VII

3K 174 29
                                    

WARNING: There are SPG scenes and languages used in this chapter. If you don't feel comfortable, please feel free to skip this part. Read at your own risk.

///***///

FORTH'S POINT OF VIEW

TINITIGAN ko si Beam na mahimbing na natutulog sa tabi ko. We were both naked and we're only covered by the comforter. Ang ulo niya'y nakahiga sa balikat ko at nakapulupot ang braso nya sa katawan ko. We've shared a long steamy night as usual.

"Beam..." Dahan-dahan ko syang ginising sa pamamagitan ng pagpisil sa pisngi nya.

Unti-unti namang bumukas ang mga mata nya. Nang maka-adjust sa liwanag ang mga mata nya ay saka lang sya ngumiti sa'kin.

"Good morning," he greeted me.

Tumayo ako at nagsuot ng boxer shorts saka nagsindi ng sigarilyo. Habang ginagawa ko iyon ay nakaupo lang sya sa kama at nakatingin sa'kin habang yakap-yakap ang unan.

"What?" I asked him.

"Wala," mahinang sagot nya.

"Kailangan mo ng umalis. Pupunta si Pring dito mamaya."

Nasa loob kami ng condo unit ko ngayon. Dito palaging nagaganap ang mga sikretong gabi na kailangang manatiling sikreto na lang habambuhay.

"Di ba sabi mo 3 PM pa sya darating? 9 AM pa naman, ah."

"Ano'ng plano mo, manatili rito hanggang 3 PM?" walang emosyong tanong ko. Mas mabuti nang ganito. Mas mabuti nang wala akong ipakitang emosyon sa kanya para hindi na mas maging komplikado ang sitwasyon. Maayos na ang set-up namin and I intend to keep it this way.

"Hindi naman. Baka lang gusto mong mag-breakfast. I can cook for us," he gently offered.

I sighed and tried so hard not to give him a sympathetic look. My face had to look neutral.

"That's crossing the line, Beam," seryosong sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang sakit sa mga mata nya na kaagad naman nyang tinakpan ng isang pilit na ngiti. He was faking a smile again to hide the pain I'm giving him. I don't know why he's doing this... Why he's keeping up with me. Alam naman nyang wala akong ibang maibibigay sa kanya kundi ang mga pasikretong gabing pinagsasaluhan namin. That's all he can be in my life now... A kept lover. This is all I can offer... A secret affair. This is hurting him and I don't know why he's still sticking with me. Sana lang hindi sya umaasang balang araw ay may magbabago sa pagitan namin kasi wala talaga. I can't give him more.

"I know. Naisip ko lang na baka gusto mo ng chef for today. You know, for a change. But no worries, okay lang sa'kin."

"You have to go." I fought the sympathy I felt for him. Siguro dapat ko na syang pakawalan para matapos na rin ang pananakit nya sa sarili nya. He deserve someone better than me. May iba pang pwedeng magmahal kay Beam. He's a wonderful person and I don't deserve him.

Tumayo sya at nagbihis. Ako naman ay tumalikod sa kanya at binuksan ang terrace. Pinagmasdan ko ang nagtataasang mga gusali, ang maliwanag na kalangitan sa taas at ang magulong traffic sa ibaba. It was a typical morning. Isang simpleng rush hour para sa iba. Pero para sa'min ni Beam, hindi ito isang simpleng umaga lang. This morning will change both of our lives.

"I'll get going," aniya pagkatapos magbihis. Sumunod sya sa'kin sa terrace at niyakap ako mula sa likod ko. "When are we gonna see again?"

Ganito na lang sya palagi bago kami maghiwalay. Palagi nyang tinatanong kung kelan kami magkikita ulit. Parang umiikot ang mundo nya sa mga sikretong gabi na kaya kong ibigay sa kanya. It hurts to see him being pathetic and settling for less. Beam is an intellectual person and love is ruining every piece of him. Kaya bilang mas may kontrol sa'ming dalawa, ako ang kailangang tumapos nito. I can't let him completely damage himself.

Maybe YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon