Kabanata 1

325 5 2
                                    

"Alice. Wake up!" sabay alog at yugyog sa katawan ko. Siya si Michelle ang Roommate-slash-Bestfriend ko.

"Ano nanaman ba Michelle?!"

"Duh. Malelate ka na sa trabaho mo. Ang sungit sungit pa naman ng boss mo." tama siya napaka sungit ng boss ko. Laging nakakunot yung noo, nakasimangot. Di naman siya ganun dati.

Tumayo na ako sa kama ko. pumunta sa banyo at nag buhos, nag shampoo, nag sabon. Simpleng ligo ng ordinaryong tao. Simpleng gawain bago mag simula ang lahat. Lumabas na ako ng banyo at nag bihis ng unipormeng pang trabaho. Nag almusal saglit. Late na naman ako kaya di na ako mag mamadali. Ganun na din yun.

"Ay nako Alice! Ang kupad kupad mo. Late ka na nga binabagalan mo pa lalo" talak ni Michelle. Itong babaeng to kahit kelan bungangera. Kung di ko lang to best friend eh. Nakatikim na to ng maala black belter kick.

Di ko nalang siya pinansin at tumuloy ng pag aalmusal. Pagtapos ko mag almusal lumakad na ako papuntang trabaho. Nag paalam muna ako kay Michelle. Naglakad lang ako nanjan lang naman sa kanto yung pinagtratrabuhan ko. Kaya sabi ko nga late na ako. Paninindigan ko na to.

Dumiretso na ako sa table ko. Saka ako pinatawag ng boss ko. Pumunta ako sa opisina niya.

"Alice! Late ka nanaman! 1 hr late! Wala ka ng pinagbago-" hindi na ako nakinig. gagamitin ko na ang oras na to para mag pakilala sainyo. Ako si Alice Hope Imperial. Grumaduate bilang Suma Cum Laude ng UP Diliman. Mechanical Engineering ang course ko. At ngayung nagtratrabaho sa Imperial Group Corp. Head Engineering ang posisyon. At tama ang naiisip niyo. Pagmamay-ari ng magulang ko ang kumpanyang ito. NOON. Oo, noon. Naubos ang pera namin noon at binenta ang kumpanya sa isang taong malapit sa puso ko.

"Ano Alice? Di ka nanaman nakikinig?!" Sabi ni Sir Emmanuel Mico Santos. O tinatawag ko'ng Mico noon. Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang noon.

"Alice. Di porket ang pamilya mo ang dati-" pinutol ko na ang sasabihin niya

"Mico. I mean Sir Emman. Gets ko na yan. Alam ko na yan. Naiintindihan ko na. Pasensya na Sir. May gig kasi ako kagabi. Kaylangan kumayod kaya di napaaga ang pasok. Pasensya na po talaga." Nakatungo ko'ng sabi. Ayokong tumingin sakaniya. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niyang walang emosyol. Sa mata niyang napaka lamig. Nakakakilabot.

"Sige na Alice lumabas ka na." Lumabas ako ng opisina niya ng tulala. Wala sa sarili kong sinimulan ang pagtratrabaho. Naalala ko nanaman ang lahat. Ang sakit at poot na naramdaman ko. Naramdaman namin.

8 years ago...

3rd year High school ako ng simulan niya ako ligawan.

"Aliceeeeeeee!!! Whaaaahhh!!! Aliiiceeeee!!!" sigaw ng best friend kong si Michelle.

"Bakit nanaman teh?!"

"Alice! Dali tara! Labas." Hinila niya ako patayo. Tumakbo kami papuntang Quadrangle. Habang siya pulang pula. Bakit kaya?

Pagdating namin sa Quadrangle nakita ko ang maraming mukha ko sa white screen ng school. Tinignan ko yun ng may pagtataka. Hindi ko alam ang nangyayari. Tinigan ko si Michelle ng nagtatanong pero nakita ko'ng wala na akong katabi. Lahat ng tao nakapaligid lang sakin. Ang daming tao. Ano ba talagang nangyayari?

Nagsimulang nag play ang AVR. Nakita ko ang napakarami kong picture. Simula sanggol, pumasok ako sa eskwelahan, sumali sa music organization, Nakapasa sa New Academy, Sumali sa Cheering Squad. Lahat ng medal. Napaka galing na stalker naman nito.May lumabas na banda sa stage. Okay. Now what's really happening? Nagsimula silang kumanta. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya sa stage. Si Emmanuel Mico Santos. Ang Captain ng Basketball team. Ang Gwapo. Ang Cool. Ang Hot. Ang Scholar na crush ko?! Siya ba? Siya ba ang nangliligaw sakin? Nanlaki ang aking mata. Pumunta ang lahat ng dugo ko sa mukha ko. Sasabog na ang puso ko! Lord, Kukunin mo na ba ako?

At The Right TimeWhere stories live. Discover now