Kabanata 11

137 4 2
                                    

Mico's POV

Tang nang buhay to! Hawak ko na pinakawalan ko pa. Ano pa bang katangahan ang gagawin ko?

"Bro!" sabay pasok ni Bryle sa opisina ko "Oh! Bat ka umiiyak? Yung kapatid ko din umiiyak sa labas!"

Napatingin siya sa table ni Alice "Nasan pala si Alice?"

Di ako sumagot sa mga tanong niya.

Tinignan ko lang siya. "Inom tayo?" tumayo lang ako at nag-unang mag lakad sakaniya.

Tinignan ko si Mich sa table niya. Wala na siya. Malamang nasa Karaoke bar na ni Oliver. Dumiretso nalang ako sa Karaoke ni Oliver.

"Pre!" bati sakin ni Oliver.

Mag 8 na. Malamang kakanta na si Alice. Pumunta sila sa stage. Tatlo lang sila? Nasan si Alice?

Tinignan ko si Oliver. "Wala na siya brad nag paalam siya sakin kahapon. Indefinite leave daw. Di ko alam bakit. Pero pinayagan ko nalang. May nangyari ba sainyo?" napayuko nalang ako. Hindi ako sumagot.

Tinapik niya nalang ang likod ko "Kukuha lang ako ng maiinom" Umalis siya.

Tumabi sakin ni Bryle. Nag tawag pa ng kasama "What is going on guys?" sabi ni Adrian hanggang ngayun di parin marunong magtagalog to.

Tinuro lang ako ni Bryle gamit ang nguso niya. "Ano nanamang ginawa mong kalokohan brad?" sabi ni Lloyd.

Hindi ako kumibo.

Bumalik na si Oliver at tinungga ko agad ang isang bote. I need this.

"Uy! Hinay hinay nga lang." Sabi ni Lloyd sabay agaw sakin nung hawak kong pangalawang bote.

"Ganito nalang ba tayo palagi pag magkikita? Miserable ka nalang palagi? Ilabas mo nga yan. Tang na naman Mico di ka na bata. Wag mong idaan lahat sa inom!" sabi ni Lloyd sabay tungga ng boteng inagaw niya sakin.

Kumuha ulit ako ng isang bote ngunit inagaw naman ni Adrian sakin yun. "You're not listening again. Don't be so immature. Hard headed" at tinungga nanaman niya ang inagaw niya.

Kumuha ulit ako ng isa pa pero inagaw nanaman ni Oliver "Tama na ang isang beses brad. Wag ka nanaman magmukmok. Kesa mag ganyan ganyan ka. Tang na hanapin mo siya. Walang mangyayari sa kakainom mo."

Kumuha nanaman ako ng isa pa. As I expected inagaw nanaman ni Bryle yun. "Pards makinig ka takte. Yan ang hirap sayo eh. Wala kang pinapakinggan. Kung ako sayo kesa nagmumokmok ako. Aalis na ako. Mag hahired ng private investigator at hahanapin si Alice! Puta utak naman pre!" nakinig lang ako sa mga sinasabi nila.

Tama naman sila eh. Walang mangyayari sakin kung magmumokmok lang ako kasi hindi babalik si Alice sakin kung wala akong gagawin.

Pagkatapos kumanta sila Mich pumunta sila sa pwesto namin at lumapit kay Bryle. Inakap siya ni Bryle.

What's going on? Tinignan ko lang sila ng nagtataka pero tinanggal ko agad yun.

Uminom nanaman ako. "Walang magagawa ang inom Mico o Emman. Alam kong mahal mo ang Best Friend ko." napatingin ako sa nag salita.

"Nasa ibang bansa siya. Hindi ko alam kung san. Sabi niya ayaw niya ng may nakakaalam na nasa ibang bansa siya. Mayaman ka na Mico. Makapangyarihan. Kayang kaya mo siyang hanapin" pagpapatuloy niya

"Ikaw lang ang makakabuo sakaniya Mico. Alam ko may kulang saknaiya. At ikaw yun. Mahal na mahal ka niya" nakinig lang ako. Wala akong karapatan mag salita.

At The Right TimeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora