HKS-PART XIII

2.9K 106 6
                                    

Note: Hinabaan ko para masaya haha. Magbabasa ako ng comments.

HINDI KO SINASADYA-PART XIII

ANGELO


ISANG buong linggo ang nagdaan at Sabado ngayon kaya naman makakasama ko na naman si Kir sa bahay ng buong araw.

"Bro, sasama ka ba?" bungad sa akin ni Kian habang nagdidilig ako ng halaman.

"Saan?" ang tanong ko sa kanya dahil wala naman talaga akong ideya kung saan kami pupunta pero magandang ideya iyon para sa akin.

"Oo o hindi? Isa lang ang choice mo, Bro kaya sumagot ka agad." Sabi ni Kian sa akin kaya naman wala akong nagawa kundi tumango.

"Oo.. pero teka.. Saan nga kasi?" sabi ko.

"Laguna lang naman. It's my nephew's birthday kaya bilisan mo ng magbihis." Sabi niya at ganoon na nga ang ginawa ko. Naligo ako at hindi ko naman inaakala na paglabas ko ay nakahanda na si Kir at nagsalita pa siya.

"Sasama ako." Sabi niya at dumiretso sa labas kaya wala akong nagawa kundi ang mapakamot sa ulo. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil naburo siya rito sa bahay ng mag-isa.

Ilang minuto lang din ang lumipas kaya't nakasakay na kami sa kotse ni Kian ngayon at ewan ko ba kung bakit ganoon na lang ang mukha niya. Parang un-easy siya at hindi ko alam kung bakit.

"Medyo mahaba ang byahe natin, Jelo kaya matulog ka muna.." sabi ni Kir sa akin at nakita kong nakatingin sa salamin si Kian.

"Oo nga. Dapat siguro matulog muna ako dahil napuyat ako kagabi dahil sa iyo." Matapos kong sabihin iyon ay narinig kong napaubo si Kian kasabay din noon ay ang pagpreno niya. Kasunod din noon ay ang pagtingin namin sa kanya ni Kir.

"May tumawid kasing pusa." Aniya at napatango nalang kami ni Kir.

"Ganoon ba, Bro. Danas na danas ko rin kasi 'yan," wika naman ni Kir dahil alam may kotse rin naman kasi siya.

"Hehe. Malas 'di ba?" si Kian naman ang nagsalita.

"Malas nga, bro." Napangiti na lang ako sa usapan nilang dalawa pero iba talaga ang atmosphere sa kotse kaya nang sumandal sa akin si Kir ay hinayaan ko na lamang siya dahil puyat naman talaga siya kagabi dahil tinulungan niya akong mag-check ng test papers ng limang sections na tinuturuan ko.

Habang nasa ganoon posisyon kami ay biglang nagpatugtog si Kian ng isang kantang paborito ko.

Fix You ng Coldplay

When you try your best, but you don't succeed
When you get what you want, but not what you need
When you feel so tired, but you can't sleep

Umpisa pa lamang ng kanta ay sinasabayan ko na ito dahil ang hirap lang talagang pigilan ang kumanta lalo na't gusto mo ang kanta.


Stuck in reverse
And the tears come streaming down your face
When you lose something you can't replace
When you love someone, but it goes to waste
Could it be worse?

Gaya nga ng sinasabi ng linya na talaga namang mahirap ibalik o paltan ang nawala na pero mas maganda siguro kung patuloy tayong lalaban at mas masaya kung may taong sasama sa atin na lumaban sa mga hamon ng buhay.


Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you

Sino ang taong 'yon? Sino ang ilaw na 'yon? Habang iniisip ko iyon ay nakatingin ako sa salamin sa unahan at nakita kong nakatingin sa akin si Kian pabalik. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil iba. Awkward.

Hindi Ko Sinasadya (BXB)Kde žijí příběhy. Začni objevovat