XI

2.7K 154 8
                                    

YO'S POINT OF VIEW

TAHIMIK ako habang nakatingin sa mukha ni Pha mula sa screen ng laptop ko. Kanina pa kaming magka-video call pero halos wala pa kaming napag-uusapan. Halatang hindi nya alam kung pa'no magsisimula. Ako naman, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Magagalitan ba ako at susumbatan sya? Magde-demand ba ako agad-agad ng explanation? O pipilitin kong pakalmahin ang sarili ko? I don't know.

"Sinundan nila ako ni mommy dito sa Japan," biglang sabi nya sa gitna ng mahabang katahimikan.

I nodded. This is it, we're finally talking. I heaved a deep sigh and prepared myself for another painful revelation. But who am I kidding? We can never prepare ourselves from getting hurt. No matter what we do, pain is pain. It will really crush you into pieces no matter how much you've anticipated it.

"Alam mo bang susunod nila?"

"Yes. But only a day before they arrived."

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Hindi ko maiwasang maging cold ang tono ko. Kusang lumalabas iyon sa bibig ko.

"Ayokong masaktan ka."

"Eh, ba't nasasaktan pa rin ako ngayon?"

"I'm sorry."

Sorry na naman? Pagod na pagod na akong marinig ang salitang 'yan. Every fuckin' time na nasasaktan nya ako, I always hear that word. And everytime he says sorry, tumitiklop agad ako. Pinapatawad ko agad sya at balik ulit ako sa pagpapakatanga. Ganito na lang ba palagi?

"Bakit ka nila sinundan?"

"Hindi ko naman inakalang ipu-post pala ni Pring ang picture namin sa Instagram. Akala ko alam nyang hindi nya dapat ginawa 'yon."

"You didn't answer my question. Bakit sila sumunod sa'yo dyan sa Japan?"

Matagal bago sya nakasagot. Each second that passed was a torture.

"May sinabi sila sa'kin."

"Ano 'yon?"

Right then and there, alam kong madudurog na naman ako sa malalaman ko. Ito na ang kinatatakutan ko.

"Gusto ng mga pamilya namin na magpakasal kami ng mas maaga."

Gusto kong magwala, magbasag, sumigaw at umiyak ng paulit-ulit. Heck, parang gusto ko na nga ring itapon ang laptop kung saan ka-video call ko si Pha. The news hurt me more than I expected. Instead of going violent, I remained silent at huminga ng malalim ng paulit-ulit. I have to stay calm and composed. I can't let my rage get the best of me.

"Please say something," Pha said nang hindi pa rin ako nagsalita pagkalipas ng ilang minuto.

"I don't know what to say."

"You can curse me if you want to."

"Gusto ko pero hindi ko gagawin. Wala ka namang control dito, eh. Wala kang magagawa."

"No, that's not true. May magagawa ako because they can't force me to do something I don't want to do."

"They're your parents. Hindi mo sila pwedeng kontrahin."

Maybe YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon