HKS-PART XII

2.7K 108 5
                                    

HINDI KO SINASADYA-PART XII


ANGELO

"Hindi mo naman sinabi na dito ka na rin magtatrabaho, Bro." Nagtatampo kong sabi.

"Bakit parang nagtatampo ka ata? Masama bang dito ako nagtrabaho, Bro?" mga patanong na mga kasagutan niya.

"Hindi naman, Bro. Nagulat lang talaga ako. Parang hindi mo naman ako kaibigan niyan, e. Tsaka dapat sabay nalang tayo. Sayang kaya sa gas." Sabi ko at sabay kaming tumawang dalawa.

"'Yon lang pala. Akala ko naman kung ano na ang ipinuputok ng butsi mo at pati sa klase ay pinuntahan mo pa talaga ako. Sayang ang pinapasuweldo sa'yo ng school." Wika niya.

"Nagsalita na siya." Sabi ko at tawa na naman kami. Hindi ko alam kung bakit napakanatural ng tawa ko kapag si Kian ang kasama ko. Maybe, parehas kami ng vibes sa buhay—positive thinker.

"Sige, bro. Basta bukas ay sabay na tayong pumasok sa trabaho, ha?" sabi niya at parehas na kaming bumalik sa aming mga trabaho.

Natapos ang unang araw ng aming trabaho kaya naman dumiretso na ako sa bangko para magdeposito ng pera. Malaki-laki na ang pera ko na umabot ng 16 Million pero wala pa rin akong asawa at anak na pwede kong pang-invest-an nito. Ang hirap din palang mag-isa sa buhay, 'no? Aanhin mo ang pera at mga yaman sa mundo kung sa kamatayan mo ay hindi mo naman ito madadala? Non-sense rin pala.

"Ma, Pa, Angela.. miss ko na kayo." Sabi ko at tumulo na lamang ang aking mga luha nang makita ko ang dati naming bahay na ibinenta ko kasama ang lupa namihn noong nagbente-uno ako. At salamat sa perang iyon dahil napalaki ko ang apartment na iniwan nina Mama at Papa para sa amin ni Angela. Hindi ko man sila kasama ay nagpapasalamat ako sa mga alaalang iniwan nila para sa akin. Hind nila ako pinabayaan.

Dala na rin ng aking lungkot ay hindi muna ako umalis at kasabay ng pagpatak ng aking mga luha ang alaalang ilang taon ko ng nalimot.

"Ma, when I grow up , I want to be a nurse like you para maalagaan ko kayo nina Kuya." Ang masayang tinuran ni Angela habang hawak-hawak ang kaniyang mga laruan at drawing na kinopya niya sa internet.

"Nice, baby sister! You want to take care of us? That's so sweet!" sabi ko kay Angela habang niyayakap ko siya.

"We'll support you, Jela.. kaya gumaya ka sa kuya mo na good boy." Sabi ni mama at doon naman lumapit si Papa para yakapin kaming tatlo.

"Basta ipangako niyo sa amin ng mama niyo na kahit anong mangyari hindi kayo makakalimot sa Panginoon at h'wag niyo ring kalimutan na pantay-pantay lahat tayo. Hindi basehan ang estado sa buhay, ha? Tandaan niyo lagi na maging mabuti kayo. Mahal na mahal ko kayo." Sabi ni Papa at masayang-masaya ang puso ko nang mga sandaling iyon. I have my perfect family and I would not ask for more.

My family is my strength.

Lalo lamang akong napaluha nang marinig ko ang langit na nagtatampo sa akin. Malungkot ako at hindi ko alam kung kakayanin ko pa nga bang magpatuloy pa rin sa buhay. Life is continuos process na kapag sumuko ako ay matatalo lamang ako. Hindi naman kasi sa akin umiikot ang mundo kaya dala ang masasaya at mapapait na alaala ay tumingala ako sa langit at nangusap.

"Isang araw mahahanap ko rin ang kasiyahan ko." Singhal ko at doon ay nag-ayos na rin ako ng aking sarili at sinimulan ko na rin na patakbuhin ang aking motorsiklo.

KIAN

Masayang araw ang akin naranasan dahil sa mga bago kong trabaho. Masarap sa pakiramdam lalo na at nandoon din si Angelo. Pero noong hapon na iyon ay naging malungkot din ako nang makita ko si Angelo na nagpupunas ng luha.

Sinundan ko pa siya at nakita ko kung paanong tanawin niya ang isang malaking bahay. Tanaw ko rin mula rito kung paano siya yumuko. Gusto ko siyang lapitan dahil alam kong ang lungkot-lungkot niya pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay nararapat lang na 'wag ko siyang lapitan dahil wala naman akong maitutulong sa kanya.

Angelo is a great guy na hindi mo kababakasan ng ganitong klase ng kahinaan at kalungkutan sa buhay pero lahat talaga may other side.

Life is too short to endure everything pero sa point of view ni Angelo ay hindi ko alam kung gaano kasakit na ang nalabanan niya hanggang sa ngayon.

"Shit!" sabi ko dahil nakita ko siyang nakatingala at umiiyak.

Ayokong makitang ganito si Angelo kaya naman malaking pasasalamat ko nang umalis na siya na siya namang pagtunog ng phone ko.

"Yes, Matt?" sabi ko dahil tumawag bigla sa akin ang pinsan kong si Matt.

"Malapit na ang birthday ng inaanak mo. Baka makalimot ka na namang dumalo." Paalala niya. Oo nga pala. Malapit na ang birthday ni baby Martin na anak niya. Hanga nga kay Matt dahil naging totoo siya kaya naman may Martin baby at Martin na asawa siya ngayon.

"Oo naman. Pupunta ako. Sabado, tama ba?" sabi ko at narinig kong umiyak sa kabilang linya si baby Martin.

"Sige na muna, Insan. Unahin mo na muna ang pamangkin ko." Wika ko.

"Mabuti pa nga at nangungulit na ang pamangkin mo." Aniya pa at hindi na ako nakapagba-bye dahil ibinaba na niya.

To be continued....

Hindi Ko Sinasadya (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon