XII

2.7K 162 40
                                    


BEAM'S POINT OF VIEW

INILAPAG ko ang soup sa kitchen counter. Nakaupo si Forth hawak ang nananakit na ulo. Kumuha na rin ako ng isang basong tubig at aspirin na binili ko kanina habang tulog sya.

"Thanks," he simply said in a grudgy voice bago sinimulang higupin ang soup.

"Baka gusto mong kumain ng real food. Magluluto ako. May stock ka pa naman sa ref mo," I offered. He insisted kasi na soup lang ang gusto nya.

"No, thanks. Okay na ako dito."

"Ikaw ang bahala."

Tumango ako and headed towards the door. Uuwi na ako. Hindi na ako makakaabot sa trabaho ko ngayon because I'm already super late. But I'm too tired kaya magpapahinga na lang ako buong araw sa bahay.

"Where are you going?" biglang tanong nya sa'kin.

Nakahawak na ako sa door knob nang tanungin nya ako. Nilingon ko sya ulit.

"Going home," kaswal kong sagot.

Mas mabuti ng umuwi ako kesa masaktan na naman ako if he'd personally send me away. Dapat nga pagkagising ko pa lang ay umuwi na ako agad. Pero hindi naman kaya ng konsensya ko na iwan sya gayung alam kong magkaka-hangover sya pag gising nya. Pero ngayong naipaghanda ko na sya ng soup at gamot, okay na siguro 'yon. Ayoko ng i-extend ang katangahan ko sa araw na 'to. We fucked each other last night, that's it. Sya na rin mismo ang nagsabi sa'king we can never be more than fuck buddies. Kaya mas mabuti ng matuto akong lumugar. Nakakapagod rin palang umasa at masaktan ng paulit-ulit.

"Can you stay for a while? If it's not too much to ask." I was surprised by the gentleness of his voice.

"May kailangan ka pa?"

"Gusto ko lang na may kasama. Wala ka bang ibang gagawin ngayon?"

"Wala. But I don't think staying here is a good idea."

"Why not?"

"Hanggang gabi lang ang duration ng role ko sa buhay mo. Fuck buddies, right?"

"Beam..."

"Don't worry, just because may nangyari ulit sa'tin kagabi doesn't mean umaasa na naman ako. The last time we talked, you made it loud and clear na hanggang dito lang talaga tayo."

"I know I was a jerk. I'm sorry."

"Don't be sorry for being honest. It was way better than a sugar-coated lie."

"But still, I could've said it in a gentle way."

"There's no gentle way when it comes to breaking someone's heart. Kaya don't worry, I perfectly understand you."

He nodded.

"Aalis ka na ba talaga?"

"Depende kung ano ang kailangan mo sa'kin para manatili ako."

Matagal syang hindi nakasagot. Parang hindi alam kung paano nya sasabihin ang nasa isip nya. I allowed him to take his time. Hindi naman ako nagmamadali so I waited patiently.

Maybe YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon