Kabanata 8

160 4 3
                                    

"Love. Nandito na tayo. Gising na" nagmulat ako ng mata. Ang haba ng byahe. "Nasa tagaytay na tayo love!"

"TAGAYTAY!" nanlaki ang mata ko. Ang tagal ko ng di nakakapunta sa tagaytay. Naexcite ako.

"Yes Love nasa tagaytay tayo" nag puppy eyes ako sakaniya with shinning shimmering splendid na eyes. Gusto ko mamasyal. Gusto ko mamasyal.

"Fine fine. Tawagan mo lahat ng appointment ko today. I cancel mo lahat. Pagtapos sa site. Mamasyal tayo!"

"Yay! Yey! Yiy! Yoy! Yuy!" Tuwang tuwa ako sa sinabi niya. Lumabas ako agad ng kotse at tumalon ng tumalon dun ng nakataas yung kamay nung nakita ko na lumabas na siya sa kotse.

Lumambitin ako sa likod niya "Piggy back ride! Hiyaaa!" Piniggy back ride niya na ako papuntang site. Tuwang tuwa ako. Para akong batang bagong salta sa Tagaytay.

"Ayiiieeeee" tukso ni Mich at Bryle. Napabitaw ako bigla kay Mico kaya na out of balance kaming dalawa. Parehas kami napahiga. Siya nakapatong sakin.

Nagkatitigan kami "Kiss. kiss. kiss" Namula siya naramdaman ko ding namula ako. napalingon kami sa iba.

Nakakahiya.

Tumayo na siya at inabot ang kamay niya sakin. Tumayo na din ako "Love, stay here nalang. Hintayin mo nalang ako dito. You'll just get bored there." Tumango ako.

Naupo nalang ako dun habang hinihintay sila. Gusto ko pa naman pumunta sa taas. Para makita yung lugar pero ayos lang yun. May iniuutos pa nga pala si Mico sakin. Icancel daw lahat ng appointment niya. Kaya tinawagan ko na yung 3 niya pa appointment ngayung araw. Sinabi kong icancel. Tamang tama naman na natapos na din sila.

"Na cancel mo na love? Until tomorrow?"

"Hanggang bukas?"

"Oo icancel mo na. Lets enjoy this day. Bukas mawawala na din ang pagiging Mico ko." oo nga pala. Nalungkot ako ng maalala ko yun. "Tawagin mo na rin si Oliver. Sabihin mo di ka makakapasok."

Ginawa ko na ang mga sinabi niya. Nagpaalam na din sila Mich at Bryle. Ayaw daw nila sumama. Okay na din para malubos ko tong araw na to. Tinawagan ko na din lahat ng sinabi niya. This is a long day.

Una naming ginawa ay nagcheck in. Pick season daw kaya isang room lang. No Choice sa lapag nalang siguro ako.

Pagkatapos namin mag-ayos dun at nagpalit ng damit. Buti nalang may dala ako palagi. Umalis na muna siya may bibilhin lang daw.

Pagkadating niya pumunta kami sa isang resto.

"Bulalo!"

"I know. It's your favorite" hanggang ngayun alam niya parin ang paborito ko

"Oo. Lalo na pag luto ni Inay Esmeralda" napasimangot siya. "Nasan pala si Inay."

"Nasa States. Nag asawa na siya eh"

"Huh? Nag hiwalay sila ni Itay Isko?"

"Hindi. Patay na si Itay."

"Sorry." Si Inay Esming at Itay Isko ang naging nanay at tatay ko nung mga panahon na lagi wala si mommy at daddy. Minsan dun ako pag weekend. Nalulungkot lang kasi ako sa bahay. Tinuruan ako mag luto ni Inay Esming.

"Okie lang." Ngumiti siya sakin "Tara?"

Pumunta kami sa Sky Ranch. Sumakay kami dun sa parang Viking nila. Ako nag yaya kay Mico. Noong una ayaw niya kasi takot siya sa heights pero dahil si Mico siya ngayun at hindi natitiis ni Mico si Alice. Kaya pumayag siya.

At The Right TimeWhere stories live. Discover now