HKS-PART VII

3.3K 137 3
                                    

HINDI KO SINASADYA-Part VII

KIAN

BABAGSAK na sana sa canal si Angelo, buti na lamang at naging maagap ako at sinalo ko siya. Lasing na lasing siya at hindi ko siya magising hanggang ngayon na nasa tapat na kami ng apartment.

Since wala naman akong choice ay agad akong bumaba at inakay ko siya para makarating kami sa apartment ko. Ilang lakad lang naman iyon kaya naman madali ko siyang nailapag sa sa sofa.

He's too drunk at hindi ko alam na malalasing siya ng ganoon. Sabagay, mas marami siyang ininom kaysa sa akin. Pero upon looking at his face, I noticed na ang cute niya palang malasing. Napatawa tuloy ako sa pinag-iiisip ko. Masyado kasing out of nowhere.

Buti nalang talaga at nagpunta ako agad doon sa comfort room kundi napagsamantalahan na si Angelo at hindi ko gustong mangyari iyon sa kaibigan ko. Kahit kasi hindi pa kami ganoon katagal na magkakilala ay halos kapatid at kaibigan ko na rin siya.

At dahil nga sa lasing si Angelo ay minabuti kong paltan ang damit niya ng malinis na damit. Pinunasan ko rin ang mukha at leeg niya para guminhawa ang pakiramdam niya. Mataposn ko siyang intindihin ay ako naman ang nag-asikaso sa aking sarili.

"Angelo, good night!" huling wika ko bago ko pinatay ang ilaw at narinig ko pa siyang nag-ungot.

----

ANGELO

Hindi ko matandaan ang mga pinaggagawa ko kagabi. Basta ang mahalaga sa akin ay na-i-celebrate namin ang birthday ni Kian. Pero iba pala talaga ang tama ng alak. Masyado itong madaya.

"Gising ka na, bro!" ang bulalas sa akin ni Kian nang sandaling mag-unat ako ng katawan.

"Anong nangyari, bro?" tanong ko.

"Lasing na lasing ka kagabi at alas dos na nang hapon.." sagot niya na nagpabalikwas sa akin mula sa pagkakahiga sa sofa.

"Pasensya na, bro. Nakakahiya na dito pa ako natulog."

"Wala sa'kin 'yon, bro." Natatawa niyang sagot na hindi ko alam kung bakit siya natatawa.

"May dumi ba ako sa mukha, bro?" tanong ko sa kanya nang hindi ko na mapigilan ang aking sarili.

"Wala naman. Natatawa lang ako sa'yo kagabi. Muntikan ka ng ma-rape and muntikan ka na ring mahulog sa kanal. Buti hindi ako ganoon tinamaan ng alak kundi konsensya ko pa kapag may nangyaring masama sa bago kong kaibigan." Dahil sa mga sinabi niyang iyon ay napangiti na lang ako at niyakap ko siya na parang kapatid.

"Salamat, bro!" sabi ko.

"Wala 'yon.." maaliwalas na ngiti iyang sabi habang tinatapik ang likod ko.

"Next time lang, bro.. kontrolin natin ang dami ng alak na iinumin natin. Grabe! Naka-apat na bucket tayo ng beer." At parehas kaming humagalpak ng tawa na parang mga bata.

Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Malayan kang nakakatawa sa sarap ng ibang tao gaya ni Kian. Simula nang mangupahan siya rito, iba na 'yong perception ko sa buhay. Siguro dahil parehas kaming mag-isa sa buhay kaya ganito.

"Bro.." tawag niya sa akin nang akmang lalabas na ako ng silid.

Lumingon muna ako at natawa nalang siya na parang ewan.

"Ang cute mong matulog." Aniya at nakita kong hawak niya ang SLR niya na kanina lang ay nililinis niya.

"Matagal ko ng alam 'yon, Bro." Sabi ko at lumabas na ako patungo sa aking bahay na katabi lang din naman ng apartment niya.

Habang naglakakad ako ay gumuhit ang ngiti sa aking mga labi kasabay ng paghawak ko sa aking paa na natamaan ng pinto. Hindi kasi ako nag-iingat!

----

"Wala akong balak na balikan siya!" Nakapagdesisyon na ako para sa sarili ko." Iyan ang narinig ko mula kay Kian nang sumilip ako sa bintana malapit sa kusina.

Bakas na bakas sa mukha ni Kian ang frustration pero dahil alam kong baka magalit siya dahil nakikinig ako sa mga sinasabi niya ay minabuti ko nalang na ibagsak ang balikat ko habang naglalakd pabalik sa aking silid.

Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot na nakikita siyang nasa ganoong posisyon pero wala rin naman akong alam masyado sa kanya. Ang alam ko lang ay tumakas siya sa mismong kasal niya at itinakwil ng pamilya niya. Hanggang doon lang ang alam ko. Pero nevertheless, hindi naman mahalaga sa akin ang background ni Kian dahil ang mahalaga ay magkaibigan kami.

"Angelo!" nadinig kong may tumatawag sa aking pangalan kaya naman minabuti kong tumayo para lumabas.

"KIR?" Sabi ko na may bakas ng pagkamangha at saya.

"Ako nga, Bro!" sabi niya at walang arte-arteng pumasok sa bahay ko.

Si Kir ay ang childhood bestfriend ko na minsan lang bumisita rito sa bahay dahil busy siya doon sa Manila sa trabaho niya.

"Napadalaw ka, bro?" masaya kong sabi at tinabihan ko siya sa Sofa.

"Miss ko na kasi ang bestfriend ko! Masama ba'yon?" anas niya at umiling ako agad.

"Hindi naman. Almost six months na kasi simula noong huli mo akong binisita rito. Madaya kang mokong ka, na-miss din kita e!" sabi ko.

"Kiss mo nga ako kung namiss mo'ko.." aniya.

"Kadiri ka!" sabi ko habang nilalayo 'yong muka niya sa akin.

"Ito naman, hindi na mabiro. Kamusta naman ang bakasyon? Mukang boring pa rin ang lfe, ah?" sabi niya habang iniikot ang kaniyang nangalay na paa.

"Ito, ayos naman. Ikaw ang kamusta!"

"Ito, trying hard pa rin sa field ng business." Buntong hininga niyang sagot dahil gusto niya talagang maging singer na writer. May mga bagay talagang gusto natin pero hindi natin maisama sa choices.

"Ayos lang 'yan, bro. Mamahalin mo rin 'yang ginagawa mo. Tsaka, anong palaman ang gusto mo? Peanut or cheese?" wika ko.

"Both." At napailing nalang ako sa ka-weirdo-han niya sa buhay.

"Lakas din ng trip mo, e!" sabi ko habang iniiaabot sa kanya ang juice at tinapay na ginawa ko para sa kanya.

"Mas malakas ang trip mo!" aniya.

"Ewan ko sa'yo, Kir!"

KIAN

Malulutong na tawanan ang aking nadidinig mula sa bahay ni Angelo. Hin

di ko alam kung may kasama siyang iba pero naiinis ako dahil gusto kong may makausap ngayon at mapagsabihan ng problema pero mukang malabo ko siyang makausap ngayon dahil busy siya. Busy 'yong taong gusto kong laging kausap...

"Pero, 'di ba, 27 ka na?" nadinig kong tanong ni Angelo sa loob.

"Pakialam mo?" rinig kong may sumagot na isa pang lalaki.

"Wala naman. Ang tagal mo kasing mag-anak!" si Angelo uli.

"Kiss mo na nga kasi muna ako!" nagulat ako ro'n pero nakampante ako nang magtawanan sila sa loob. Sino ba kasing kausap ni Angelo? Ako dapat 'yon!

To be continued..

Hindi Ko Sinasadya (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon