XXV

2.6K 155 26
                                    


YO'S POINT OF VIEW

PABAGSAK akong humiga sa kama nang dumating ako sa inuupahan kong apartment. I'm dead tired. Ang dami kong ginawa sa buong araw at lahat ng iyon ay intentional. Sinadya kong pagurin ang sarili ko para mawala sa isip ko na magkikita kami ulit ni Pha. The thought alone was making me feel intense emotions that only him was capable of making me feel. I hope everything's going to be fine. Sana nga kaya kong harapin sya.

Memories of what happened three months ago flashed back. Naalala ko kung ga'no ako ka-excited na makita sya. Kung ga'no ako kasaya na nasa New York ako and we're now breathing the same air. I was hoping that we can still save and fix our relationship. Kasabay ng mga alaalang iyon, nagbalik rin ang sakit at disappointment. Naalala ko kung gaano kasakit ang mga nakita at narinig ko.

Mahigpit akong humawak sa braso ni Night no'n habang papasok kami sa isang mamahaling restaurant. Kabadung-kabado ako. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari. Pero excited ako dahil alam kong masosorpresa si Pha 'pag nakita nya ako. Matutuwa sya. But still...

"Kinakabahan ako," I admitted. It's been more than one year since no'ng huli kaming nagkita.

"Sira. Ba't ka naman kakabahan? Si Pha lang 'yan, 'no. He's your boyfriend, chill ka lang."

Si Night ang nag-set up ng dinner na 'to para magkita kami kaagad sa mismong unang gabi ko sa New York. Wala akong pakialam sa jet lag at sa pag-a-adjust ng katawan ko sa timezone. I just wanted to see him the soonest time possible. Mabuti na lang at mabilis na kumilos si Night. He invited him for dinner three days before I arrived in New York. Walang kamalay-malay si Pha na aalis pala si Night at ako ang makakasama nyang mag-dinner.

Habang gina-guide kami patungo sa naka-reserve na table para sa'min, halos hindi na ako makahinga sa kaba. Pinagpapawisan rin yata ako ng malamig. And there he was. Nakaupo sa pinakasulok na bahagi ng restaurant. He was busy looking over the menu. He looked more handsome than before. Kung posibleng mag-increase ang charisma ng isang tao, mukhang iyon mismo ang nangyari sa kanya. His gaze was so intense and intimidating. His body was more well-toned, halatang babad sa gym. He looked so serious and formidable.

"Insan," Night called his attention.

He looked up and saw me nervously smiling at him. His mouth hang open and was unable to say a word.

"H-hi."

"Ito na ang sinasabi kong surprise," masiglang sabi ni Night.

"Y-yo?"

Napansin kong naguguluhan sya which was understandable. Pero hindi iyon ang reaction na in-expect ko mula sa kanya. I expected him to smile and hug me immediately.

"This dinner is really for the two of you. Mag-usap kayong mabuti. Ayusin nyo ang relasyon nyo, okay? You're perfect for each other kaya 'wag nyong sayangin ang isa't-isa. Love is worth fighting for."

"Night, bakit mo ginawa 'to?" tanong ni Pha na para bang nagkamali ang pinsan nya.

"Dahil ito ang tama. Ikaw na ang bahala kay Yo. I'll text you the address of his apartment para ikaw na ang maghatid sa kanya pauwi. I'll get going."

Tinapik ako ni Night sa balikat as if giving me courage bago tuluyang umalis. Nanatili naman akong nakatayo kaharap ni Pha na hindi pa rin makapagsalita.

"Kelan ka pa dumating?" he asked after a long, akward silence.

"Ngayon lang. Hinatid ko lang ang mga gamit ko sa apartment 'tapos dumiretso na ako rito," sagot ko at umupo kaharap nya. "Kumusta ka?"

Maybe YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon