na kaligayan kahit nga ako e, HINDI KO SINASADYA..

END!

Note: SALAMAT AT NAKARATING KA RITO. H'WAG KA NANG MAGALIT DAHIL GANYAN TALAGA ANG MUNDO. SMILE KA NA :)

Some things are not meant to happen nor to be.

Hindi Ko Sinasadya (BXB)Where stories live. Discover now