HKS-PART VI

3.4K 134 2
                                    

HINDI KO SINASADYA-Part VI

ANGELO

"Bro, salamat sa pagpayag na sumama sa akin dito ngayon, Bro. Kahit na hindi pa tayo ganoon katagal na magkakilala, sige ka lang sa pagsama sa'kin.. Salamat talaga, Bro!" sabi niya sa akin.

"Hindi na mahalaga kung gaano tayo katagal na magkakilala, Kian. Ang mahalaga ay naging magkaibigan tayo sa ganito kaliit na panahon." Sabi ko at tsaka ko ininom ang alak na nasa harapan ko.

"Bro, salamat pa rin! Medyo madrama ako pero hayaan mo na dahil ngayon lang naman 'to. Tsaka birthday ko naman, 'di ba?" siya naman ang nagsalita habang namumungay ang kaniyang mga mata.

"Kahit hindi mo birthday Bro. Sasamahan kita rito at sasakyan ko ang mga drama mo." Sagot ko naman dahil from Park ay dumiretso kami rito sa Bar nang sumapit nag alas syete ng gabi.

"Pero alam mo, Bro.. ang hirap pala ng ganito, 'no?" aniya at hindi ko alam ang tinutukoy niya dahil umiiling-iling pa siya.

"Paanong mahirap, Kian? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko pabalik.

"Mag-isa." Sagot niya matapos niyang lagukin ang isang boteng alak na nasa harapan niya.

"Mahirap talaga." Ang naging sagot ko habang nakatingin sa kanya ng diretso.

"Hindi ko alam ang gagawin ko, Angelo. I'm a runaway groom. Ikakasal na dapat ako." Bigla niyang sinabi na naging sanhi para mapanganga ako.

"Yes, mahirap paniwalaan pero I run away dahil hindi ko nakikita ang sarili ko na kasama siya after years. Hindi ko sinasabing hindi ko siya minahal, dahil ang totoo ay mahal na mahal ko siya. Ang mahirap lang kasi ay hindi ako sigurado.." pagke-kwento niya na kababakasan mo ang kaniyang mukha ng kalungkutan.

"Bro, hindi ko alam ang sasabihin ko pero alam mo, tama ka siguro sa ginawa mo. You can't force yourself to be happy lalo na kapag ayaw ng puso natin."

"Exactly, Angelo! Pero hindi ko naman alam na mahirap pala talaga. Ang hirap na halos lahat ng mga kinilala kong kaibigan ay galit sa akin dahil sa ginawa ko. Ano bang magagawa ko kung hindi pa ako ready and hindi ko alam kung magiging ready ba talaga ako. Nalilito ako, Bro. Nalilito ako and I hate it!" Hangos niya na hindi ko mawari kung bakit ako nalulungkot para sa kanya.

"Sometimes, kailangan natin mag-undergo sa mga ganiyang klase ng problema para makilala natin 'yong mga taong totoo sa atin, kung sino ang mag-i-stay and sino ang aalis. Kaya ikaw, Bro.. cheer up! Life goes on. Baka it's the perfect time para mag-move on ka na." Ang payo ko.

"Maybe, tama ka. Pero alam mo kung saan ako nalulungkot?" Umiling ako.

"Doon sa parteng pati family ko, galit sa'kin. Magdadalawang buwan na nila akong hindi pinapansin. Ang sakit lang na nagawa nila iyon sa akin. Hindi nila ako naiintindihan! Kung sila kaya ang lumagay sa posisyon ko?!" sigaw niyang pahayag. At dahil sa statement niyang iyon ay naawa ako sa kanya. Oo nga't ulila na ako pero mas mukha siyang ulila kaysa sa akin dahil nand'yan nga ang pamilya niya pero hindi naman siya kayang intindihin.

"Well, time heals everything, 'di ba? So it takes time para mapatawad ka rin nila. Hindi rin kasi biro ang tumakasn ka sa kasal. Maybe, napahiya lang sila pero, Bro... mas mahalaga ka sa kasal na iyon tiyak. Hintay ka lang dahil hindi ka nag-iisa. You can always count on me.." at kinuha ko ang baso ko na may alak.

"Cheers!"

"Cheers!"

"Birthday mo kaya 'wag na tayong magdrama, ha? Pwede ba?" at tumango naman siya at ngumiti.

"Alam mo, tama ka. It's my day kaya dapat maging masaya ako, tayo!" pasigaw na niyang sabi dahil lumalakas na ang beat na pine-play ng DJ.

"Good!" sabi ko at tumingin-tingin ako sa paligid dahil maraming mga babae ang nakatingin sa aming gawi.

Ilang oras pa ang lumipas at tinatamaan na ako ng alak. Ilang bote na ba ang nainom ko? Ilang pabalik-balik sa Cr na ba ang ginawa ko? Hindi ko na rin mabilang.

"Hey!" ang tawag sa akin ng isang lalaking nakapolong puti matapos kong lumabas sa comfort room.

"Yes?" tanong ko at nabigla ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan niya ang aking mga mata na kasalukuyang naniningkit na lalo dahil sa alak.

"Be mine tonight.." bulong niya sa tenga ko at kakaibang kilabot ang naramdaman ko kaya't kinuha ko pabalik ang kamay ko at hindi ko na siya sinagot ng kahit anong salita. Pero talagang matatag siya at nagulat ako muli sa sinabi niya.

"One night stand will do kaya pumayag ka na." Pangungulit pa niya.

" W-wala akong p-panahon.." nauutal ko na ring sagot dahil naglalaban na ang antok ang alak sa aking sistema.

"Magbabayad naman ako, e." Pangungulit pa niya pero muli ay tumalikod na ako. Hindi ko inaasahan na sa ganda ng tindig niyang iyon ay lalaki rin ang gusto niya. Napangisi na lang tuloy ako.

"Please..." pursigidong singhal pa niya at nang mahawakan niya ako sa balikat ay nagulat na lang ako nang tumumba na siya sa sahig at dahil iyon kay Kian.

"Tantanan mo ang kaibigan ko, ha?! Gagong 'to!" nakahiga na sa sahig ang lalaki at hindi ko alam kung paano nagawa iyon ni Kian sa isang iglap.

Galit na galit man si Kian ay nagawa pa niya akong akayin palabas ng Bar at sumakay kami sa kotse niya.

"Bro, are you okay?" tanong niya at tumango lang ako dahil nasusuka ako.

"Bakit kasi hindi mo ako hinintay? Lasing na lasing ka pa naman. Paano kung may nangyaring masama sa'yo kanina doon sa loob? Konsensya ko pa!" galit niyang singhal. Napatawa nalang ako sa concern niya.

"K-kalma ka lang,B-bro." Sagot ko.

"Why would I? Eh, muntikan ka na roon sa loob kanina. Ikaw talaga, Bro!" At nagsimula na siya magmaneho. Ilang metro pa lamang ang aming nalalakbay ay umiikot na ang pangin at sikmura ko kaya naman tinapik ko siya para itigil ang sasakyan.

Ganoon na nga ang kaniyang ginawa at wala akong nagawa kundi ang magtawag ng uwak sa gilid ng kanal habang si Kian naman ay hinihimas ang likod ko.

"B-bro.." sabi ko at doon na ako nawalan ng malay.

To be continued....

Hindi Ko Sinasadya (BXB)Where stories live. Discover now