HKS-PART IX

3K 121 1
                                    

HINDI KO SINASADYA-PART IX


KIAN

HATING GABI nang makarating kami sa Manila at hindi ko alam kung matutuwa ba akong nakikita kong nag-aalala si Angelo nang dahil sa ibang tao. Hindi ko na itatago sa inyo na sa loob halos ng dalawang buwan ay nabuo na ang pagkahanga ko kay Angelo dahil sa tatag niya.

"Bro, pakatatag ka lang.." sabi ko habang pinaparada ang kotse ko sa car park.

"Sige," matipid niyang saad sa akin pabalik.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito kalungkot at wala akong magawa para pasayahin siya. Pababa na kami ng kotse nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Bakit, bro?" tanong ko.

"Salamat!" aniya at mabilis na mabilis kaming nagtatakbo papunta sa ospital dahil naaksidente raw ang kaibigan niya.

Maraming naging tanong ang Nurse at sinagot naman lahat ni Angelo iyon kaya't mabilis kaming nagtungo sa room na kinaroroonan ng kaibigan niya.

Palapit na kami ng papalapit sa kinaroroonan ng kaibigan ni Angelo at hingal na hingal na rin ako dahil takbo kami ng takbo. Pero dahil kailangan ni Angelo ang tulong ko ay nagpatuloy lang ako hanggang sa makarating kami sa room 33.

ANGELO

"Dito na muna ako sa labas, Bro." Mungkahe ni Kian at tumango ako bilang sagot. Doon ko nakita si Kir na nakahiga kasama si Kira.

"Buti nandito kana, Kuya Jelo." Bungad ni Kira sa akin.

"Kanina pa ba niya ako hininhinatay? Medyo natagalan lang ang byahe. Pero maiba tayo, ano raw lagay na ni Kir?" nag-aalala kong tugon.

"Medyo nabugbog lang ang katawan ni Kuya at bukas lalabas ang result ng x-ray niya at iba pang mga test." Sagot niya at nagpaalam na rin siya na lalabas.

Ilang minuto lang ang lumipas ay agad akong naupo sa tabi niya at nagsimulang magsalita.

"Bro, akala ko h-hindi ka aabot sa point na 'to dahil lang gusto mo ako. Hindi ka naman ganyan dati, 'di ba? Ang weak mo kahit kailan." Emosyonal kong panimula dahil unexpected ang ginawa niyang ito.

"Kinokonsensya mo ako masyado. Buti nalang at ayan lang ang natamo mo." Huminga muna ako ng malalim at nakita kong nagmulat ang kaniyang mga mata,

"Buti nand'yan ka na, Jelo. Kanina pa kita hinihintay. Na-traffic ka ba? Kumain ka na ba?" hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. He's acting strange at hindi ko gusto iyon.

"H'wag ako ang alalahanin mo dahil ikaw ang dapat alagaan ko ngayon. H'wag mo na uling uulitin 'to dahil hindi na ako matutuwa sa'yo." Bilin ko sa kanya.

"Maging tayo muna.." aniya na kahit nangyari na sa kanya ang bagay na ito ay sige pa rin siya.

"Alam mo namang hindi ko pwedeng gawin 'yon dahil magkaibigan tayo." Sabi ko at bigla nalang siyang sumigaw at pumasok ang mga Nurses na in-charge at doon pumasok ang doctor.

"Doc, ano pong nangyayari?" tanong ko pero pinalabas lang nila ako. Ibayong kaba ang nararamaman ko lalo na nang makita kong nahihirapan si Kir. Maybe dapat kong bigyan ng chance si Kir para kahit papaano ay maging masaya siya at para hindi na siya maging suicidal.

"Alam mo, Bro," panimula ni Kian at tumikhim. "Mahirap 'yan. Pero siguro, kung ako ang nasa kalagaya mo, papatulan ko na rin si Kir dahil ayokong mawala siya sa buhay ko... lalo na't kaibigan ko pa siya." Bakas na bakas sa mata niya ang sincerity kaya hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko at maging kay Kir na umabot sa punto na kailangan niyang pahirapan ang sarili niya dahil sa akin.

"Pero, Bro, ang hirap e. Parang ang hirap lokohin ng sarili ko na magustuhan siya pabalik. Lalaki ako, Bro." Saad ko dahil nahihirapan talaga ako.

"Alam ko 'yon, bro. Pero kaya mo bang makitang ganyan ang kaibigan mo? Siguro kailangan mo ring magpakita ng pagiging self-less this time kahit na selfish din siya dahil pinipilit niyang gustuhin mo siya. But nevertheless, ikaw pa rin ang magma-maneuver ng lahat ng desisyon mo. Isang wrong decision mo kasi, malaki ang magiging epekto. You must be smart, bro. S-sige, bibili muna ako ng pagkain natin dahil gutom na gutom na rin ako."

Hind ko napigilan ang sarili ko na hawakan ang sarili kong buhok at sabunutan ito dahil nahihirapan ako.

Nasa ganoong poisyon ako nang bigla na lamang dumating si Kira kasama si Tita Cathy at Tito Jerome.

"Hijo, how's my son doing?" si Tito Jerome ang bumungad sa ng tanong sa akin.

"Noong kausap ko po siya ay bigla nalang siyang sumigaw at siguro po ay dahil iyon sa sakit." At doon sila nag-panic lalo na si Tita Cathy.

"Diyos ko, sana ayos lang ang anak ko." Maluha-luha niyang saad habang nakatingin sa kisame na animo'y nananalangin.

"Nagkaroon lang po ng pagdurugo sa bandang tiyan ng pasyente kaya iwasan po natin ang bigyan siya ng stress at bawal din po siyang patawanin dahil maaari rin po iyon magdulot ng pagdurugong muli ng kaniyang tiyan. " sabi ng doctor at tumango naman kami.

Marami pang naging bilin ang Doctor sa'min at doon nabuo ang pasya ko na bigyan siya ng slot sa buhay ko.

"Basta doc, gawin niyo ang lahat para sa ikabubuti ng anak ko. I will pay you kahit magkano basta ma-secure lang ang lagay ng anak ko." Saad ni Tito habang si Tita ay umiiyak na nakahawak sa kamay ni Kira.

"We're doing our job pretty well, Mr. Zamora kaya makakaasa kayo. Siguro, one week or two will be enough at makakalabas na ang anak niyo."

"Salamat naman kung ganoon." Saad ni tita at siya namang sibat ng doctor na nagsusuri at gumamagot sa lagay ni Kir.

"Bro, payag na ako kaya magpagaling ka, ha?" bulong ko habang nasa labas ako ng room 33 na siya namang saktong dating ni Kian.

Lord, this isn't right pero I need to do this kahit hiindi ko sinasadya.

To be continued...

Hindi Ko Sinasadya (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon