IV

2.9K 162 19
                                    


YO'S
POINT OF VIEW

IN A SPAN of two hours, sobrang dami ko ng natutunan mula kay Night. He was a good teacher and definitely not boring. Sobrang engaging niyang magsalita at may mga nakakatawa pa siyang hirit. Para lang talaga kaming normal na magkaibigan na nagkukwentuhan sa isang tea shop.

   I didn't know him that much but I felt comfortable with him. And that meant something. I wasn't the kind of person na mabilis maging komportable sa isang tao.

   "Oh, siguro naman mas confident ka ng sumali sa photography ngayon," sabi niya.

   "Yeah, medyo."

   "Medyo lang?"

   "Medyo lang muna. Natural talaga na kakabahan ako kasi first time ko 'to. Kahit kailan, hindi ko pa nai-push sa higher level ang passion ko for photography. First time 'to and I don't want to mess up. Napaka-big deal nito para sa'kin."

   He gave me a reassuring smile.

   "Kaya mo 'yan. Okay lang kabahan, 'wag lang sobra. Iyong sakto lang."

   "Salamat."

   "No problem. Basta ba 'wag mo akong kakalimutan 'pag sumikat ka na, ah."

   "Mas mauuna ka pang sumikat sa'kin. Nasa New York ka na kaya. Abot-kamay mo na ang isang rewarding career. Endless ang possibilities do'n."

   "Sana nga I'd make it big there."

   Napag-alaman kong magkakaro'n pala sila ng photo exhibit before the year ends. Kaya pala siya nandito sa Thailand para kumuha ng magagandang litrato. He wanted to showcase the beauty of our country sa photo exhibit nila.

   Malapit na rin daw siyang matapos kaya maybe in a week or two ay babalik na siya sa New York. He even invited me to their photo exhibit. Sana nga gano'n lang kadali magbakasyon sa New York para manood ng photo exhibit. Eh, hindi naman ako mayaman. Kaya I asked him to take pictures and send them to me instead.

   "Don't worry, magtatagumpay ka," I told him. "Magiging mayamang-mayaman ka."

   "Talaga lang, ha?"

   "Yup. Siguro mas marami ka pang mahahakot na babae dahil sa yaman mo."

   "Judgemental nito! Ano'ng akala mo sa'kin?"

   "Joke." I laughed. "Are you saying na loyal ka sa girlfriend mo?"

  "Do you mean boyfriend?"

   "W-what...?"

   "O, don't be so surprised! Hindi na unusual ang mga bisexual sa mundo ngayon."

   "Bisexual ka?"

   "Hindi ba halata?"

   Umiling ako. Sobrang hindi ko talaga napansin. Lalaking-lalaki kasi talaga ang dating niya sa'kin.

   "Hindi ko lang in-expect," sabi ko.

   Natawa siya sa'kin. "Ang cute ng reaction mo."

   We exchanged phone numbers bago nakapag-decide na umuwi na. Kailangan ko na rin talagang umuwi para magpahinga ng maaga. I already have classes tomorrow. Magsi-search rin ako ng maganda at affordable na professional camera na kaya kong bilhin.

   Kakalabas lang namin sa tea shop nang bigla akong napahinto.

   "O, what's wrong?" tanong ni Night na mukhang nagulat sa'kin. "Wait, si Pha at Pring ba 'yon?"

Maybe YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon