XXIV

2.5K 136 9
                                    


YO'S POINT OF VIEW

NEW YORK gave me the opportunity to start anew. Masasabi kong sobrang nagbago ang buhay ko mula no'ng nagpunta ako rito. My life is different now. Mas naging busy ako pero mas marami akong natututunan araw-araw. Marami akong mga nakilalang tao sa mundo ng photography at marami ring opportunities ang dumating which allowed me to showcase my talent. New York is known as the city that never sleeps. Nababasa ko lang ang linyang 'yan sa magazines noon. But now that I'm here, napatunayan kong totoo nga 'yon. Kahit malalim na ang gabi, hindi nauubusan ng tao ang busy streets ng syudad na ito. People here are always on the go. Karamihan ay workaholic at parang strike while the iron is hot yata ang motto ng lahat.

It's been five months mula nang dumating ako rito at masasabi kong sobrang daming nangyari sa loob ng limang buwan.

"These are impressive shots." Hindi ko napansin na nasa likuran ko na pala si Night. Masyado kasi akong focused sa pictures na nasa PC ko. May dala syang printed copies ng mga kinunan kong larawan no'ng nagpunta kami sa San Francisco two weeks ago.

"Really? Nagustuhan mo?"

"Yup. Sobrang ganda."

"Do you think Mr. Davis would love them?" I asked him. Mr. Davis is our boss. Isang kilalang photographer na nagmamay-ari ng CAPTUREit. Sikat ang photo studio na 'to among Holywood stars. Ngayon naman ay nagi-expand na ito and we're currently preparing for the first release of our magazine named Capture. It's going to be a lifestyle magazine featuring different topics such as fashion, foods, gadgets and travel spots among others.

"Oo naman. Sigurado ako dyan," Night confidently assured me.

"Thanks." Kinuha ko ang kape na kanina pa palang nasa desk ko at halos hindi ko na napansin dahil sobrang busy ko. Dumaan ako sa Starbucks kanina on my way to work para bumili ng kape. Good thing, malapit lang 'yon sa office namin.

"What time's your class today?"

"Wala akong class ngayon."

"Why?"

"Maulan kasi. Basa raw ang blackboard."

He laughed. "Sira ka talaga, Yo."

"Magfo-focus na lang muna ako sa next batch of photos na isa-submit ko three days from now."

Ang mga photos na tinutukoy ko ay ang mga kinunan ko sa New York Fashion Week last month. Marami-rami rin ang mga 'yon and I'm definitely having a hard time kung alin sa mga iyon ang isa-submit ko. I have to pick five among more than two hundred shots. Isa rin sa rules ni Mr. Davis ay kailangang raw and unedited ang mga isa-submit naming pictures sa kanya. Tsaka na ii-edit 'pag na-approved na nya. As much as possible kasi, gusto nyang konting edits lang ang ginagawa sa isang litrato. Kaya kailangang maganda na talaga ang original picture bago pa man iyon naging edited.

"You're working too hard. Isusumbong kita sa kuya mo, ah," he joked.

Kilala na rin kasi si Night ng pamilya ko. Minsan kasi ay naabutan nya akong nakikipag-Skype sa kanila kaya ipinakilala ko na sya. I'm renting an apartment that's just two doors away from him. We're neighbors and we basically see each other everyday. One of the reasons why it's safe to say that he's my closest friend right now. Pero hindi pwedeng malaman ni Ming 'yan, or else, magtatampo ang isang 'yon.

"I'm not working too hard, Night. Sakto lang."

"Let's eat lunch together."

"Lunch time na ba?" I checked my wristwatch. "Wait, 9 AM pa lang naman, ah."

"Kita mo na? Halos hindi mo na alam ang oras. 10 AM na."

"Same, hindi pa rin lunch time."

"Oo na, panalo ka na. Basta sabay tayo mamaya, ah. May newly-opened Thai restaurant, we should try it."

Maybe YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon