XIX

2.7K 139 27
                                    

Y O 'S  P O I N T  O F  V I E W

HINDI pwede.

Hindi pwedeng malaman nya na gustung-gusto kong yakapin nya. Hindi nya pwedeng malaman na mahal na mahal ko pa rin sya at miss na miss ko na ang dating kami. Na hanggang ngayon ay binabalik-balikan ko pa rin sa isip ko ang mga masasaya naming alaala. Hindi pwedeng malaman ni Pha na, sa isip ko, ang daming "what ifs" at "could have beens".

Magkaharap kaming nakaupo sa isang table na nasa pinakasulok ng coffee shop. Parehong nakalapag sa harap namin ang umuusok na kape. We were silent for the first few minutes. Parang pareho naming sinasayang ang oras but we both didn't mind as long as we're together. Alam kasi naming minsan lang mangyayari ang ganitong pagkakataon na magkasama kaming dalawa. This is like a borrowed time away from the harsh and painful reality. I want to enjoy it for as long as I can and for as long as it lasts.

But it couldn't last longer. Hindi pwede kasi mabubuhay na naman ako sa ilusyon. So, after a few sips of coffee, I broke the silence and went back to reality.

"Ano'ng sasabihin mo?" I coldly asked. "I actually have class so I don't have much time to spare. Kaya 'wag ka ng magpaliguy-ligoy pa."

I saw him breath deeply. Hinipan nya ang kape, ininom iyon at inilapag muli sa mesa. During the whole process, nakatitig lang ako sa kanya at pinipigilan ang hininga ko. Then he looked at me. Sari-saring emosyon ang nakita ko sa mga mata nya na hindi ko ma-explain. Wala na ang Pha na sobrang cold sa'kin at halos ipagtabuyan ako dito sa New York. He looked vulnerable. He looked like he was about to fall down.

"I'm sorry..." pabulong nyang wika at yumuko.

"Ano?"

"I'm sorry," he repeated. Clearer this time.

Hindi ko alam kung paano magre-react. Hindi ko rin naman kasi in-expect na magsu-sorry sya sa'kin. I was anticipating for painful words for him. I don't know, siguro nasanay na lang ako. Nasanay sa sakit na palagi nyang ibinibigay sa'kin.

"You should be," sabi ko sa boses na halos walang emosyon. "Sa sobrang sakit ng ginawa mo sa'kin, kulang ang sorry lang. Because your apology won't change anything."

"I know."

"In fact, mas nakagulo lang ang pagsu-sorry mo sa'kin."

"Why?"

"Nasanay na ako sa cold treatment mo sa akin. Nasanay na ako na palagi mong sinasaktan. Kaya ngayon na biglang nagbabago ka at nagsu-sorry, naguguluhan ako."

"I know. Pero gusto kong malaman mo na hindi ko gustong saktan ka. Sa bawat pagkakataon na sinasaktan kita, mas sinasaktan ko ang sarili ko ng triple."

Bakit nya kailangang sabihin ang mga bagay na 'to? Ano ba'ng gusto nyang palabasin? He's slowly melting my anger at hindi pwede 'yon. Sa galit ako kumakapit upang maging matatag. I chose anger over sadness. Pa'no na kapag nawala ang galit ko? I'd be miserable again.

"Stop." Pinipigilan ko ang sarili kong lumuha.

"Gustung-gusto kong yakapin ka pero hindi ko magawa. It breaks my heart to see you like this but I can't blame anyone but myself. I turned you into a heartless person. I thought I can endure the pain as long as I'm protecting you and your family from my parents. Hindi pala. Hindi ko pala kaya."

"Tumigil ka na, Pha."

"Hanggang ngayon, hinihiling ko pa rin na sana iba na lang ang sitwasyon. Na sana hindi na lang ganito. Sana pwede na lang tayong maging masaya nang walang kumukontra. I wish we can just love each other freely without hurting the people around us. Sana hindi ko kailangang magpanggap na hindi na kita mahal."

Maybe YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon