Kabanata 20

15 3 0
                                    

A month has passed and things apparently changing. Simulan natin kay Hannah, simula nung insidente sa opisina ni Mico ay hindi ko na nakita sa opisina. Nag-assume nalang ako na baka nag-resign na siya sa pagiging secretary ni Mico. Well, hindi naman talaga nag-assume kasi kinuha ni Mico ang sekretarya kong si Kylo at ako ngayon ang may bagong secretary.

Si Michelle naman ay lumalala ang topak sa buhay feeling ko, feeling ko lang naman, eh buntis na siya. Madalas siya sa bahay ko kasi inaaway niya lagi si Bryle.

Si Ayser nasa ibang bansa, as always, dahil you know, business.

Mico? We never talked since last month, well, we talk pero kung hindi awkward eh dahil lang sa trabaho ang pinag-uusapan namin. Hindi naman ako nag-eexpect na kung wala ng Hannah, pwede na kami. I'm just somehow expecting him to bond with our child especially na alam niya ng anak niya si Miggy.

Miggy been asking about the lost king lately and honestly, hindi ko alam kung anong sasabihin ko because I don't think the lost king is ready for his child. I just hope, soon.

"Miss Imperial." Tawag sakin ng secretary, si Gab. "Meeting in 5 minutes" tinanguan ko lang siya. Nag-ready na ako para makababa sa board room.

Nakasabay pa namin sila Mico at Kylo sa elevator na nagpangiti sakin. Namiss ko kasi itong dating secretarya ko.

"Miss Imperial" bati ni Mico sakin na nginitian ko na lamang.

"Miss, happy birthday po!" masiglang bati sakin ni Kylo habang may inaabot na regalo para sakin

"Hala nag-abala ka pa. Salamat!" sabi ko habang nakangiting tinatanggap ang regalo niya para sakin.

"Pasensya na po at yaan lang ang nakayanan ko. Sana po nagustuhan ninyo!" sabi niya habang binuksan ko ang maliit na box na binigay niya. Isa itong earphone na may kasamang flash drive "Laman po niyan yung mga music po na pinakikinig ko sainyo nung nakaraan." Namumula niyang sambit

"Thank you so much, Kylo!" at niyakap ko siya bigla nga lang may umubo sa gilid ko at kasabay nun ang pagbukas ng elevator. "Thank you ulit." At lumabas na kami roon

Yes, today is my 30th birthday. Natutuwa ako at may nakaalala ng birthday ko, ilang tao na rin kasi na kami lang nila Kuya Bryan, Atser at Miggy lang ang nagce-celebrate. 

Lumipas ang ilang oras para sa meeting na to and this day is so tiring. Like legit na nakakapagod. I really can't wait to go home and celebrate my birthday with my son.

"Miss, happy birthday po! Pinapasabi po sakin ni Mr. Santos na you can go home na po and take the rest of the day" nagulat ako sa sinabi niya

"Really? Sinabi niya yun?" nagulat kong sabi

"Opo, Miss. Damay nga po ako sa pwedeng umuwi." Natatawa niyang sabi

"Okay then, lets go home na." sabi ko habang inaayos ko ang mga gamit ko

"Thank you po Ma'am. Happy Birthday po ulit! Enjoy your day po" sabi niya sabay umalis na ng opisina. Napangiti nalang ako sa batang yun.

Nag-grocery muna ako bago umuwi para naman mayroon akong maluto pag-uwi ko. Hindi na ako maghahanda ng magarbo dahil pagod na ako galing trabaho at wala rin naman akong planong mag-celebrate. Simpleng handaan lang ay pwede na sa akin.

"HAPPY BIRTHDAY!" Sigaw ng mga tao pagkapasok ko ng bahay at nakita ko dun ang mga kaibigan ko, si Kylo, ang mga kaibigan ni Mico at syempre si Mico hawak ang kamay ng anak ko.

Hindi ako makapagsalita. Mga ilang minuto lang umikot ang mga mata ko sa paligid, inayos o baka pinaayos nila ang bahay, at nakita kong may mga pagkain sa may garden. "Grabe, nag-abala pa kayo. Salamat!" naluluha kong sabi

At The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon