Kabanata 14

119 4 1
                                    

"Miggy!" nasa airport kami ngayon habang hinihintay si Ayser kasi pumunta siya sa isang business meeting sa Singapore.

Matagal na din akong di nagtatrabaho kay Kuya Mark dahil walang magbabantay kay Miggy.

Nagsasama na din kami ni Ayser bago pa mag isang taon si Miggy. Si Ayser din ang nagpatigil sakin sa pagtatrabaho kasi ayaw niyang lumaki si Miggy sa yaya katulad ng naranasan niya.

Kasalukuyan kong hinahanap si Miggy kasi napakagulo talaga nung batang yun. Dalawang taong gulang palang siya at kung kumilos parang limang taong gulang na.

Sobrang likot niya as in. "Miggy!! Stop. Mommy's tired na."

"Papa Ayser." Sabay turo niya kay Ayser na nakatayo sa tabi niya.

Agad agad akong lumapit sakaniya. Tas niyakap siya. "I miss you!"

"I miss you too my hon."

"And I mith Papa!"

Napatingin kami sa isa't isa saka tumawa. Binuhat niya naman si Miggy saka tinulak ang mga bagahe niya. Tinulungan ko siya sa pagtulak.

"Galing galing naman ni Miggy namin! I miss you too baby kooo." Pagtinitignan ko ang mag-ama ko hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Tatlong taon na simula ng di ko nakita si Mico.

Tinutupad yata ni Lord ang wish ko.

Sana hindi na kami makita ni Mico.

Mico's POV

Nakailang bansa na ako at hindi ko parin nakikita si Alice. Panghuli ng bansa to at ang bansang ito ay ang New Zealand.

Natulog lang kami ni Hannah sa buong byahe. Naaawa na ako sa sekretarya kong ito tatlong taong eroplano at opisina lang ng Cabrera ang nakikita.

"Sir we have arrived in your destination." Nagising ako ganun na din si Hannah at tumayo at lumabas sa eroplano. Kinukuha ko na ang luggage ko ng may marinig akong boses na pamilyar sakin.

"Miggy!!" sinundan ko ang boses na yun at iniwan muna si Hannah. Kaso sa dami ng tao hindi ko siya makita.

"Sir yung luggage niyo po oh."

"Salamat Hannah. Huling bansa na to sir. Siguro naman po makikita na natin siya dito"

"Sana nga eh. Para naman magkaroon ng kapalit ang pagod natin."

Lumabas na kami ng airport. "Mauna ka na sa hotel. Dadaan na muna ako sa Cabrera, para naman kung wala siya dun ay makapagpahinga na tayo agad."

Tumango lang siya at sumakay ng taxi.

"Hello sir what can I do for you?"

"I'm here for an appointment with Mark Cabrera."

"Okay sir for awhile." May kinausap siya sa telepono at ng ibaba niya ito. "Have that elevator and it will lead you to Mr. Cabrera's office"

"Thank you."

Pumunta na ako sa elevator na itinuro niya at ng magbukas ito nakita ko si Mark na nakangiti sakin.

"Long time no see Mico. I've heard from the other branches that you really want Cabrera Group and Company part of Imperial Group Corp."

"Yup Kuya Mark"

"But I know you also know by now that you need the approval of Loyola Enterprises to gain our trust. O baka naman may hinahanap ka lang talaga at inisa isa mo pa kami?" tumigil siya saglit sabay sabi "Ah. Si Alice ba?"

At The Right TimeWhere stories live. Discover now