Epilogue

25 3 0
                                    

Kung nandito ka parin para basahin ang huling pahina ng istorya ni Alice, maraming-maraming salamat at sinuportahan mo ako hanggang dulo. You helped me pursue my passion, again. And this time, I am not going to stop writing. Hope to see you on my next works :) -Sophie


Ang Huling Pahina

Habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin. Bumabalik sakin lahat ng nangyari samin ni Mico, nung niligawan niya ako at kamuntik na siya masuspend dahil sa paglabag ng maraming rules sa school. Ang matapang na pagharap niya sa mga magulang ko. Ang pagkakahiwalay namin ng ilang taon pero ito na kami ngayon, bumalik sa isa't isa. Guess, all you really need is to wait for the right time to make all seems right.

Pumasok bigla ang anak ko kasama ang Tita Michelle niya na malaki na ang tyan. Pitong buwan na rin kasi ang lumipas simula noong pinagdiwang namin ang kaarawan ko. Tama nga ang hinala ko at buntis na si Mich.

"Mommy you're so pretty. Daddy is excited to see you. He was like this oh" lumakad siya pabalik-balik sa right and left side ng room habang hinihinmas ang dalawang kamay na parang nalalamigan.

Natawa nalang ako habang pinagmamasdan ang anak ko. "Mommy I know you're sad because no one will walk with you but dont worry after this day, we'll have our own family na!" tapos bigla niya akong niyakap

"I love you so much mommy" hinalikan niya na ako sa pisngi at saka tumakbo palabas.

Bigla siyang bumalik sa kwarto "Ahmm mommy. Daddy told me to give this to you." sabi niya saka lumapit ulit sakin at may binigay na paper. Kumaway ulit sakin ang anak ko at saka tuluyang umalis ng kwarto.

Naiwan si Michelle habang pinagmamasdan ako ng mataimtim. Umiyak nalang siya bigla sabay niyakap ako "I am really, really, really happy for you Alice."

Dumating na din ang iba kong bridesmaid na si Andy, Nicole, Erika (asawa ni Lloyd), at Gab. Nagtuloy-tuloy ang pictorial namin sa kwarto pati na rin ang pag-aayos. Pinaalala sakin ng photographer ang pinapabigay ni Mico sa akin. Kaya naman binasa ko ito ng malakas.

My Dearest Alice,

Even thou I don't see you right now, I know that you will be the most beautiful, no, gorgeous bride that ever walk onto the aisle. You'll walk alone, I know, but don't forget to smile because I know that they're up there and very happy to see their gorgeous daughter so happy and contented and I am at the end of the path you are walking to, waiting for you. 

Alam kong maraming hindi magandang nangyari sa ating dalawa. Nagmahalan ng lubos pero sumuko. Naniwala ka sakin sa pangalawang pagkakataon pero isinawalang bahala ko yun. Maybe it wasn't just the right time back then but look at us now, finally, getting married. 

I guess totoo yung sabi nila, na when you are made for each other, you'll eventually find the path to lead in each other's arms. Sa madaling salita, Si Alice ay para kay Mico at si Mico ay para kay Alice. 

I love you so much Alice Hope Santos. See you in a while, My Wife.

Yours Forever, Mico.

"Anong nararamdaman mo ngayon?" tanong ng videographer

"Im just really happy because finally, ito na talaga. After so many trials, I am finally be Mrs. Alice Hope Imperial-Santos." Umiiyak ang mga kaibigan ko sa loob ng kwarto na pati tuloy ako naiyak na rin.

Inayos muli ang mga make-up namin saka tumayo at sumakay sa sasakyan papunta sa kalesang sasakyan ko papuntang resort. Excited na excited na ako makasal, sa sobrang excited ko hindi na tumigil ang mga luha ko. Pati na rin ni Michelle na o.a ngayon ang hormones dahil buntis.

At The Right TimeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin