XVIII

2.6K 132 11
                                    


YO'S POINT OF VIEW

KAGAYA nga ng paulit-ulit kong sinasabi, happiness doesn't come for free. It comes with a price—an expensive price. Nang makabalik kami sa resthouse, tatlong kotse ang nakita naming naka-park roon. Pha tensed and I saw how nervous he was.

"What's wrong?" I asked.

"Stay here," sabi niya at naunang bumaba. Hindi na ako nakakontra pa dahil mabilis ang kilos nya. Pero sobrang kinakabahan na rin ako.

Lumabas mula sa isang kotse ang mommy nya kasama ang dalawang unipormadong bodyguard. Nagsilabasan rin ang iba pang bodyguards sa dalawa pang kotse. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Ano'ng ginagawa nila rito? Paano nila nalaman na nandito kami? Isinumbong ba kami ng caretakers kahit binayaran sila ni Pha kapalit ng katahimikan nila?

Ang daming tanong sa isip ko. Pero my main concern was him... Us. Pa'no kami? Ano'ng mangyayari sa'min?

Hindi rin ako nakatiis. Siguro matigas ang ulo ko kaya nagawa kong bumaba sa kotse.

"Pha." Tumabi ako sa kanya.

"Yo, 'di ba sabi ko 'wag kang bumaba?" he whispered using a frustrated tone.

His mother gave me a furious look. Nakataas ang kilay nya at parang gusto akong sampalin anumang oras. Seriously, akala ko sa teleserye lang pwedeng mangyari ang mga ganitong eksena.

"Are you seriously willing to throw everything you have away para lang sa lalaking 'yan?" his mother asked him pero sa'kin naman nakatingin. "Pha, your relationship is bound to end in the near future. Kaya 'wag mong sayangin ang future mo para sa kanya."

"You're wrong. Our relationship isn't bound to end. We're bound to fight, endure and love each other longer than you can imagine," matapang nyang sagot at hinawakan ang kamay ko. "Mali man ang tingin nyo sa relasyon namin, I don't care. He means everything to me, 'mom. And I hope you respect that."

"Don't you understand the gravity of the situation?!" Tumass ang boses ng mommy nya. Parang wala na rin itong pakialam sa poise nito. "Alam na ng daddy mo ang relasyon ninyo. He had you investigated and I'm pretty sure, as of this moment, he's already doing something to ruin the two of you."

Biglang parang nanlamig ang pawis ko. Nangyari na ang kinatatakutan namin. Alam na ng daddy nya ang tungkol sa'ming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nya but I guess I have to prepare myself for the worst. His father is a very powerful man. Kaya nya kaming paikutin sa mga palad nya.

"Kakausapin ko si daddy," kalmadong sagot ni Pha na parang sobrang simple lang ng gagawin nya.

"Sa tingin mo maaayos ang lahat 'pag kinausap mo sya? Sa tingin mo may magbabago if you talk to him? Nothing will change because he can never accept Yo as your boyfriend. Mamamatay muna sya bago mangyari 'yan."

"He has to respect what we have. Daddy ko sya and I respect him. Pero hindi ko isasakripisyo si Yo para lang sundin ang gusto nya. I've been an obedient child since I was a kid. But I can't be obedient at this point. I've never wanted someone so badly in my life until now."

"Nababaliw ka na."

"Siguro nga. But I won't regret my decision, 'mom. Alam kong concern ka lang sa'kin pero I assure you na kaya ko. I'll fight for us and nothing can change that."

Maybe YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon