XV

2.9K 156 6
                                    


YO'S POINT OF VIEW

THAT overwhelming feeling when you're too inspired and you only see the positive side on everything. Iyong tipong parang walang masamang tinapay sa'yo. Lahat maganda, palaging masaya. You feel so inspired to get up each morning knowing that his voice is the one that you'd hear first. You look forward sa bawat araw na darating kasi makakasama mo na naman sya. Na-e-excite ka sa mga bagay na pwede nyo pang gawin na magkasama.

That'd exactly what I feel since last week. Yep, it's been a week since naging official kaming dalawa ni Pha. And I can't express enough how happy I am na finally ay malinaw na ang lahat sa amin. Wala ng blurred lines, no more walls in between us, everything's laid out. Pareho na kaming may karapatan sa isa't-isa. May label na.

"Kanina ka pang nakangiti dyan, mukha ka ng tanga," sabi ko kay Pha na kasalukuyang nagmamaneho ng kotse.

"Gwapo naman," nakangiting sagot naman nya na ikinatawa ko.

"Oo na, oo na. Ikaw na ang perfect."

"Hindi ko naman sinasabing perfect ako. Medyo perfect lang."

Sabay ulit kaming nagtawanan sa kahambogan nya. Masaya ako na nakikita ko ang side na 'to ni Pha. He used to be so distant and even cold sometimes. Parang napaka-matured nya and he seemed to be someone who acts according to his age. But I was wrong. He's playful and so fun to be with. Or maybe biased lang ako kasi mahal ko sya.

"Are you sure na okay lang talaga tayo do'n sa resthouse ng family nyo?"

"Oo naman. Bakit hindi?"

"Wala lang. Baka kasi malaman 'to ng mommy mo, magkagulo na naman."

"No, walang makakaalam. You can stop worrying, okay?"

Unfortunately, pareho naming napagkasunduan na hindi na muna ipaalam sa iba ang tungkol sa relasyon namin. This isn't the righ time for the big reveal. Kailangan naming paghandaan 'to bago sabihin sa pamilya namin. This is a huge news na alam namin pareho na hindi nila basta-bastang tatanggapin. We need to make slow and calculated moves kung ayaw naming mas maging magulo ang sitwasyon. Isa pa, secured naman kami sa feelings namin para sa isa't-isa.

It took us, I think four to five hours, bago namin narating ang resthouse ng pamilya nila. Isa iyong maliit na bayan na malayo sa city. It was peaceful and quiet. Very close to nature rin. Gawa sa bamboo ang resthouse pero sobrang elegante ng pagkaka-disenyo. Dalawang palapag iyon, fully-furnished at halos kompleto rin sa appliances. May tatlong kwarto roon pero sa master's bedroom kami mananatili. Gusto ko sanang magkaro'n ng separate room, pero nagreklamo naman si Pha. Ano pa ba daw ang itatago namin sa isa't-isa? Nagawa na namin ang... You know. He can be naughty sometimes. Ewan ko talaga sa kanya. Nakakatuwa na nakaka-stress.

"I'm hungry!" sabi ko at bumagsak sa kama. Sa totoo lang, hindi ko alam kung alin ang una kong ii-entertain: pagod o gutom? I'm both tired and hungry kasi dahil sa haba ng byahe.

"Gusto mo magpaluto ako ng foods sa caretaker?"

"Yes, please."

May mag-asawang caretaker na syang nag-aalaga sa resthouse ng pamilya nila. Binilinan na rin nya ang mga ito na 'wag ipagsabi ang tungkol sa bakasyon namin. Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang mag-asawa. But just to be sure, binayaran ni Pha ang mga ito para hindi magsalita kung sakaling magtanong ang mommy nya. We have to be extra careful.

Maybe YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon