XXX Season Finale (2nd Half)

3.6K 173 41
                                    

Y O ' S  P O I N T  OF  VIEW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Y O ' S  P O I N T  OF  VIEW

THE deafening silence inside Pha's car was killing me. Pagkatapos ko syang mapakalma mula sa pakikipag-away nya kay Night, he asked me to come with him. Gusto raw nya akong makausap. Naamoy ko ang alak sa hininga nya and the way he's acting, alam kong lasing sya at hindi lang basta nakainom ng konti. Kaya para hindi na magkagulo ulit, sumama na lang ako. Nahihiya na rin kasi ako kay Mr. Davis at sa ibang mga big bosses ng kompanya namin.

"Hindi mo dapat ginawa ang ginawa mo kanina," malamig kong tugon habang nasa bintana ang mga mata. Nagkikislapan ang mga ilaw sa labas. Buhay na buhay pa rin ang buong New York kahit malalim na ang gabi.

"What did you expect me to do? He kissed you! He fuckin' kissed you!"

Sobrang lakas ng boses nya at rinig na rinig ko ang frustration nya. Lasing na nga sya.

"So what?"

"Anong so what?! Okay lang sa'yo na hinalikan ka nya?! 'Yong isinayaw at niyakap ka nya, mapapalampas ko pa 'yon kahit sobrang hirap na hirap na akong tingnan kayo. But when he kissed you? Damn, I lost my shit. He can't do that to you! Not ever!" Nakita kong sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa steering wheel. Ang bilis rin ng pagpapatakbo nya. Nasa daan ang mga mata nya pero alam kong halos wala na roon ang atensyon nya. His anger was dominating his senses already. "Fuck that bastard. Wala syang karapatang halikan ka."

"Pha, slow down. Mababangga tayo sa ginagawa mo, eh. Overspeeding ka na."

Mabuti na lang at na-realize naman nya kaagad iyon at binagalan kaagad ang pagmamaneho.

"I'm sorry. Galit lang ako."

"Obviously."

Tumahimik na lang ako dahil walang magandang mangyayari kung makikipag-away ako sa kanya. He's not on the right state. He's drunk at sobrang heightened rin ang emosyon nya. Galtt na galit sya ngayon.

"You can't let him kiss you like what just happened," sabi ulit nya pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Why not?"

Tila mas lalo lang syang nainis.

"Why? Do you like him?"

"It's none of your business."

"Tell me, Yo. Nade-develop ka na ba sa kanya?"

"My feelings, my business. Pwede ba, 'wag kang makialam."

"If you think you're falling for him, you better think twice. No, not just twice. Pag-isipan mo ng maraming-maraming beses. Naguguluhan ka lang. Akala mo nafu-fall ka na sa kanya dahil palagi syang nandyan para sa'yo. But the truth is, you just found comfort in him."

"What are you talking about? You're not making any sense."

"He's just a close friend, Yo. Pakiramdam mo lang may gusto ka na rin sa kanya. Pero wala 'yan."

Maybe YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon