Kabanata 10

144 4 5
                                    

Pagkatapos ng maraming kanta umuwi na kami. Pagpasok na pagpasok ko sa bahay. Naupo na si Mich at saka humagulgol. "Ano? Iwanan nalang ganun?"

"Mich-"

"Hindi Alice eh. Hindi ko maintindihan. Matapang ka diba? Kaya mo naman harapin yan diba?"

"Mich hindi. Ang hirap hirap na ng sitwasyon eh. Please Michelle intindihin mo. Hirap na hirap na ako" napaupo na rin ako at umiyak.

"Babalik ka naman diba?"

"Oo naman. Dito ang lugar ko. Nandito ang mundo ko. Mag momove on lang ako Mich."

"Sige sosoportahan nalang kita. Eh pano si Mico?" Napaisip ako sa sinabi niya. Di ako pwedeng umalis ng di nagpapakita sakaniya. Di ko pwede takasan ang trabaho ko.

Napabuntong ako ng hininga "Dadaan ako dun bukas. Mag-fafile ako ng Resignation" pagkatapos ko sabihin yun pumasok na ako sa kwarto ko. At napahagulgol nanaman.

Kinabukasan. Binuksan ko na ang laptop ko at gumawa ng Resgination Paper. Di ko na kaya manatili pa ng isang araw na kasama siya. Ang hirap niyang mahalin. Mahirap magmahal ng taong wala namang paki.

Pagkatapos ko gawin yun. Sumakay na ako sa kotse ko. Ang kotse na ang tagal ko di ginagamit dahil sa kamahalan ng gas. Pumunta na sa opisina. Dumiretso ako sa opisina ni Sir Emman ng makita ko dun si Tiffany.

"Can you leave?" sabi ko

"Inuutusan mo ba ako?"

"Di ba halata? Alis!" wala akong panahon makipag away sakaniya. Kaya hinila ko siya palabas ng opisina. Ni-lock ang pinto. Nung una nagsisisigaw pa siya. Napapikit ako sa ingay at tining ng boses ng babaeng to.

Binuksan ko ang pinto at tinulak siya ng malakas. "Pwede ba Tiffany! Wag mong dalhin ang pagiging brat mo ngayun! Dahil wala akong panahon sa mga katulad mo" at binagsak ko ang pintuan at ni-lock ulit

"You want to be alone with me?" nakakalokong sabi niya. Wala akong panahon sa ganito

"Im Resigning" Diretsong sabi ko.

Napanganga siya ng nilagay ko sa lamesa niya ang isang papel

"Im not accepting this." iniaabot niya ang papel pabalik sakin.

"And why not? That's an irrevocable resignation"

"May usapan kami ng daddy mo."

"Usapan niyo yun at labas ako dun"

"Bat mo ba kaylangan umalis"

"Dahil wala na akong lugar para manatili. Wala na din ang nag-iisang rason ko para manatili"

"Ano bang gusto mong gawin ko?"

"Wala. Kahit naman anong sabihin ko. Hindi mo rin magagawa"

"Sabihin mo"

"Ibalik mo si Mico." pinigilan kong lumuha. Di siya nakapagsalita. "Mahirap diba? Aalis na ako"

Hinawakan niya ang braso ko. Napaluhod siya "Please wag ka ng umalis"

"Its too late"

"Please Alice"

"Wag na nating pahirapan ang mga sarili natin Emman."

"Wag ka na umalis."

"Mico. Sa totoo lang I wanted to stay but I cant. I want to love you but Im hurt. Hindi ko na kayang manatili pa ulit ng isa pang segundo sa harap mo. Hindi ko na kayang makita ka dahil sa bawat tingin ko sayo. Iba na yung nakikita ko. Hindi yung Mico'ng mahal ko. Kundi yung Emman na walang puso" nagpumiglas ako para mawala ang hawak niya sakin.

Nakaluhod parin siya pero bigla niyang niyakap ang binti ko. Naramdaman kong tumulo ang luha niya "Mico. Let me go."

"No! Ayoko. Mahal kita Alice"

"It's too late Mico. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. I did everything for you Mico! But you never do the same. Ayoko na Mico. Tapos na tayo. Tapos na! Ang sakit sakit na" tumulo na ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa.

"Mico bitaw! Bitaw" Tinulak ko siya at umalis sa lugar na yun

May biglang sumampal sakin paglabas ko ng pinto "Ano bang problema mo ha?! Wag kang sumabay sa mga problema ko Tiffany! Dahil hindi mo magugustuhan" dunuro-duro ko siya habang sinasabi ko yun "Punong puno na ako sa kalandian mo!" nakita kong tumulo ang luha niya pero wala akong paki.

Binangga ko siya saka dumiretso nang lakad. Nakita kong napaupo siya sa lakas ng tulak ko.

"San ka pupunta?"

"Kukuha ng ticket tapos aalis na. Ikaw na bahala sa kotse ko" Binigay ko sakaniya yung susi. "Wag mo na akong ihatid. Ayokong may makaalam kung nasaan ako." magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na "Please Mich. Try to understand me." Tumango tango lang siya.

"Alis na ako." niyakap niya ako ng napaka higpit.

"Mamimiss kita Alice" di na ako nagsalita dahil alam kong isang salita ko lang iiyak na ako. Tinapik ko ang likod niya at umalis sa pag kakayakap niya

"Mag-iingat ka Mich ha? I-E-mail mo ko palage ha? Alis na ako"

Tumalikod na ako sakaniya at kumaway bago mawala siya sa paningin ko. Pumunta na ako sa airport at bumili ng ticket.

Pupunta akong New Zealand. May nag-alok sakin dun ng trabaho. Itatry ko. Dun na muna ako.

Tinawag na ang Flight ko. Tumingin muna ako sa labas ng airport.

Paalam.

Hanggang sa muli.

Pumasok na ako sa loob.

At The Right TimeWhere stories live. Discover now