XIII

2.7K 184 18
                                    


YO'S POINT OF VIEW

AYOKONG sumuko. Kahit natatakot ako sa mga pwedeng mangyari, gusto kong lumaban. Ang tanong: meron pa ba akong ipaglalaban?

Habang tumatagal na wala akong naririnig mula kay Pha, unti-unti na ring nawawala ang pag-asa ko. Baka nga hanggang dito lang kami. Baka ipina-experience lang sa'kin kung ano ang pakiramdam ng mabigyan ng atensyon ng lalaking mahal ko. Baka panandalian lang ang lahat. And now, I have to go back to the painful reality.

But then he came back. Bumalik sya sa school namin nang hindi man lang ipinapaalam sa akin. Basta narinig ko na lang mula sa mga fellow student na nagbalik na raw sya. Parang malaking balita 'yon kasi sikat si Pha sa campus.

"What's wrong with him?" galit na tanong ni Ming habang kumakain kami sa canteen. Beast mode na naman ang kaibigan ko na mas affected pa sa'kin.

"Kalma ka lang dyan," sabi ni Kit sa kanya.

"Pa'no ako kakalma kung ginagawang tanga ni Pha ang kaibigan natin?"

"Hintayin na lang natin ang rason nya, Ming. Sigurado naman akong may paliwanag sya," optimistic kong sabi sa kanya kahit unti-unti na talaga akong pinanghihinaan ng loob.

"Palagi naman syang may paliwanag, eh. Tapos papatawarin mo ulit sya. Paulit-ulit na lang."

May point naman sya. Paulit-ulit na lang talaga. Aware naman ako, wala lang akong ginagawa para itigil 'to. Hinayaan ko na lang si Pha kung ayaw muna nyang magparamdam sa'kin. Baka hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin sya. O baka pinagbantaan rin sya ng mommy nya and maybe he's avoiding me to protect both of us. Sana lang kung iiwasan nya ako, ipaalam nya sa'kin para hindi ako nagmumukhang tanga. Handa naman akong tanggapin kahit ano ang magiging desisyon nya.

Nang makauwi ako sa bahay, nakita ko ang kotse ni Pha na naka-park sa harap ng gate namin. Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko. Fear and excitement filled my heart. Fear of what might happen after tonight and excitement because I've wanted to hug him since the day he left. Prente syang nakasandal sa kotse nya habang nakatingin sa'kin. Seryoso ang ekspresyon nya pero unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nya.

"Hi," he greeted me in a nervous voice.

"Hello." This is not us. Sobrang awkward ng sitwasyon. And we've never been awkward since the day na nagkaaminan kami ng feelings namin sa isa't-isa.

"Can we talk?"

I nodded. "Of course."

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya. Nakuha ko kaagad ang mensahe kaya pumasok ako roon. This is what I've been waiting for, ang makausap sya nang masinsinan. Pero tahimik lang kami sa loob ng kotse. I didn't attempt to break the silence because I felt like he should be the one to start the conversation.

"Where are we going?" I asked him when I noticed na kanina pa kaming bumibyahe. Parang paikot-ikot na lang kami.

"I don't know."

"What?"

"I really don't have a specific place in mind. Any suggestions?"

"Sana kanina mo pa ako tinanong, 'no? Magti-thirty minutes na tayong bumibyahe tapos ngayon mo lang sinabing wala pala tayong eksaktong direksyon?"

Maybe YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon