XXX (1st Half)

3.1K 156 29
                                    

Y O ' S  P O I N T  O F  V I E W

HALOS hindi ako makahinga nang pumasok ako sa isang club na nirentahan ni Mr. Davis for the whole night. Everyone's partying so hard. Naghalu-halo na ang amoy ng alak, perfume ng mga tao at maging amoy ng sigarilyo. Nakakahilo rin ang patay-sinding ilaw. Pilit kong hinahanap ang upuan namin nina Night kung saan makakapag-relax ako at makakatakas sa mga wild na party animals sa paligid.

Sabi ko na nga ba, dapat hindi na ako nagpunta pa rito. Dapat hindi ko na lang inisip kung magalit man ang boss namin sa'kin. Sana nag-alibi na lang ako na masama ang pakiramdam ko. Maayos sana akong nakahiga sa kwarto ko ngayon at nagbabasa ng libro o nagbi-binge watch ng Netflix series. Hindi kasi talaga ako sanay sa mga ganitong klaseng lugar. Unlike others, I don't enjoy parties. This is not my definition of YOLO.

"Yo!" Nakahinga ako nang maluwag when I saw Night walking towards me.

"Night."

"I'm glad you made it."

"Am I late?"

"Medyo. The party has started, tapos na ang speech ni boss at ang iba pang parts ng program."

May klase pa kasi ako kaya natagalan ako. After my class, I went home to my apartment para magpalit bago nagpunta rito. Sinadya ko rin talagang bagalan ang kilos ko pero hindi ako masyadong matagal na mags-stay rito.

"Gano'n ba? O sige, let's take a seat. Nahihilo aki rito, Night."

"Take a seat? Oh c'mon, nasa party tayo! Loosen up!" Hinila nya ako patungo sa dance floor pero nagmatigas ako.

"Night, ano ba. Ayoko."

"Ang KJ nito. Sasayaw lang naman, eh."

"I don't dance."

"May dalawang paa ka kaya walang rason para hindi ka sumayaw."

"A-ayoko. Nakakahiya."

"Everybody's wasted. Walang makakapasin kung parehong kaliwa man ang paa mo."

"Eh... Kasi—"

"Sandali lang."

I gave up. Hinayaan ko na lang syang hilahin ako patungo sa masikip na dance floor. Nakatayo lang ako na parang tuod roon habang sya naman ay enjoy na enjoy sa pagsayaw. Nakainom yata ang isang 'to, eh. Halos parang wala sa sarili.

"Night..."

"C'mon, let's dance."

"Lasing ka lang."

"Hindi, ah. Nakainom lang ng konti but I'm completely sober."

"Weh?"

"Oo nga." Nilagay nya ang dalawang kamay sa bewang ko at inudyukan ako na sumayaw habang tumatawa. "Sige na. Just dance. Walang makikialam kung anong step ang gusto mo."

I slowly started pumping to the beat of the music, banging my head and swaying my body. I got lost on the music. Ilang saglit lang ay naramdaman kong nage-enjoy na ako. I lost myself and I completely let go of my inhibitions. Nakitawa na rin ako kay Night kahit wala namang nakakatawa. Ewan ko kung ano'ng nangyayari. Hindi naman ako lasing but I felt different. Ang saya-saya ko. Ang tagal ko ng hindi nakakaramdam ng ganito.

Biglang nag-dim ang lights kasabay ng unti-unting pag-alis ng mga tao sa dance floor. Konti na lang ang mga natira at parehong magkakapareha. Hindi ko alam kung bakit nandito pa kami ni Night. Napalitan ng isang lovesong ang tugtog. Perfect by Ed Sheeran. Narinig kong nagsisigawan at sumisipol ang mga tao sa paligid na parang kinikilig.

Maybe YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon