HKS-PART XVII

2.6K 89 9
                                    

HINDI KO SINASADYA-
PART XVII (FINAL PART)

HINDI KO SINASADYA- PART XVII (FINAL PART)

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

(Dream catcher!)

ANGELO

Two weeks na ang nakakalipas simula noong maipakilala ko si Kian sa pamilya na meron ako at gaya ng dream catcher na suot ko ngayon ay parang wala akong nararamdamang lungkot.

Nngayon nga ay bumangon ako upang dalahan sana siya ng almusal. Tamad kasing magluto ang isang 'yon at naobserbahan iyon sa loboob halos ng mag-iisang buwan namin pagkakaintindihan, or relasyon.

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng pintuan ay nakita ko siyang nakaupo sa terrace ng bahay ko at bihis na bihis siya.

"Hey!" sabi ko para gulatin siya at hindi naman siya nagulat dahil kalungkutan ang nababasa ko sa kaniyang mukha.

"Uy! Anong problema?" tinabihan ko na siya para i-cheer up pero blangko pa rin ang kaniyang mukha.

"Pumasok muna tayo sa loob." Pagsusumamo niya kaya't iyon ang ginawa namin.

"So tell me, anong problema?" panimula ko.

"I'm leaving.." diretsahan niyang sagot.

"Ano ulit 'yon?" tama ba ang narinig ko na aalis siya? Pero bakit kailangan pa niyang magpaalam sa akin? Babalik naman siya, 'di ba?

"I'm leaving.." pag-uulit niya kaya naman napatawa ako bigla dahil doon.

"Lagi ka namang umaalis, 'di ba? So... bakit kailangan mo pang magpaalam? Tsaka babalik ka naman, 'di ba?" matapos kong sabihin ang mga iyon ay inakbayan ko pa siya.

"No... hindi sa ganoon." Hindi ko talaga siya maunawaan.

"W-what do you mean?" sagot ko na medyo nauutal dahil hindi ko talaga siya naiintindihan.

"I'm leaving at hindi ko alam kung babalik pa ako. Hindi ko pa sana gagawin ang bagay na'to, o kailanman ay hindi pumasok sa isip ko na iwan ka pero I have to. Seven months pregnant si Nicole.. ang dati kong fiance." Tila bombang sumabog ang aking damdamin nang marinig ko iyon mula sa kanya. Alam kong nagbibiro lang siya kaya't napatawa ako ng mahina.

"Nagbibiro ka lang, 'di ba? Ang effective, Kian.." pero hindi siya nag-react so it means totoo ang sinabi niya na nabuntis niya ang dati niyang fiance.

"No, hindi ako nagbibiro, Angelo. Nabuntis ko ang ex ko at kailangan ko siyang panagutan dahil dinadala niya ang magiging anak ko.. namin." At doon bumuhos ang luha sa aking mga mata.

"Bakit hindi mo kaaagad sinabi? Bakit hinayaan mo pa sa puntong ganito? Napaka-unfair mo! Dinala mo ako sa isang paraiso pero bangungot lang pala ang babagsakan ko! Anong klaseng tao ka? Minahal kita, Kian! Minahal kita!" madamdamin kong sabi sa kanya.

"Hindi ko sinasadya.." nakakaasar niyang tugon.

"Hindi mo sinasadya o planado mo na talaga ang lahat?" hinawakan ko na siya sa kwelyo at nagsalita siya.

Hindi Ko Sinasadya (BXB)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें