VIII

3K 169 3
                                    

YO'S POINT OF VIEW

HINDI ko alam kung ano ang definition ni Pha sa salitang space kasi feeling ko parang wala namang nagbago. Kahit nasa Japan sya for Tokyo Fashion Week, parang nasa Thailand pa rin sya dahil palagi ko syang kausap. Lagi nya akong itini-text at tinatawagan. Nakikipag-Skype rin sya sa'kin pero palagi kong nire-reject. Ngayon ko lang sya pinagbigyan kasi sobrang nakukulitan na ako.

"Finally!" Huminga sya ng malalim. Mula sa background nya, alam ko ng nasa loob sya ng hotel room nya. "It's beem two days of hell na hindi ko nakikita ang mukha mo. Grabe ka sa'kin, ha."

"OA," I commented. "Kumusta ka naman dyan?"

"Obviously, hindi okay."

"Huh? Bakit naman? Ano'ng problema?" Hindi ko naitago ang pag-aalala sa boses ko. Who cares about the space I asked for? He's not okay and I need to know why.

"Oyyy! Concern sya sa'kin," mapanuksong sabi nya.

Sumimangot ako. "Jinu-joke time mo ba ako?"

"Of course not. Totoong hindi talaga okay."

"Bakit nga? May sakit ka ba? Pumalpak ka ba habang naglalakad sa runway?"

"Nope. I'm good at modelling. It's almost impossible na magkamali ako."

"Ang hangin." I rolled my eyes. "So, bakit nga? Ba't hindi ka okay?"

"Syempre, nami-miss kita."

"Ha?!"

"I'm not okay I because I miss you. That's self-explanatory."

"Yan lang ang reason mo?"

"Hey, 'wag mong nila-lang ang rason ko, ah. You have no idea kung ga'no kahirap sa'kin 'to. Tapos ilang beses mo pa akong tinanggihan na makipag-video call."

Napailing-iling na lang talaga ako sa kalokohan ni Pha. Sobrang cute pero hindi 'to nakakabuti para sa so-called space naming dalawa. Isa rin 'to sa reason kung bakit ayokong makipag-video call sa kanya. His smile is weakening my defense.

"Seriously, kumusta ka dyan? I mean your work and other stuff."

"Kung itinatanong mo kung good boy ba ako dito, yes, good boy ako. Behave na behave ako dito, Yo. Wala akong ginagawang kalokohan."

Medyo natawa naman ako do'n.

"Loko-loko! Alam ko naman 'yan."

"Medyo nakakapagod nga lang. Bukod kasi sa Tokyo Fashion Week, marami pa kaming events dito. Plus may photoshoots pa. Tuwing dumarating ako sa hotel room ko, diretso higa na lang ako."

Nakonsensya naman ako bigla. Sa kabila ng pagod nya, nag-e-effort pa rin syang makipag-communicate sa'kin. Minsan, nire-reject ko pa. Ngayon nga, habang magka-video call kami, napansin kong medyo stressed nga syang tingnan.

"Pha, matulog ka na kaya? I think you need to rest now."

"Nope. Ngayon nga lang kita nakita ulit, eh. Ayoko pang matulog. Tititigan muna kita." At iyon nga mismo ang ginawa nya. Tinitigan nya ako at kahit sa screen ko lang sya nakikita, para pa rin akong natutunaw sa titig nya. Na-ku-conscious pa rin ako.

"Sira. Pwede namang bukas na lang ulit tayo mag-video call?"

"May bukas pa?"

"Anong klaseng tanong 'yan? Of course, may bukas pa. Hindi pa naman siguro tayo mamamatay."

"No, I mean, pwede ulit tayong mag-video call bukas?" He looked at me expectantly.

"Yeah, sure. Pwede naman siguro."

Maybe YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon