HKS-PART XIV

2.8K 101 2
                                    

HINDI KO SINASADYA-PART XIV

ANGELO

LINGGO ngayon at maaga akong nagising dahil parang may kakaiba. Bumangon kasi ako ay wala si Kir sa tabi ko at usually kasi ay hinihintay pa niya akong magising bago siya bumangon. Ewan ko ba kung bakit wala siya sa tabi ko nang magising ako. Nagtungo na rin ako banyo at nakita ko na lang ang sarili ko nakaupo sa mesa na may nakahain na pagkain na malamang ay niluto niya.

Pagkatusok ko pa lang sa hotdog ay napansin ko na ang isang sulat na nasa gilid nito.

Iba na ang pakiramdam ko kaya't kinuha ko iyon agad at binasa.

Jelo,

Bro, gusto ko lang sabihin na sorry at sana mapatawad mo pa ako. Sorry dahil sa pagiging makasarili ko. I never thought na aabot ako sa ganitong point ng buhay. I'm too immature na pati sarili ko ay handa kong saktan para sa'yo. Pero kahit na nagkaganito ay inintindi mo ako, Jelo. Ikaw pa rin talaga 'yong bestfriend ko simula elementary. Ikaw pa rin 'yong Jelo na handa akong itayo kada madadapa ako.

Sorry bro dahil I ruined our friendship. Tayo na nga lang ang magbestfriend na dalawa tapos sinira ko pa. Hindi ko madalas nasasabi sa'yo, Jelo kaya gusto kong magpasalamat sa pag-aalaga mo sa'kin kahit na alam kong inis na inis ka na sa kulitan ko. Kung hindi kapa magsusungit ay hindi ko pa mari-realize na sobra na pala ako.

I'll let you go na, bro. Hindi na healthy para sa'yo at para sa'kin. And don't worry dahil nai-settle ko na ang trabaho ko. Always remember that I love you and always will. You can count on me co'z we're bestfriends, right?

Ingat ka parati!

Your friend,

Kir

Matapos ko 'yong basahin ay medyo na-guilty din ako pero may saya rin dahil ito naman talaga ang gusto ko. Hindi ko inaasahan 'to pero masaya ako na finally ay natagpuan na niya ang kaniyang sarili na hindi na kami para para sa isa't-isa. Magkaibigan kami at hanggang doon na lang 'yon.

"Bro, salamat at natauhan ka na rin!" ang sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko.

"O-oo na. Natauhan na." Alam kong sa tono niyang 'yon ay umiiyak siya kaya't nakaramdam ako ng awa pero hindi ko iyon ipinahalata.

"Basta bestfriend pa rin tayo, ha?" dagdag pa niya na alam na alam naman niya na iyon talaga ang aking gusto na mangyari.

"Oo naman! Hindi na kailangan pang sabihin 'yon, 'no?" sabi ko sa kanya at nagpaalam na siya dahil nasa byahe pa pala siya.



KIAN

Kapag kumukuha ako ng larawan, pinakagusto ko talaga ay 'yong nakangiti at masaya dahil kahit malungkot ako ay napapasaya ako ng mga larawang iyon sa simpleng pagtitig ko lamang sa kanila. Noon ay kontento ako sa ganoong areglo ng buhay pero iba ngayon. Tinamaan na ako ng lintek na pag-ibig. At kapag minamalas ka nga naman talaga! Nahulog ako sa taong kinahuhumalingan na ng iba.

"Ano bang iniisip mo, Kian? Tantanan mo na 'yang kadramahan mo!" sinabunutan ko pa ang aking sarili at ewan ko ba kung bakit ganoon na lamang ang aking lungkot sa araw na ito.

Linggo ngayon at pakiwari ko ay kailangan kong sumimba at manalangin dahil pakiramdam ko ay napakarami ko ng pagkukulang sa kaniya.

"Bro, mukang bihis na bihis tayo, a? Saan ang punta?" Iyan ang naging bungad sa akin ni Angelo nang lumabas ako ng bahay. Tipikal na puntong Quezon iyon at nakangiti pa siya kaya't kita ko ang ganda ng dimples niya na bumagay sa Chinito niyang mga mata at makapal na kilay. Ibinaba ko pa ng konti ang tingi ko at nagandahan din ako sa hubog ng ilong niya at ganoon din ang labi niyang medyo nangingimtab na nagtutugma sa ganda ng adams apple niya. Ano ba 'tong iniisip ko at napapalunok pa talaga ako.

Hindi Ko Sinasadya (BXB)Where stories live. Discover now